Cris's POV
"Aalis ka na naman?""Iiwan mo na naman kami?"
"Pagod na kaming maiwan Cris!"
"Nakakasawa na!"
"Masa--- aray!"
"Tigil tigilan niyo ang pagdadrama niyo at nakakadiring pakinggan." Sabi ko matapos batukan ang mga mokong.
Nandito ang mga ugok sa bahay namin, at yung nagda drama kanina ay sina Harvey at Jhaycob.
"Edi wag kang makinig!" Bulyaw ni Harvey at naki pag apir kay Jhaycob.
"Paano?! Eh may tenga ako!"
"Tak---"
"Pwede bang magsitahimik kayo at nakakarindi na ang mga boses niyo?" Bored na sabi ni Lancer na ikinatahimik ng lahat.
At dahil sa makulit ang lahi ni Harvey ay sya ang bumasag ng katahimikan.
"Wohoh! Congratulations pre! Graduate ka na sa language! Naka form ka na rin sa wakas ng isang sentence!"
Inirapan lang sya ni Lancer, binatukan naman namin sya ni Jhaycob.
"Bahala na nga kayo dyan basta aalis na ako bye!" Sabi ko at kumaripas na ng takbo papunta sa kotse ko at nag drive papunta sa meeting place namin which is sa likod ng Campus.
Ladhe's POV
"Asan na kaya yung isang yon?" Tanong ni Sandy."Ewan ko, hindi ako hanapan ng tao." Pambabara naman ni Mandy.
"Hindi kaya ikaw ang kausap ko kaya wag kang assuming!"
"Shut up! Abnormal!"
"Yes you're right! Hindi naman kasi talaga normal ang kagandahang tinataglay ng isang dyosang katulad ko!"
"Haba ng sinabi! Abnormal lang naman ang sinabi ko..."
"Ingit ka lang! Maganda kasi ako"
"Anong konek?"
"Abnormal ang kagandahan ko kaya naiingit ka sa akin!"
Napasapo na lang ako sa noo ko habang tinitingnan ang mag pinsan na nag aaway.
Kailan kaya sila magkakasundo?
Iiling-iling akong pumunta sa isang puno at sinandal ang likod ko rito matapos umupo.
Naaalala ko yung mga panahon na nag vavandalize ako rito...
Yung mga araw na akala ko nakalimutan ko na ang nakaraan ko, hindi ko nga inakala na yung taong tinulungan ako sa pag momove on ay sya ring taong pinag mo move on-an ko.
Kinuha ko ang phone ko at nakisabay sa tugtog...
I wont hesitate no more
No more
It cannot wait
I'm your---"Sleeping beauty lang ang peg?"
Agad kong idinilat ang mga mata ko at nakita itong naka smirk sa harapan ko.
Ang lapit ng mukha niya kaya hindi ako makagalaw dahil baka isang maling galaw ko lang ay tuluyan nang maglapat ang mga labi namin.
Unti unti kong tinulak ang mukha nya papalayo sa akin para mairapan siya. Pero imbes na matakot ay natawa pa siya.
"Sungit natin ah! PMS?"
"Shut up!"
Mas lalo lang syang natawa.
"Baliw" bulong ko pero alam ko na narinig niya yon.
"Baliw na baliw sayo..." sabi nito at nag taas-baba ng kilay kaya umarte ako na parang nasusuka.
"Yuk! Kadiri!" Asar ko.
Bigla namang sumeryoso ang mukha nito kaya natigil ako sa pang aasar sa kanya at nilabanan ang titig nito.
Unti unti niyang inilapit ang mukha niya at hindi ko alam pero ito na naman ang tibok ng puso ko! Parang sasali sa karera. Napatingin naman ako sa labi niya at nung napansin niya ay bigla siyang nag smirk at mas lalong inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga dahil sa lapit niya sa akin.
"U-uy! A-anong ginagawa mo?"
Kainis naman oh! Bakit ba kasi ang lapad ng puno na napili kong sandalan? Ayan tuloy! Hindi ako makawala sa kanya. Naka harang kasi ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko.
"Bakit ka nauutal?" Sabi niya with his famous smirk tapos unti-unting bumaba ang tingin niya mula sa aking mga mata hanggang sa labi ko. And then he bit his lower lip and yet I find it seductive and sexy
Juice-colored naman oh! Pigilan niyo ako! Makakagahasa ako ng wala sa oras nito eh!
"H-hindi kaya!" Sabi ko. Ghad! I really hate myself right now.
"See?" Sabi niya at inilapit na ng tuluyan ang kanyang mukha na sa sobrang lapit ay nagkadikit na ang mga ilong namin. "Bakit kaya?" Tanong niya using his seductive voice. Shet naman oh! Naakit ako!
"Maybe you... still like me?"
"A-ang yabang!"
"No, I'm just telling the truth."
Hindi ko na sya sinagot dahil wala rin naman akong panama sa kanya! Ang galing kaya gumawa ng palusot nito! Instead tinitigan ko ang mga mata niya, gustong-gusto ko syang yakapin, gusto kong mahawakan ang kamay niya at sabihin kung gaano ko sya na-miss.
Pero natatakot ako na baka itulak nya lang ako palayo. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko pa at natatakot ako pero alam ko namang katangahan lang yon at tawa lang ang mapapala ko sa kanya.
Tama na yung pagpapakatanga ko sa kanya a year ago. Tama na yung sakit na idinulot niya sa puso ko. At tama na ang mga kasinungalingan na patuloy ko pa ring pinaniniwalaan hanggang ngayon... na mahal niya pa ako kaya niya ginagawa ang mga bagay na ito...
"Naguguluhan ako..." bulong ko.
"Sa ano?"
"Na b---"
"Ladhe tar---aaa" dahil sa gulat ko ay naitulak ko si Chylle at dahil siguro sa gulat din sya ay naitulak ko sya.
Nilingon ko naman ang tumawag sa akin na si Sandy. At ang reaksyon niya sa ngayon? Ganito 0___0 at kung mas may ikalalaki pa nga ang mata ay yun na ang size ng mga mata niya ngayon. Yung parang konti nalang au luluwa na ang eyeballs niya.
"S-sorry, h-hindi ko n-nakita na hahalikan ka sana ni Cris. P-promis h-hindi t-talaga..."
"Sandy m-mali ang iniisi---"
Huli na nang masabi ko ang gusto kong sabihin nang tumalikod na ito at tumakbo pabalik kay Mandy.
Tiningnan ko si Chylle at nakita ang annoyed expression niya. Possible kaya na nanghinayang siya dahil hindi niya ako nahalikan dahil sa biglaang pagsulpot ni Sandy?
Pero hindi eh... impossible na mangyari ito dahil may girlfriend na sya. Yung si Audrey?
Nagulat ako nang lumingon din sya sa direksyon ko at nag smirk. Agad ko namang iniwas ang tingin ko at tinalikuran sya. Ramdam ko na kasi ang pamumula ng mga pisngi ko.
"Uhm...tara na" pagyayaya ko sa kanya at nauna nang mag lakad papalapit sa magpinsan.
Naka yuko lang si Sandy habang si Mandy ay sinermunan kami dahil bakit daw ang tagal namin.
Nakakalito ang araw na to!!!
BINABASA MO ANG
The Vandals (On-Hold)
Novela JuvenilMeet Ladhe Mareilissa Roberts, a 17 year old student of Unknown Academy. she used to believe that forever is just an illusion and forever is only use to make people hope.... but everything change when he met him.... ang ka isa-isang lalaki na bumuo...