Chapter 1 (the break up)

23 3 2
                                        

Ladhe's POV
It's been a year simula nung pinaka-tragic na nangyari sa buong buhay ko. Oo, inaamin ko na naging tanga ako noon, akala ko kasi tal aga na mahal nya ako...
I sigh, naaalala ko na naman sya...

*flashback*
Nandito ako ngayon sa Starstrom park na kung saan kami magkikita ni Chylle. And as usual nandito ako sa usual spot namin. Na bored ako kaya naglaro muna ako ng games sa phone ko...
Maya-maya ay nakarinig ako ng yapak kaya tumingala ako para makita kung sino sya, automatic naman akong napa-ngiti nang makita ko kung sino sya,
Tumayo ako at lumapit sa kanya para bigyan sya ng yakap, nagulat ako nang hindi nya ako niyakap pabalik pero hindi ko na lang pinansin iyon dahil baka pagod lang sya mula sa training nya as the future CEO of Hermonne Enterprises na sya namang kumpanya nila.

And as his girlfriend, I'm super duper proud of him.

Kumalas ako sa yakap at Tinanong sya, "anong naisipan ng gwapo kong boyfriend at gustong makipagkita sa proud na proud nyang girlfriend?"

Wala lang sya ng sinagot kaya mas lalo akong nagulat dahil kung sinasabihan sya ng gwapo ay magyayabang sya... anong nangyayari sa kanya?

"Ladhe ayoko nang magpaligoy-ligoy pa, let's stop this." Expressionless na sabi nya.

Kumunot naman ang noo ko, anong ibig sabihin nya sa 'let's stop this?'

"Huh?" I asked kahit na kinakabahan na ako sa magiging sagot nya, maaari kaya? Erase! Erase! Hindi naman siguro, wala naman akong ginawang masama sa pagkaka-alam ko...

"Let's stop this nonsense..."mahinahong sabi nya...

"Ano nga ang tinutukoy m---"

"Bullshit Ladhe! Hindi mo ba ako maintindihan o ayaw mo lang talagang maintindihan ang gusto kong iparating?! Mahirap bang intindihin na ayaw ko na sa relasyon natin?!"

Halos sumabog ang puso ko dahil sa narinig ko... g-gusto nyang makipaghiwalay sa akin?!

"Teka Bakit?!"

"Wala lang nagsasawa na kasi ako..." bored na sabi nya.

Unti-unti nang namumuo ang butil ng luha sa mga mata ko. Ang sa kit sa pakiramdam... parang binibiyak yung puso ko... ang sa kit... and then it hit me, makipaghiwalay sya sa akin dahil lang sa bored na sya?!

"Anong klaseng dahilan yan? Dahil lang sa bored ka na kaya ka makikipaghiwalay sa akin?!anong pinagsasabi mo?!" Inis na tanong ko sa kanya

"Pagod na ako, let's end our relationship."sabi niya na ikinatawa ko..

"Hahaha! Nakakatawa yung joke mo! Pwede ka ng maging best actor!"

Mas lalo akong kinabahan nung hindi sya tumawa at umiwas lang ng ting in.

"Joke lang yun diba?! Sabihin mong joke lang yun!"sabi ko habang pinipigilan ang luha ko na nagbabadya nang pumatak.

"I'm sorry..."Expressionless na sabi niya.

Ngayon lang ako nabuhayan ng loob na sigawan sya...

"Sorry?! Yun lang?! Matapos ng tatlong taong pinagsamahan natin?! Ano yun pagod ka na?! Sawa ka na?! Kaya basta-basta mo na lang akong hihiwalayan?!" Sigaw ko sa kanya pero umiwas lang sya ng ting in habang sinasabi ang mga salitang nagpatigil sa ikot ng mundo ko...

Mga salitang tumagos hanggang sa pinakamalalim na parte ng puso ko....

Mga salitang tumatak sa isip ko...

Ang nagwasak ng puso ko...

At ang mga salitang naging dahilan ng pagtulo ng masasaganang mga luha ko...

"Mahirap ba talagang intindihin na hindi kita minahal, hinding-hindi kita mahal, at mas lalong hindi kita mamahalin!!!" And with that....

He left
*end of flashback*
Matapos non ay hindi pa rin ako sumuko at nagpatinag dahil kilala ko sya at alam kong may rason ang lahat ng ito...

Sinubukan ko syang puntahan sa bahay nila pero ang nadatnan ko lang ay ang kasambahay nila na nagsabi sa akin na umalis na sya papuntang England.

Pero hindi pa rin ako sumuko at pinuntahan ko sya doon pero agad din akong napa-uwi ng maaga kasi nakita ko siyang kasama ang isang babae, hindi lang babae kundi isang napaka-gandang babae...

Hindi ko alam pero bigla akong nanliit sa sarili ko, brown eyes, matangos na ilong , maputi at mapupulang labi...

Tawa sila nang tawa at maya-maya ay kinili niya ang babae sabay pisil sa ilong nya.

Isang taon na rin naman yon eh...

Pero sabi nga nila, Bakit ang daling matulog pero ang hirap bumangon? At ang daling mahulog pero ang hirap magmove-on?

A/N

Hey guys! Newbie here!

This is my first story kaya may pagka-childish sa paningin ko lang naman...

don't forget to comment and vote xoxo

The Vandals (On-Hold)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon