Ladhe's POV
Maaga akong pumasok sa school, ewan ko ba pero hindi ako malatulog kaka-isip kung sino ba talaga si Mr. Hugot
Napa ngiti naman ako nung maalala ko ang pinag iisip ko kagabi. And then I realize na naka move-on na ako sa ex ko with the help of Mr. Hugot na hindi ko naman kilala. I cant help but smile at the thought na bumalik yung feeling noon, not the exact feeling but stronger na ngayon. Hindi para sa ex ko kundi para sa taong nag susulat sa pader or should I say Mr. Hugot.
And yes, hindi naman ako in-denial when it comes to what I feel. I want to be honest na mahal ko na siya. Sa simpleng vandalize niya nga lang na makita ko ay masaya na ako eh pano na kaya kung sya na talaga ang makita ko? Lumilipad na ako sa outer space sa kasiyahan...
"Huy! Aga natin ah!" Halos mapatalon ako ng sigawan ako ni Andromeda or Meda for short. Isa sya sa mga kaibigan ko rito sa classroom. Pero wag iismolin, siya lang naman po kasi ang president ng SC or Student Coucil.
"May himala na bang nangyayari?!" OA na sigaw niya.
Binatukan ko nga ang loka. May topak kasi tong isang toh kahit na SC siya. Sabi niya hindi naman siys robot na perpekto. Minsan nga nagtataka ako kung bakit nga ba naging president?
Araw-araw kaya itong umiinom ng energy drink sa sobrang hyper pero hindi rin masisisi kasi responsable siya at may utak..
Ladhe! Lahat ng tao may utak!
Sigaw ng napaka supportive ko na utak.
Oo nga naman may point nga siya. Lahat naman kasi kami may utak. Pero ang ibig kong sabihin ay matalino siya.
"Hindi ba pwedeng maaga lang nagising?" Pairap na tanong ko.
"Hindi."sabi niya na ikinasimangot ko.
"At tsaka, maaga nga bang nagising or hindi lang makatulog?" Nakataas na kilay na sabi niya.
"Pano mo nasabi?" Eh kasi naman! Wala na akong masabi!
Tumawa lang siya sa naging reaksyon ko at nag cling sa braso ko.
"Eh kasi po...sino ba ang hindi makakasabi na hindi ka nakatulog kung yung mata mo, konti nalang at luluwa na dahil sa kumakaway na eyebags mo!" Sigaw niya ay tinuro pa talaga ang eyebags ko.
"Alam mo hindi na eyebags ang tawag diyan eh!" Sabi niya
"Ano na naman?"
"Eyesacks! Kasi parang taob ang sako sa kalakihan!"
"Ang mais-tuhod mo teh!"
Kumunot naman ang noo niya saka nagtanong. "Ano yung mais-tuhod?"
"Englishin mo yung mais." Nakangiting sabi ko.
"Corn."
"Tapos yung tuhod."
"Knee."
"Then combine it."
"Corn-knee?" Patanong na sabi niya at parang iniisip ang sinabi niya.
"Exactly!"
Magsasalita pa sana siya nung magsalita yung speaker.
Teka... nagsasalita ba yung speaker?
I mean, yung boses sa loob ng speaker. Ah basta! Parte pa rin yun ng speaker!
"Attention Ladhe Mareilissa Roberts, please proceed to the principal's office right now..." dalawang beses inulit yun sa boses sa loob ng speaker.
Sur---
Wag ka na kasing pumalag at hahaba lang ang usapan.
Dali-dali kong kinuha ang bag ko at dumiretso na sa principal's office. Tiningnan ako ni Meda na parang nagtatanong sa nangyari pero nag kibit-balikat ako, hindi ko naman kasi alam kung bakit ako pinatawag ng principal....
BINABASA MO ANG
The Vandals (On-Hold)
Teen FictionMeet Ladhe Mareilissa Roberts, a 17 year old student of Unknown Academy. she used to believe that forever is just an illusion and forever is only use to make people hope.... but everything change when he met him.... ang ka isa-isang lalaki na bumuo...
