Chapter 4 (news)

9 2 0
                                        

Ladhe's POV
Pumasok ako ngayon sa school na may masamang kutob...

Ewan ko pero parang ang bigat-bigat ng naramdaman ko the moment I went here. Yung feeling na may kung anong bagay ang pumipigil sayo na pumasok sa araw na ito. Ganito rin ang feeling ko nung araw na nag break kami ni---

"Sis!!!" Halos mabasag ang eardrums ko sa sigaw ni Love.

Inis na nilingon ko naman siya. "Ano ba?!para namang isang kilometro ang layo ko sayo kung maka sigaw ka!" Reklamo ko.

At dahil sa baliw nga ang bestfriend ko ay imbes na mag peace sign sya or magsorry ay inirapan niya lang ako. Aba't! Sya pa ang may ganang umirap sa akin na siya nga yung may kasalanan sa akin!

"Duh! Hindi yan ang pinunta ko rito! Im here because I have to tell you something important... pero mukhang galit ka so hindi ko nalang sasabihin..." kunwari ay nagtatampong sabi niya kahit na alam ko na excited na siyang mag kwento.

"O e di sige, ano pang ginagawa mo rito? Alis na..." pagtataboy ko naman na siyang ikinanguso niya.

"Ikaw naman! Hindi ka na mabiro! KJ mo talaga kahit kailan!" Parang batang saad niya.

"O ano nang sasabihin mo at sobrang importante ba talaga yan at kailangan dito pa tayo sa hallway magchichismisan?"tanong ko.

Hello?! Andito po kami sa gitna ng hallway!

And for the second time ay umirap sya at hinila ako sa isang bakanteng classroom.

"Oo, sobrang importante ito kasi si---"

Naputol ang dapat na sasabihin niya nang biglang mag-ring na ang bell.

"Mamaya na yan sa room at baka ma-late tayo sa first class natin." Sabi ko.

"Pero---" aangal pa sana siya pero hinila ko na siya.

Mahirap na at baka ma-late pa kami. Nakakatakot pa naman yung prof. Namin na si Ms. Crocodile--- ay este Crodile pala... sobrang terror pa naman nun. Palibhasa, matandang dalaga. Eh sino ba naman ang magbabalak na manligaw dun eh grabe! Napaka sungit! Parang anu mang oras ay kakainin ka niya ng buhay!

"Huy! Tama na yang pananaginip ng gising! Nandito room natin oh!" Sigaw ni Love nang makita niya akong patuloy pa rin sa paglalakad at hindi napansin na nilalampasan ko na ang roon namin.

***

"O ano na yung importanteng balita na sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya nung lumabas na yung prof. namin.

Lunch na at kanina ko pa napapansin ang pagiging balisa ni Love at pasulyap sulyap sa akin na parang nag aalala.

"A-ah yun ba? Ah eh..."

"Ih oh uh, Love diretsuhin mo nga ako!" Pambabara ko sa kanya.

"Eeeeh sis naman eh!"

"Ano nga kasi..." inis na sabi ko. Ayaw na ayaw ko kasi sa lahat ay yung binibitin ako.

"Naka accept ako ng tawag galing sa lolo ko sa Canada! Sabi niya don na daw ako magpapatuloy ng pag-aaral ko! May sakit sya sa puso at kailangan nya ng magbabantay sa kanya sa Canada... ako nalang sa amin ang nag-aaral kasi lahat ng mga pinsan ko kahit so kuya ay may mga trabaho na na hindi nila maaaring iwan. So... napagdesisyonan nila na don na muna ako tumira para mabantayan si lolo..." nakayukong saad nito habang pinaglalaruan ang daliri nito.

"Sorry Ladhe... I dont want you to feel alone after everything that happened but they already mafe up their minds---"

"Go on..." sabi ko and gave her my sweetest smile.

Kumunot ang noo niya at bahagya akong hinipo sa noo.

"Wala ka namang lagnat ah..."

Tinabig ko yung kamay niya at nagsalita. "Ano ba Love! Seryoso ako sa sinabi ko... I want to be selfish at pagbawalan ka na umalis, I want to act like a child and beg you to stay... pero narealize ko na mas kailangan ka ng lolo mo kaysa sa kailangan kita, sapat na yung isang taon na iginugol mo sa tabi ko para patahanin ako sa bawat oras na umiiyak ako, you've been selfless when it comes to yourself... and I am so lucky na nagkaroon ako ng bestfriend na kagaya mo. Maybe this is the time for me to be independent..." nakangiti kong sabi sa kanya.

Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Pero may tanong na pumasok sa isip ko...

"Teka... paano si Rham?" Tanong ko sa kanya.

Bigla namang nag-iba yung aura niya at mas lalong humagulhol.
BINGO! Sabi ko na nga ba at may problema siya. Pero ano naman kaya ang kalokohang ginawa ni Rham at ganito ang reaksyon ni Love...

"W-wala na k-kami... I saw him with a girl..." sabi niya with ahint of bitterness on her tone. "Kissing." Tuloy niya.

Napa kuyom naman ako ng kamao ko, akala ko talaga na matino yung lalaking yun! Akala ko talaga na mahal niya si Love. Hay nako! Wala na talagang matinong lalaki sa mundo eh.


The Vandals (On-Hold)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon