Chapter 14 (Meet Unique)

10 1 0
                                        

Ladhe's POV
Nakakainis naman tong si ma'am Crocodile! Palibhasa naiingit sa taglay kong kagandahan! Yan ang napapala ng mga babaeng masyadong masungit! Okay lang sana kung masungit pero maganda kagaya ko. Eh sya? Masungit na nga pangit pa!

Palibhasa matandang dalaga! Walang lovelife kaya kami ang pinagbubuntunan!

"Huy! Anyare sa mukha mo? Bat di maipinta?" Asar ni Sandy.

We'll magka klase kami nina Sandy at Mandy. Naging close na rin kaming tatlo dahil hindi rin naman sila mahirap pakisamahan. Hindi rin naman pala maldita si Mandy, yung looks niya lang pero hindi naman talaga.

"Kainis si Crocodile!" Pasigaw na bulong ko para hindi marinig ng mga kaklase namin. Takot ko lang kung isumbong nila ako sa buayang yon!

"Sinong Crocodile?"

"Ang slow mo naman Sandy!" Sabi ni Mandy na biglaang sumulpot sa tabi ko so ang ending ay napapagitnaan ako ng dalawa.

"Eh bakit kilala mo ba?"

"Oo"

"Sino nga?"

"Syempre yung mala dragon nating prof. na walang ibang ginawa kundi sirain ang buhay ng mga estudyante niya sa pamamagitan ng pagbibigay ng sandamakmak na assignments at projects."

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Sandy, "alam ko na kung sino!"

Napa irap naman si Mandy, "ang slow mo na siguro kung hindi mo malaman na si Ms. Crodile ang tinutukoy ko."

"Ay! Si maam Crodile pala yon? Akala ko naman kasi si sir Carl!"

And this time si Mandy na ang nagulat. "What the?! Pinsan ba talaga kita?"

"Oo pinsan mo ako! Kaya nga Shin apelyido natin eh! Tss. Slow."

"Teka tama na nga yan! Kung balak niyong mag away wag dito sa harap ko pwede? Kasi nakakarinding pakinggan!" Reklamo ko.

"Pero Ladhe...Wala kami sa harapan mo, nandito kami sa tabi mo."

Agad namang binatukan ni Mandy si Sandy dahil sa sinabi nito.

"Lakas makabatok ah! Tapatin mo nga ako insan! Tibo ka ba?"

And with that, nakatanggap na naman siya ng mahiwagang batok galing kay Mandy.

"Punta muna akong Library." Paalam ko.

Hindi ko na inantay ang sagot nila at tumakbo na ako papuntang Library. Kailangan ko kasing gawin yung assignment na binigay nung Crocodile. Kainis! Binigyan ba naman kami ng assignment na mag research ng mga sakit na common sa panahon ngayon and take note, 50 items with meanings, signs and symptoms, what to do when having that kind of disease, and how to prevent it.

Bwisit! Sakit din sa kamay to dahil hindi pwedeng printed dahil wala rawng effort kaya kailangan ay sulat-kamay ito. At yung deadline?! Tomorrow!!!

Pagdating ko sa liBrary ay as usual, walang estudyante na nandito. Tamad mag aral ang mga estudyante rito.

Kasalukuyan kong kinukuha ang mga libro na kakailanganin ko para sa asaingment nang may mapansin akong babae na naka-upo sa pinaka dulo ng library, napangiti ako dahil hindi pala ako nag iisa.

Naglakad ako papalapit sa kanya at umupo umupo sa harapan niya, aiguro naramdaman niya na may umupo sa harapan niya kaya napa tingin siya sa akin... and ohlala! Ang ganda niya!
Maputi sya at kulay tsokolate ang mga mata niya, matangos ang ilong, maalon ang pilikmata at mapupula ang mga labi. Girlfriend material sya.

Ngumiti sya sa akin kaya ginantihan ko rin sya ng ngiti. At grabe naman! Ang ganda nya kapag ngumiti, nakaka tomboy tuloy! Djk! Masyado akong maganda para maging tomboy, sayang yung magandang lahi na maaari kong ipamana sa magiging anak ko.

Masyado kang atat Ladhe... wala ka pa ngang boyfriend anak na agad ang nasa isip mo!

Bwisit na utak to! Napaka supportive!

"Unique."

"Ha?" Ano raw? Anong unique?

Natawa naman sya sa sinabi ko. May nakakatawa ba? Baliw ata itong kausap ko eh! Sayang maganda sana. Pero t...eka? Kung baliw sya? Bakit sya nandito? Hindi kaya, takas ito sa mental? O kaya isang serial killer na gusto akong patayin at nagpapanggap lang na isang magandang babae para maangkin ang kagandahan ko? O baka naman alien ang isang toh?

"I mean my name is Unique" nakangiting sabi nito nung napansin na hindi ko na gets yung sinabi niya.

Ah... so Unique pala ang pangalan niya, ang unique naman! Teka ang gulo!!! Ah basta! Ang unique kamo ng pangalan nia.

"Ladhe. Pero totoo ba talaga na Unique ang pangalan mo?" Baka kasi pinaglololoko lang ako nito.

"Oo"

"Bakit?"

"Ewan. Tanong mo sa magulang ko, ba't mo natanong?"

"Wala lang. Ang unique lang kasi ng Unique--- ay sandali! Naguguluhan ako!"

"Shhh..." suway ng librarian.

Nag peace sign lang ako sa kanya at nanghingi ng paumanhin. Kilala na kasi ako rito ng librarian dahil dito ako laging pumupunta kapag wala akong ginagawa para maka pagbasa ng mga libro.

"A---" hindi na nakatapos sa pagsasalita si Unique nang biglang nag beep yung phone nya.

"Pasensiya na Ladhe ha pero kailangan ko nang umalis, its nice meeting you." Nakangiting sabi niya sabay kuha ng mga gamit niya.

"Ah sige... nice meeting you rin."

**********
"Ten minutes break!"

Hay salamat naman! Matapos ang 1725359276 years ay makakapagpahinga na rin ako! Grabe maka torture ang prof namin sa P.E. pano ko nasabi?! Hello!!! Sino ba naman ang hindi mapapagod kung halos isang oras ay puro takbo lang ang ginagawa namin dito sa gym?!

Umupo ako sa isang bench at uminom ng tubig nang may biglang umupo sa tabi ko at inagaw ang bottled water mula sa akin at... ininom ito.

"Huy tubig ko yan!!!"

"Alam ko"

"Alam mo naman pala eh bakit mo pa rin ininom?!" Sigaw ko at pinagpapalo sya.

"Because I'm thirsty."

"I dont care kung nauuhaw ka eh tubig ko yan eh! Tsaka may tubig don oh! Bumili ka! Ang yaman-yaman mo tapos kahit tubig wala ka?!" Sabi ko sabay turo sa isang stall na nagbebenta ng water bottles.

"Tipid ako ngayon at tsaka ayaw mo non? May indirect kiss tayo?" Sabi niya at nag taas-baba ng kilay.

"Ewww! Nakakadiri ka!"

"Ayaw mo? Sige direct nalang." Sabi niya at nilapit ang mukha niya sa akin.

"Lubayan mo nga ako Chylle!" Sigaw ko sa kanya at tinulak ang mukha niya palayo.

"Hahaha! Cute mo talaga!" Sabay kurot sa pisngi ko.

Dub*dub*dub*dub

"Heh! Tumigil ka!" Tapos tumayo na kasi tapos na ang break pero hindi nakaligtas sa tenga ko ang halakhak nya kaya ayun! Binato ko ng bottled water na walang laman.

At ayun! Sapul sa mukha!!!

Anong nangyayari sa puso ko?!




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Apr 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Vandals (On-Hold)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon