Chapter 10 (First Day With The Shins)

7 2 0
                                    


Cris's POV
Masakit para sa akin ang makita siyang nasasaktan ng dahil sa kagaguhan ko noon. Parang doble yung sakit na nararamdaman ko nung iniwan ko sya.

Ay kung nagtataka kayo kung bakit Chylle ang tawag nya sa akin at hindi Cris...

Sya lang kasi ang pinapayagan ko na tawagin akong Chylle, even my parents would call me by my first name and not the second one. But her, she's special... (Cris Chylle Hermonne)

Dont judge me... dont judge me tungkol sa ginawa ko a year ago... sabi nga nila 'Everything has an explaination' so lahat may rason at paliwanag. At yung akin? It's a complicated one.

(Kriiiiing!!!!kriiiiing!!!!!)

Natigil ang pagmumuni-muni oo nang biglang tumunog ang phone ko.

Tiningnan ko kung sino ang tumawag, napa ngiti naman ako nang makita ko ang pangalan nya sa screen.

"Hey babe!" Bati ko sa kanya.

"Eeeww! Nakakadiri ka! Wag mo nga akong tawagin ng ganyan, hindi ako baboy!" Sigaw niya na ikinatawa ko naman.

Iniimagine ko kung paano nya ako patayin sa utak niya

Ayaw niya kasi talaga na tawaging babe kasi kapangalan non yung isang baboy na character sa isang movie na nakalimutan ko ang pangalan.

"Bakit ka napatawag AUDREY?!" Tanong ko at diniin talaga ang pangalan niya.

"Shut up!" Sigaw niya kaya mas lalo akong natawa.

"Oo na, oo na, bakit ka nga kasi napatawag?"

"Uuwi na ako diyan bukas!"

"O ano ngayon? Ngayon ka lang ba makaka uwi ng Pinas? Ang saya no? Paparty ka naman!" Bored na tanong ko pero sa loob loob ay tawang tawa na talaga ako.


"Bwisit ka Hermonne!" Sigaw niya kaya tumawa na talaga ako ng pagka lakas lakas.


"Bahala ka na nga dyan! Wala kang kwentang kausap!" Sigaw niya na naman at binabaan na ako.


Tawa pa rin ako nang tawa nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ladhe na naka poker face. Hindi siya nagsasalita at kinuha lang niya ang naiwan niyang folder don sa table ng principal at lumabas na nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Oh---kay WHAT WAS THAT FOR???

Ladhe's POV
Letse sya! May pa babe babe pa siyang nalalaman!!!

Sino kaya yung AUDREY?! At bakit ako nagkakaganito?

Hindi... hindi pwede itong nararamdaman ko ngayon. Hindi naman kasi ako in-denial na tao kaya alam ko sa sarili ko na nagseselos ako.

Wala rin naman kasing magagawa kung idedeny ko lang eh yun naman talaga ang totoo.

Pero hindi talaga pwedeng mangyari...

**********
Sabado ngayon at ito rin ang unang araw para sa punishment namin at ang unang araw na makakasama kong muli ang Demonyo...

Pagdating ko ay nakakita ako ng dalawang taong nagtatalo sa may puno. Lumapit ako para makita kung sino sila and to my surprise.

Dalawang magagandang babae ang nagtatalo. Yung isa ay may pagka redish ang buhok pero sa bandang dulo lang naman at yung isa ay normal lang ang kulay ng buhok.

Yung redish ang buhok ay mabilog ang mata, matangos na ilong, pinkish lips, maputi at matangkad din ito. Naka leather jeans ito at boots tibe na color white na may nakapayong na leather jackey. Seriously? Ang init init kaya rito sa Pilipinas! Hindi ba sya naiinitan?! Pero sa totoo ay ang hot nya at may pagka bad girl ang dating.

Yung isa naman ay may pagka singkit ang mata, matangos din ang ilong nito, may pagka pinkish din ang lips, maputi at matangkad din ito. Naka skinny jean siya na color blue, T shirt na color pink na may mukha ni Princess Bubblegum, yung prinsesa sa Adventure time, tapos naka doll shoes na pink. Yung buhok niya na itim ay naka braid at yung kulay ng tali? Syempre color blue. May color coding ba siya?

Magkaibang-magkaiba silang dalawa. Makikita mo kasi na parang bad girl yung isa at mataray, sa aura pa lang makikita mo na. Tapos yung isa mukhang masiyahin at kikay siya.

Hindi ko na namalayan ang mga paa ko at kusa na itong lumapit sa kanila. Natigil naman sila sa pagtatalo at tinitigan ako.

"Hi!" Bati nung naka braid ang buhok at ngumiti, ipinakikita naman ng ngiti niya ang dimples nya at to tell you the truth, ang cute nya.

"Hello."

"Ikaw ba si Ladhe Mareilissa Roberts?" Tanong nung nakalugay na redish yung buhok. Nakakahiya naman at kilala nila ako samantalang ako hindi ko man lang alam ang first name nila.

Tumango nalang ako at ngumiti.

"Ako nga pala si Sandy Shin certified kikay and bubbly at ito naman ang pinsan ko na si Mandy Shin certified masungit at mataray."sabi niya na ikinatawa ko sa kanya.

Binatukan naman siya nung Mandy.

"Since alam nyo na ang pangalan ko, Ladhe na lang." Nakangiting saad ko.

Lumingon-lingon naman si Sandy na para bang may hinahanap na kung ano man. Kunot-noo ko namang sinundan ang tingin niya.

"Ah..." confused na tanong ko.

"Oh, sorry! Asan nga pala yung Cris Chylle Hermonne?" Tanong ni Sandy. Nagkibit balikat lang ako.

Ewan ko nga rin kung pupunta ba yun o hindi, mabuti na ang sigurado.

"Sya na ba yun?!" Tanong ni Mandy sabay turo sa bansang likuran ko.

Lumingon ako at nakita si Chylle na naglalakad palapit sa amin. Naka plain black v-neck T-shirt, jeans at converse. Medyo messy ang buhok niya pero mas lalong nakadagdag ito sa kagwapuhan niya--- wait!!!

Am I complimenting him?

"Hey! Andito na pala kayo!" Bati niya with a smile. His smile! It makes my heart melt, his sweet and cute smile that makes my heartbeats become faster that its normal beating.

"Obviously, yes." Bulong ko.

"May sinasabi ka?" Tanong ni Chylle.

"A-ah! Wala, ang sabi ko. Simulan na natin para matapos na rin tayo ng maaga." Palusot ko at tiningnan ang paligid.

Napakunot ang noo ko nang wala man lang akong makitang mga gamit para sa paglilinis namin dito...

As in wala!!!

Dont tell me na kami pa ang bibili ng mga materials for our punishment?

THIS WILL BE A VERY, VERY, VERY, VERY, VERY LONG DAY...

The Vandals (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon