Part 14
A/N: Still Damien's Flashback.
Katatapos lamang namin maghapunan at pabalik na kami sa silid ni Cerina nang may biglang tumawag sa akin. Pina-una ko na si Cerina dahil mukhang importante ang gustong sabihin ng mga kawal.
"Heneral. Kailangan po namin ng tulong ninyo"
"Namataan na po namin ang grupo ng mga lalaking kumukuha sa mga kadalagahan."
Agad nilang tinuro sa akin ang lugar. Saktong pagkarating ko ay aktong may bibiktimahin sila kaya nagmadali akong suntukin ang mga lalaki.
Aatakihin na nila ako kaya inilabas ko na ang sandata ko at agad itong iniwasiwas sa kanila.
Hindi ako magiging isang heneral kung wala akong binatbat. Mag-isa kong pinatumba ang mga kalaban.
Nang matapos ay pinakawalan ko na ang mga dalagang bitag.
--
Nagmadali akong bumalik sa palasyo para daluhan si Cerina. Mahirap na, baka mapahamak pa iyon, lapitin pa naman ng disgrasya.
Pero nagulat ako nung pagpasok ko, wala siya sa kanyang silid! Takte san naman kaya nagpunta ang babaeng iyon!
Hinanap ko siya sa buong palasyo.. hanggang sa napansin kong nakabukas ang pintuan sa silid ng yumaong hari at reyna. Di kaya... Shit! Malalagot siya nito! Lubos na ipinapagbawal ang pagpasok roon. Pag nahuli kang pumasok ay siguradong patay ka na kinabukasan.
Nagulat akong naroon nga siya dahil tama nga ang hinala ko.. pero.. mas nagulat ako nung makita ang hawak hawak niya. Hawak lang naman niya ng Amulet.. ang simbolo ng kapangyarihan ng buong kaharian.. pero.. panong..nabuksan niya ang crest? Ang tagapagmana lamang ang makakagawa niyon!
Sandali.. Hindi kaya si Cerina ang matagal ko nang hinihintay? Ang Prinsesa?
Naalala ko tuloy ang pangako ko sa yumaong hari.
-------------------
"Damien."
"Ano po ang maipaglilingkod ko mahal na hari?" agad akong lumuhod sa kanyang harapan.
"Isa kang napakatapang at napakalakas na bata.."
"Maraming salamat po sa pag-puri.."
"Kaya't nais ko sanang ipangako mo sa akin na ipagtatanggol mo at pahahalagahan ang aking prinsesa.."
"Prinsesa?" wala naman akong nakikitang prinsesa sa kaharian ah?
"Oo. Sa darating na panahon, magkakakilala rin kayo. Kaya ipangako mo sa akin iyon."
"Opo masusunod po mahal na hari. Ipagtatanggol ko siya kahit ang kapalit ay kamatayan."
BINABASA MO ANG
The Magic Portal
FantasyWould I ever find happiness again? or would I just be stocked in the world I never wanted to be?