Ladhe's POV
Nandito ako sa park na malapit sa UA. Umupo ako sa may bench na nasa pinakadulo ng park. May forest kasi na katabi ito, well dati rin itong forest na ginawa na nilang park para sa mga taong gustong mamasyal or lugar para sa mga estudyanteng mag eensayo ng mga activities dito.Naka upo lang ako habang pinagmamasdan ang mga batang masayang naglalaro. Naisip ko tuloy na sana pwedeng bumalik sa pagkabata...
Yung tipong wala kang inaalala na problema sa mundo dahil masyado ka pang bata para maintindihan ito...
Yung wala kang ibang gusto kundi ang makipaglaro sa mga kaibigan mo...
At Walang sakit na nararamdaman na dulot na pag-ibig
Hindi ko na mapigilan at may masasaganang luha na ang dumadaloy sa pisngi ko. Wala rin naman akong balak na punasan ito dahil andito ako para magpahangin at para mailabas ang lahat ng sakit at bigat na nadarama ko sa ngayon
Niyakap ko ang mga tuhod ko at hinayaan ang sarili kong umiyak ng dahil na naman sa kanya.
Nakakainis kasi akala ko talaga na maayos na ang lovelife ko at naka move on na ako from my past pero yun pala ay akala ko lang...
Lumingon ako sa taong kumalabit sa akin at nakita syang nag aabot sa akin ng panyo.
Hindi ko sya pinansin kaya umupo sya sa tabi ko at nagsalita. "Ang pangit mong umiyak alam mo yon..." hindi yon tanong kundi isang compliment.
"Dapat ba akong magpasalamat at nag compliment ka?" Sarcastic kong tanong pero hindi pa rin nawawala ang kalunkutan sa boses ko.
Nag shrug lang siya at kinuha ko naman ang panyo nya at pinunasan na ang luha ko.
"Ang sakit pala. Akala ko handa na akong makita syang muli pero lahat ng confidence ko ay naglaho nang parang bula sa presensya nya lamang." Simula ko, wala akong pakialam kung wala syang balak na kausapin ako pero hahayaan ko na lang para naman kahit paano ay maibsan ang nararamdaman ko.
"Sana kasi hindi na lang sya bumalik...okay na sana ako eh---"
"Mahal mo kasi sya."
Natigil ako sa sinabi niya. Ano raw? Mahal?
"Mahal mo pa sya kaya ka nagkakaganyan... mahal mo pa sya kaya ka nasasaktan ng ganyan..."
Hindi ko na naman maiwasan ang tumawa ng mapait dahil sa mga sinasabi niya.
"Pag-ibig nga naman... grabe kung makipaglaro ang tadhana...kailangan ba talagang ipamukha sa akin na hindi talaga pwedeng maging kami? Na ako lang ang nagmamahal at kahit kailan, hindi niya ako minahal... saklap nga naman talaga ng buhay noh Tripp?"
"Hindi naman sa masaklap pero lahat lang talaga ng relasyon kailangang dumaan sa ganitong mga pag subok. Every relationship has its own problems but what makes it perfect is when you still want to be there even if everything sucks..."
"Ang hugot natin ah! May pinagdadaanan? Tinaob mo naman yung mga sinabi ko! Panira talaga ng moment toh!" Asar ko para naman gumaan na yung atmosphere.
Grabe! Hindi ko na kasi kaya yung mga hugot lines nya eh!
Tumawa lang sya ay ginulo ang buhok ko.
Nga pala... si Tripp talaga yung kausap ko, yung Mr. Yabang... pero hindi na naman kami nag-aaway MINSAN.
Hehe pero seryoso. Naging close na talaga kami dahil sya lang naman ang napag she share-an ko ng mga nararamdaman ko. Wala na kasi so Love ay wala na akong ibang kaibigan dito except sa kanya.
Speaking of Love, nag skype kami kahapon at ang bruha! May nakita lang gwapong kababayan namin nakalimutan na agad si Rham! Pero sana ganyan lang din ako kadaling mag move on. Yung tipong makakita lang ng gwapo ay makakalimutan na yung ex boyfriend mong mukhang unggoy.
Nagising ako sa pag mumurder ng ex ko nang biglang hawakan ni Tripp ang kamay ko. Hindi ko alam pero bakit wala akong maramdaman na kuryente sa tuwing magdidikit ang mga balat namin?
Eh kasi naman, pag si Chylle ang humahawak ng kamay ko NOON ay may dumadaloy bigla na kuryente at nagwawala ang mga insekto sa tiyan ko. Pero pagdating kay Tripp ay parang normal lang ang nararamdaman ko...
Ako lang ba talaga ang nag-iisip o may kahulugan ang mga yon?
Aish! Pati ba naman sa ganyang mga bagay Ladhe, si Chylle pa rin yung iniisip mo?! Paano ka makaka move on kung isip ka nang isip sa kanya?!
Umiling iling nalang ako nang mapansin ko na naglalakad kami sa gitna ng kagubatan.. wtf! Bakit hindi ko naramdaman na kinakaladkad na pala ako ng isang toh sa gitna ng gubat?!
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pero parang wala lang siyang narinig at patuloy pa rin sya sa paghila sa akin hanggang sa...
O to the M to the G!!!
Ang ganda ng lugar! Puno ng mga bulaklak ito at may waterfalls sa dulo! Wala na akong masabi pa dahil ang ganda talaga ng lugar! Paraiso nga siguro ito kung tawagin.
"Wow." Bulalas ko dahil sa gand ang nakikita ko ngayon.
"Ang ganda." Bulong ko uli habang nakatingin sa falls.
"Oo nga..." biglang sabi ng katabi ko. Nilingon ko sya at laking gulat ko nang makitang nakatingin din sya sa akin.
Umiwas ako ng tingin dahil sa naiilang ako sa kanya.
Nagsimula syang maglakad at umupo sa damuhan habang nakasandal sa isang puno. Sinundan ko sya at umupo rin sa tabi niya.
"Madalas ka rito?" Tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako sinagot instead tumango lang sya.
"Ito ang lugar kung saan ko nilalabas ang lahat ng galit at hinaing ko sa mundo. Sa tuwing sinasaktan ng gago kong ama ang walang laban kong ina. Wala akong magawa dahil bata pa ako non... kaya siguro ako naging ganito ka manhid ngayon..."
Hindi ako makapagsalita at hinihintay ko ang sunod niyang sasabihin... Grabe! Malayong-malayo ito sa Tripp na nakabangga ko sa mismong park din na ito. Yung Tripp na mayabang, mapang-asar at walang paki alam sa mundo ay isa palang Tripp na selfless, matapang at puno ng hinaing sa mundo.
Naiinis ako sa sarili ko kasi hinusgahan ko sya...
"I promise myself that I'll do anything, anything at all to protect my mother... our family..."
Ngayon ko lang nakitang umiyak si Tripp dahil sa tuwing nakikita ko siya ay dala niya ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
"Pero hindi ko nagawa...nung araw na nalaman ni mama na may ibang pamilya si papa at may dalawang anak at ang panganay pa talaga au kasing edad ko ay nagpakamatay sya... Ilang araw bago namin malaman na patay na sya dahil ni lock ng gagong yun ang kwarto ni mama at sa pagbukas non tumambad sa akin ang walang malay kong ina na may hawag na cutter at nagdudugo ang pulsuhan... galit na galit ako noon at umabot sa puntong wala na akong maramdaman pang emosyon maliban sa galit..."
Patuloy pa rin siya sa pag iyak.
"Wala akong kwentang anak! Sana kasi gumawa ako hg paraan para mapasok si mama at mapigilan siya sa pagpapakamatay... sana kasi kinulit ko si papa kahit na mabugbog pa ako nun basta mapigilan lang ang pagkamatay ni mama eh. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana at ngayon ay walang-wala na ako."
Grabe naman yung buhay nya...
Siguro nga at maswerte pa rin ako dahil kay pamilya pa ako. Hindi nga lang buo pero at least buhay pa sila...
Hay! Siguro nga wala talagang perpektong buhay...
Pero iisa lang ang napagtanto ko.
Maswerte pa rin tayo dahil yung mga karaniwang basura sa paningin natin ay isa palang kayamanan sa paningin ng iba...
At wag ring mawalan ng pag asa dahil may darating na biyaya. Hindi nga lang yung inaasahan mo pero ito ang hindi mo aakalain na kakailanganin mo pala...
Theres a rainbow always after the rain...
BINABASA MO ANG
The Vandals (On-Hold)
Novela JuvenilMeet Ladhe Mareilissa Roberts, a 17 year old student of Unknown Academy. she used to believe that forever is just an illusion and forever is only use to make people hope.... but everything change when he met him.... ang ka isa-isang lalaki na bumuo...