Chapter 7 ( Their Family)

6 2 0
                                        

Short update po pala ito... story lang po kasi ng Families at buhay nila...
Xoxo
***************
Ladhe's POV
Matapos kong malaman kay Mr. Hugot na pumapasok kami sa iisang campus which is the UA (Unknown Academy) and mas matanda lang siya sa akin ng isang taon ay umuwi na ako sa bahay, labag man sa loob ko pero kailangan.

And as usual, lasing na naman umuwi si mama. Lagi na lang siyang naglalasing sa bar na unang pinagkikitaan nila ng magaling kong ama.

Umaasa siya na balang araw, babalikan kami nung gagong yun at magiging masaya kami. Sorry nga pala at hindi ko kayang tawagin ng papa yung lalaking yun. Masisisi niyo ba ako kung yung nanay ko ay laging naglalasing gabi-gabi dahil sa pinagpalit sya nung walang kwenta kong ama sa isang babaeng linta.

Gabi-gabi, tinatanong nya ang sarili niya kung ano ang pagkukulang niya at bakit nagkawasak wasak ang pamilyang binuo lang sa kahustuhan ng mga magulang nila. Oo, Arrange Marriage lanh sila pero mahal ni mama si papa.

Kinukumpara nya ang sarili niya sa babaitang yon! Eh walang wala nga yin sa kaling-kingan nya.

Pero kung tinatanong niyo kung lasingera na ba talaga yung nanay ko simula pa nung nandito si papa. Isang malaking HINDI!

Nagsimula lang siyang maging ganyan nung nalaman niya na may ibang babae na yung tatay ko.

Kung iisipin ay maayos naman kami noon. Perpekto nga ang tingin ng lahat sa pamilya namin, masaya kaming apat. Kuntento kami kung anong meron kami.

At ngayong wala na siya, nagkaletse-letse na ang buhay namin.

Wala na si papa at hindi na namin mahanap. Kaya si kuya Clifford na ang CEO ng kumpanya namin at tumayong padre de pamilya.

Minsan nga rin ay tinatanong ko sa sarili ko kung naging mabait ba akong anak o may kulang ba sa akin kaya naghanap ng ibang pamilya si papa?

Cris's POV
Nandito na naman ako sa bahay na parang hindi bahay. Gets? Kung hindi gwapo ako, kung oo naman gwapo ako.

Well impyerno kasi ang paningin ko rito.

Aakyat na sana ako ng kwarto pero may narinig akong kwentuhan mula sa kusina. Kaya sumilip ako.

"I'm so proud of you son!" Rinig kong sabi ni dad.

Nakita ko naman si kuya Philip na may hawak na wine glass with mu mom and dad. Bumuntong-hininga nalang ako pero hindi pa rin umaalis sa pagkakasilip.

"Thanks dad." Masayang sabi ni kuya.

I hate them, Ay mali si kuya lang pala.

Ganyan naman talaga sila eh...

Si kuya nalang ang matalino

Siya nalang palagi ang mas magaling

At siya nalang lagi ang tama.

Noon kasi ay may family day sa school nong grade 3 ako. Sabi nila pupunta sila pero naghintay lang pala ako sa wala. Yung ilan sa mga kaklase ko ay masayang nakikipaglaro sa mga magulang nila pero ako wala man lang ni isa ang sumipot.

At ang sabi nila. "Sorry Cris, May football game kasi si Philip sa school nila at dahil sa excitement namin na makita siyang ,maglaro ay nakalimutan namin na family day niyo pala."

Hindi lang yan ang dahilan. Nung graduation namin ng Elementary, Salotatorian ako noon and believe me or not. Ang yaya ko ang nag sabit ng medalya ko. Don na nagsimula ang pagtatampo ko sa kanila.

"Cris pasensya na at hindi kami naka attend, recognition kasi ni Philip at top 1 sya!"

Simula non ay hindi an ako umaasa na makita pa nila ako, na mapansin pa nila ang mga ginagawa kong paghihirap para sa kanila na hindi man lang ako tinatapunan ng kahit na katiting na atensyon man lang nila.

The Vandals (On-Hold)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon