Chapter 2 (The vandal)

16 2 0
                                        

Ladhe's POV
"Alam mo sis ang bitter mo!" Kantyaw ni Lovedei (lovedey) my best friend. Ang certified may topak na babaeng nakilala ko.

"Bitter na kung bitter pero ayoko!"Sigaw ko.

Kanina nya pa kasi ako pinipilit na sumama sa date nila ng boyfriend nya na si Ramonne (ramon) taray ng spelling noh? ! Pero ang pangit pala ng pronunciation!

Anyway, ano naman kaya ang gagawin ko ron? Magpapaubos sa mga langgam na dala ng kasweetan nila?!

Eh ang reason nya ay nahihiya raw sya kapag kasama nya ito, ang baliw noh? Sarap nga sabihan na anong silbi ng date nyo kung mahihiya ka lang naman sa kanya eh di kung gan yan ka pa rin, mas mabuti pa na makipaghiwalay ka na lang sa kanya.

"Eh...sige na..."pagmamakaawa nya.

"A-yo-ko. " matigas kong sagot at lumabas na ng room...

Tumakbo ako palabas ng room kasi kung hindi sigurado ako na kukulitin ako nang kukulitin ni Love...

Nakaramdam ako ng pagkabagot kaya naghanap ako ng maaari kong pagtambayan tutal free time naman namin ngayon...

Sinubukan ko sa garden pero agad ding tumakbo paalis dahil nakakita ako ng couple na nagma-make out sa isang puno na narito, God! Wala na ba silang alam na lugar na pwede nilang puntahan para don na gawin ang gusto nila?!

Sunod na pinuntahan ko ay ang parking lot as I heard screams...

"Gago ka!"

"Sarap manuntok!"

"Yun lang ba ang kaya mo?!"

Yan ang ilan sa mga narinig kong sigawan sa mga gangsters na nag g-gang fight, aalis na sana ako pero...

"Hoy! Sinong may sabi sa yo na pwede kang umalis?!"

Napahinto naman ako, tama ba yung narinig ko? Ako ba yung tinutukoy nila?

Tutuloy na sana ako nang sumigaw na naman yung lalaki.

"Stop! Dyan ka lang at wag na wag kang aalis!"

Napalingon ako at nakita ang dalawang lalaki na papalapit sa akin pero sino ba naman ang taong hindi tatakbo kung makakita ka ng lalaking parang goon na naglalakad palapit sayo? Diba wala?! Kaya dali-dali akong tumakbo.

"Hoy! Babae bingi ka ba?! Sabi nang huminto ka eh!"

Wala akong paki kung magsisigaw sya dyan basta ayokong magpabugbog, mahal ko po ang buhay ko!

Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang tinakbo ko pero wala akong pakialam...

Sa wakas at naligaw ko rin sila! Sumasakit na rin kasi ang mga paa ko sa kakatakbo! Biruin mo nga naman na dalawang gangster ang humahabol sayo, tingnan natin kung hindi ka mapagod?!

Nagising ako mula sa pag-iisip nang ma realize ko na nandito pala ako sa likod ng campus. Walang estudyante ang tumatambay rito dahil sa maaarte sila at ayaw nila na magpunta sa ganitong lugar, mas pipiliin pa nga siguro nila na tumambay sa cr kaysa magpunta rito...

Umupo ako sa isang puno rito at matutulog sana nang may mapansin akong isang bagay na naging dahilan na naman ng pagka alala ko sa kanya...

Dumapo ito sa akin as I remember what he said...

"Love is like a butterfly, it goes where it pleases and it pleases wherever it goes..."

Hindi ko na namalayan na unti-unti an palang namumuo ang mga butil ng luha sa mga mata ko as I stared at the butterfly...

Ngayon ko lang napansin na ang dami palang sulat dito sa likod ng campus...

I smirk when an idea comes into my mind, actually a bad idea

I stood up at kinuha ang marker na dala ko galing sa bag at nagtungo sa isang wall doon na bakante, as in! Wala man lang nag vandalize... and I started writing in the wall, i dont care kung matawag nila akong isang vandal pero this is the only thing that I knew na makakapagpalabas ng galit at mga emosyon ko,

Ito lang ang natatanging paraan para maipahayag ko ang aking hinanaing

At ito lang ang paraan na alam ko para matakasan ang lungkot na nadarama ko...

For once in my entire life, I wanna break the rules...

"May mga story na hanggang once upon a time lang..."

Yan ang isinulat ko, and after that i started to walk away... gift pala yung paghabol sa akin ng mga gangsters eh! May tambayan na ako! May diary pa... sigurado kasi ako na wala nang estudyante sa panahon ngayon napipiliin ang tumambay sa likod ng campus kung may ibang lugar naman na maaaring pagtambayan. Pero ibahin niyo ako sa kanila.

The Vandals (On-Hold)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon