Chapter 11 (Awkward)

7 2 0
                                        

One word to discribe my place right now, AWKWARD...

Pano ba naman kasi ako hindi makakafeel ng awkwardness kung kaming dalawa ni Chylle ang nautusan na bumili ng pintura para sa paglilinis namin.

Hey! Dont judge me! Papalag sana ako pero tumakbo na yung dalawa at iniwan kami with no other choice... hay naku! May topak talaga yung magpinsang iyon!

Nandito kami ni Chylle sa isang hardware sa loob ng mall. Kasalukuyan kaming naghahanap ng brush at mga lata ng puting pintura.

Balak kasi naming pinturahan ng puti ang likod ng building tutal masyado na rin itong madumi para kuskusin at sa dami ba namang sulat sa pader ay ewan ko na lang kaya kung matapos kami rito nang hindi napupudpod ang mga kamay namin. Kaya ito na lang ang naisipan naming gawin.

Pero asan na ba ang mga puting pintura rito???

Lingon lang ako nang lingon, ito na nga ba ang mahirap kung kapos masyado sa height... bakit na kasi sa dinami rami nang maaaring pagkulangan eh bakit ang height pa?!

"Ayun!" Hindi ko mapigilan ang mapasigaw nang makita ko ang pintura na hinahanap ko. Ito na lang ang natitira pero malaki naman ito at tama lang sigiro para sa lawak ng mga pader.

Lumapit ako para kunin ang pintura, pero bakit ang lambot ng nahawakan ko?

Eh kasi hindi naman talaga lata ang nahawakan mo kundi ang kamay ni Chylle...

Bwisit na konsensya! Nilingon ko kung sino sana ang kukuha rin ng pintura at totoo nga na si Chylle ito.

Nung nakita ko sya ay dali-dali kong hinablot ang kamay ko mula sa pagkakadampi sa kamay niya dahil sa kiryente na nararamdaman ko. Hindi ko na rin kaya kasi parang sasabog na ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

"A-ah o-okay  lang ba k-kung ikaw yung k-kumuha?" Teka nga! Bakit ba ako nauutal?! Gustong guston kong sampalin ang sarili ko dahil sa pagpapahalata ko na naaawkwardan ako.

"Sure"

Kinuha na nya ang lata at pumunta na sa counter para bayaran. Para naman akong nabunutan ng tinik nang maka layo sya sa akin.

Chylle ano bang ginagawa mo sa akin at bakit nagkakaganito ako?! Parang mamamatay ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko kapag nandito ka sa malapit eh...

Cris's POV
Shit! Nakakabakla na talaga tong nararamdaman ko sa kanya!

Parang pag hawak lang sa kamay Chylle... kinilig ka na agad... hindi na talaga yan normal.

Sa totoo lang kasi ay kanina ko pa gustong mahawakan ang kamay ni Ladhe. Lalo na nung tinititigan siya ng mga lalaking nadadaanan namin na parang hinuhubaran... konti na lang talaga eh gusto kong bugbugin!

Gustong-gusto ko siyang ipagdamot sa lahat ng tao pero alam ko na wala na akong karapatang gawin ang mga bagay na sana ginawa ko na noon.

Na kahit bali-baliktarin mo man ang mundo ay wala na talagang KAMI. Na kahit anong gawin ko... hindi ko na pwedeng magawa ang kaninang gustong gusto kong gawin dahil hindi naman siya akin.

Oo na, inaamin ko na nagpadala ako sa takot a year ago...
Pero sadyang mapagbiro talaga ang tadhana at pinagtagpo kaming muli.

And this time..

I will make sure that I will never let her go that easy again...

Hindi na ako magpapadala sa takot...

If she doesnt love me again

Fine! I WILL MAKE HER FALL IN LOVE WITH ME AGAIN.

*********

"Nagugutom ka na?" Tanong ko sa kanya matapos naming mamili ng mga gamit.

Umiling lang sya sa akin at umiwas ng tingin.

(Kruk! Kruk!)

Natawa ako sa naging reaksyon niya.

Bigla kasing tumunog yun tiyan nya dahil siguro sa gutom.

"Wag mo nga akong tawanan!" Sabi niya at nag pout.

Natigil ako sa pagtawa dahil sa ginawa niya. Shet! Nate-tempt ako!

Hey! You cant blame me! Lalaki pa rin ako at hindi ko mapigilan.

Hinila ko na lang sya sa isang restaurant.

Muntik na yon! Pwew! Buti na lang talaga at napigilan ko!

Ladhe's POV
Nakakahiya! Bakit ba kasi ang bad timing nitong tiyan ko! Seriously?! Ipahiya ba naman ako. Ayan tuloy! Mas matagal ko pa syang makakasama.

Kunyari ka pa Ladhe! Eh halatang gusto mo naman siyang makasama ng matagal.

Kainis naman tong konsensyang toh! Wagas kung makalaglag! May kilala ba kayong tao na nakakapaghiwalay ng konsensya sa katawan? A kahit tagapalit lang ng mga konsensya? Balak ko kasing papalitan tong konsensya ko... ying medyo tahimik ay hindi nakikialam.

Sus! Kunyari ka pa eh kilalang kilala kita! Sa loob looban mo kilig na kilig ka nung nakita mo siyang tumawa?

Naku! Isa nalang talaga at makukutusan ko na ito! Teka?? Pwede bang makutusan o mahawakan man lang ang konsensya?

"Hey!"

"Ay konsensyang pakialamera ng mga feelings!" Napatalon ako mula sa pagkaka-upo nang kinalabit na may kasamang sigaw ako ni Chylle. Tumawa sya nang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sorry! Cant help it!" Sabi niya sa gitna ng tawa niya.

"Cant help it, cant help it!" Asar na sigaw ko.

"Alam mo na miss ko toh..." biglaang sabi niya at sakto naman na dumating na ang mga orders namin.

"Ang asarin ako?"

Umiling siya, "hindi."

"Eh alin?" Grabe naman kung makapambitin tong isang toh!

"Ito... yung ikaw at ako kumakain sa labas at nagku kwentuhan... o kahit makasama ka lang oks na oks na."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Whats funny? May nasabi ba akong nakakatawa?" Kunot noong tanong niya sa akin.

Tumango lang ako. "Alin don?" And because of that my face become serious.

"Eh di kung mamimiss mo lang pala ako. Eh di sana hindi ko na lang ako iniwan sa ere." Sabi ko sa kanya at umiwas ng tingin.

"Hindi ko naman sinasadya eh. Kai---" I cut him off by speaking.

"Oo na, oo na nagbibiro lang naman ako! Ang drama lang kasi ng sinabi ko kanina... pero Chylle, na realize ko na dapat ko nang kalimutan ang nakaraan at harapin ang hinaharap... at tsaka sino ba naman ako para ipagkait sayo ang pagpapatawad kung si Lord nga pinapatawad tayo gaano man kabigat o kagaan ang mga kasalanan natin. Hindi siya nagdadalawang isip na patawarin tayo eh ako pa kaya na isang tao lang."

"So... does it mean na..." hindi niya talaga tinuloy ang sinabi niya pero kahit ganon ay naintindihan ko ang nais niyang iparating. Sa pintig ng aking puso at sa aking pagmamahal na nadarama ay iyo'y aking naintindihan. Char! Ito pala ang resulta ng pagiging masayahin. Lumalalim yung tagalog! Pero sa totoo ay hindi naman ako slow at may katiting na commonsense naman ako kaya naintindihan ko yon, at yung sinabi ko kanina? A wala lang yun! Dala lang yung ng kadramahan at kabaliwan ni Author.

Pero tumango naman ako bilang sagot at nginitian siya... this time it is true... walang halong bitterness just a sweet smile. I realize na mas mabuting magpatawad ako at wag na magtanim ng galit sa kanya dahil wala rin naman itong mapapala. Makakasakit lang ako sa pagtataniman ko.

At hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Na realize ko na lang na niyayakap ko na pala siya pabalik. Ang sarap sa pakiramdam na okay na kami ni Chylle at wala na ang galit pero hindi ko maikakaila na may lungkot at sakit pa ring natitira sa puso ko pero atleast diba? Nabawasan na ang bigat sa loob ko.

Its hard to forget someone who gave you so much memories to remember...

The Vandals (On-Hold)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon