Cris's POV
Sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas ay napatawad na rin ako ni Ladhe. Sorry naman! Hindi pa kasi ako maka move on sa nangyari kahapon.Bigla namang nag ring yung phone ko kaya agad ko itong sinagot nang makitang si Audrey ang tumatawag.
"Oh napatawag ka?" Umpisa ko. Bastusan kasi ang trato namin sa isat isa at tsaka asa ka naman na babati ng hi at hello ang isang yan.
"Sungit ah..." natatawang sabi niya.
"Pangit ah..." asar ko sa kanya and I can totally say that she is rolling her eyeballs right now.
"Gwapo ka ba?"
"Oo naman"
"Tss. Itigil na nga natin at baka matangay pa ako ng hangin."
"Sus! Hindi ka kayang tangayin ng hangin. Sa taba mo bang yan sa tingin mo madadala ka ng hangin?" Sa totoo lang kasi ay hindi naman talaga sya mataba. Well sinabi ko lang yon dahil gusto ko syang asarin.
"Hindi nga sabi ako mataba!"
"Ows talaga?"
"Whatever!"
"Bakit ka ba kasi napatawag?"
"Gusto kitang kamustahin?" Sarcastic na tanong nya yan sa akin.
"At kailan ka pa nagkaroon ng pag aalala sa akin aber?"
"Ngayon lang naman kasi nabalitaan ko na mamamatay ka na after I call you. Binantaan kasi ako ng ex boyfriend ko na kapag tinawagan kita ay mamamatay ka kaya nung nalaman ko ay agad kitang tinawagan." Wag niyo na lang po pansinin ang babaitang ito at may topak sya.
"Kailan ka pa nagkaroon ng ex boyfriend? Eh boyfriend pa nga never kang nagkaron, ex pa kaya? Ano yun? May himala? Or wag mo sabihing isa kang mangkukulam na gumagawa ng love potion?" Asar ko naman sa kanya.
"Naku! Hindi pwedeng mang yari to! Wala sa plano ko ang malaman mo ang totoong katangian ko na ako nga ay isang mangkukulam kaya ang sagot ko sa tanong mo ay hindi! Hindi ako mangkukulam!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumawa na talaga ako ng tuluyan dahil sa kakornihan na pinaggagagawa namin.
"Teka seryoso na nga kasi! Bakit ka nga napatawag?" Pangungulit ko.
"Gusto ko lang sana kasing sabihin sayo hindi matutuloy ang flight ko mamaya kasi may nakalimutan akong ipasa na requirements sa isang prof. ko rito kaya ito ako gumagawa ng kailangan kong gawin..."
"Nge! Yan kasi ang napapala ng tamad at makakalimuting estudyante... tsk. Tsk. Tsk. Kung nalaman ko lang na ganyan ka pala ka walang respetong anak sa umampon sayo ay sana hinayaan nalang kitang lapain ng mga tigre ron. Grabe ka Audrey! Nagpapakahirap ako rito sa Pilipinas para mapag aral kita ng maayos pero ito ang isusukli mo sa akin?! Ang kulang ka ng isang requirement?! Im so dissapointed!" Kunyari na pag arte ko na parang umampon sa kanya. Hindi na ako nagtaka nang sinakyan niya ang trip ko at nag kunwari rin sya na nagsisisi.
"Dad Im so sorry! Alam ko naman po na ginagawa niyo lang ang makakabuti sa akin pero dad... Gusto ko lang malaman mo na magka crash na ang eroplanong sinasakyan ko ngayon... dad mahal na mahal kita..." kunyaring naiiyak na sabi nya.
"Tanga lang teh?! Pano magkakaroon ng signal sa eroplano?"
"Ah basta! May cignal kasi silang ikinabit! Iba na ang technology ngayon kaya wag mo akong husgahan! May wifi pa ngang kasama eh!"
"Wag mo akong masigaw sigawan! Baka nakakalimutan mo na ako ang ama mo!"
"You are not my father! And you will never be my father!" Pag iinarte nya.
BINABASA MO ANG
The Vandals (On-Hold)
Teen FictionMeet Ladhe Mareilissa Roberts, a 17 year old student of Unknown Academy. she used to believe that forever is just an illusion and forever is only use to make people hope.... but everything change when he met him.... ang ka isa-isang lalaki na bumuo...