Cris's POV
Nagising ako mula sa pagkakatulog nang biglang ina-nounce na nandito na uli ako sa Pinas, nakangiti akong bumaba sa eroplano....
Pagbaba ko ay nakakita ako ng tarpaulin na may nakasulat na 'WELCOME BACK CRIS' and with matching pictures of me, ano to? Sampung taon ba akong nawala at ganito sila iung magprepare?!kulang na lang siguro na magpa-party sila.
Napa-irap ako sa kawalan at pinuntahan na sina mom and dad.
"Ah my jolly!!! Ang laki laki na ng baby boyko!!!" Sabi ni mom na mas lalong nagpa-irap sa akin..
"Mom! Ang OA mo! Saglit lang naman akong nawala eh!alam mo yun? Kasi yung development n---" hindi na ako nakatapos magsalita dahil tinakpan na ni mom ang bibig ko.
"Okay I get it! Hindi mo na kailangang i-explain pa..." sabi ni mom na ikinataw ko...
"Welcome back son..." bati sa akin ni dad at nakipag manly hug.
"Thanks dad." Tipid na sabi ko at kumalas na sa yakap.
"How's your---" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si mom.
"Mom i dont want to talk about it, not now..."
Tumawa na lang si mom, umuwi na kami pagkatapos pero nagpababa ako sa likod ng campus na dati kong pinapasukan.
Marami na itong pinagbago pero marami rin naman ang hindi...
I smile as I recall my past memories in here.. how I miss this place!
Napakunot ang noo ko nung may nakita akong babae na tumatakbo papuntang gate, anong nangyari don? Tatawagin ko sana siya kaso nakasakay na siya sa sasakyan niya.. hindi ko maaninag ang mukha niya dahil natakpan ito ng buhok niya...
Napabuntong hininga nalang ako at pumunta sa lugar na dati ko na ring pinag va-vandalisan ng mga hinaing ko. Of course pinlano ko na ang magsulat dito kaya may dala dala akong marker ko...
I can now sense na may nagsulat dito kanina dahil nakaka-amoy ako ng marker... and then it caught my attention.
Tumayo ako at pinuntahan ang pader saka binasa ang nakasulat dito..
"May mga story na hanggang once upon a time lang."
Napangiti ako sa mensahe na dulot nito, dali-dali ko namang sinulat ang unang pumasok sa isip ko nang mabasa ko iyan..
"Ang bitter natin ah!"
napangiti ako sa sinulat ko, ewan ko pero parang may kung anong bagay ang humihila sa akin para makipag vandalize sa taong ito, para kasing na intriga ako dahil sa masyado syang bitter...
Ladhe's POV
"OMG sis! Kinikilig ako!" Tili ni Love sabay cling sa braso ko.
"Oo na! Halos 20 times mo na yang inuulit para kang sirang plaka! I record mo nalang kaya yan para hindi masayang ang laway mo?!" Sabi ko sa kanya with full of sarcasm ang tono.
Umirap lang sya, "bitter alert! Bitter alert!" Asar nya sa akin kaya binatukan ko sya.
"Aray! Ang amazona mo talagang babae ka!" Reklamo niya at hinimas himas ang ulo niya na binatukan ko
"Atleast hindi assuming!" Asar ko sa kanya.
"Atleast hindi bitter!"
"Hindi ako bitter!"
"O talaga?!saan banda?"
"Lahat!"
"Tal----" hindi siya nakapagsalita dahil nag ring na ang bell.
Time na for afternoon classes... ang boring na naman! Pero buti nalang at hindi na ako makukulit pa ni Love.
*****
Natapos na ang klase at kung minamalas ka nga naman!
Wala akong kasabay sa pag-uwi dahil ang magaling ko pong bestfriend ay iniwan ako dahil may date na naman sila. Kaya heto ako hindi muna uuwi dahil tumambay muna ako sa likod ng campus.
Sumandal na naman ako sa puno na sinandalan ko kahapon pero agad din namang napatayo....
Hala! May sumagot sa sinulat ko kahapon!
Agad akong pumunta sa wall at binasa ang sinulat niya,
Napa-smirk naman ako sa nabasa ko... hinahamon ako ng isang to ah!
Teka lang...
I grab my marker and started to write
'Ah talaga? Sige nga, tingnan natin kung hindi ka maging bitter matapos ng naranasan ko.'
Wala naman sigurong masama sa ginagawa ko, in fact unti-unti nang gumagaan ang loob ko.
Matapos kong magsulat ay nakatanggap ako ng text from my mom, pinapa-uwi na nya ako kasi late na raw, hay naku! Napaka stirkta talaga...
BINABASA MO ANG
The Vandals (On-Hold)
Teen FictionMeet Ladhe Mareilissa Roberts, a 17 year old student of Unknown Academy. she used to believe that forever is just an illusion and forever is only use to make people hope.... but everything change when he met him.... ang ka isa-isang lalaki na bumuo...
