Chapter 6 (Tripp?!)

8 2 0
                                    

Ladhe's POV
Matapos kong ihatid sa airport kanina si Love ay dumiretso ako sa Campus. Well hindi dahil sa may pasok ngayon dahil obviously its Saturday. I just want to check kung nagvandalize na uli si Mr. Hugot

Napangiti naman ako nang makita. Para na nga siguro baliw kung nakikita niyo ako. Sino ba naman ang mayinong tao na nginingitian ang pader?

Pero sorry nalang kayo dail masaya ako ngayon...

"Oo naman! Friends na tayo!"

Naka ngiti ako habang sinusulat iyan.

Matapos kong magsulat ay umalis na ako pero hindi pabalik ng bahay dahil boring doon. Papunta ako sa isang fast food restaurant dahil kumukulo na ang tiyan ko. Nakalimutan kong mag breakfast dahil sa late na akong gumising at inihatid ko pa si Love sa airport.

Halos tumalsik ako sa outer space nang may bigla akong nabangga sa pader at dahil sa lakas ng impact ay napa-upo ako sa sahig.

"What the fuck! Are you blind?!" Sigaw ng pader.

Teka? May nagsasalita bang pader? At tsaka grabe ha! Nagmura pa talaga at ininaulto ako!

Jusko po! Tulungan niyo po ako... ito na po ba ang senyales na nagsisimula na kaming pasukin ng mga alien? Sana naman po mababait ang mga aliens at hindi ako kuhanin at ipatapon sa universe!

"Sana naman may puso at awa kang alien! Please... wag mo akong ipatapon sa outer space! Mahal ko ang buhay ko at tsaka masyado pa akong bata para mamatay! Paano na yung mga taong nagmamahal sa ak---"

"Can you shut your fucking mouth?!"

Naku po! Mukhang nagalit pa sa akin yung alien! Patuloy pa rin ako sa paglalaro ng mga daliri ko habang naka yuko. Ayoko kasing makita ang mukha nya at baka mahimatay pa ako at hindi ako makalaban sa kanya. Baka kasi sa pagising ko ay nasa outer space na ako na lumulutang! Or worse ialay niya ako sa kapwa aliens niya... sana naman vegetarian ang mga aliens!

Pero masyado na akong curious. At least bago ako mamatay ay makita ko ang alien na pumatay sa akin para multuhin.

Unti unti kong inangat ang ulo ko at tumambad sa akin ang mapaka gwapong nilalang sa balat ng universe! Ganito ba ang hitsura ng alien? Kung oo, willing akong kaging slave nila.

Black messy hair (na bagay na bagay naman sa kanya), mala-tsokolayeng mga mata, matangos na ilong, red lips, maputi, matang--

"Enjoying the view?" Naka smirk na tanong nito.

Okay... binabawi ko na ang mga sinabi ko kanina... bahagya namang kumulo ang dugo ko, ayaw na ayaw ko pa naman sa mga lalaking malalaki ang ulo.

"Not really..." mataray na sabi ko.

Mas lalo namang lumapad ang smirk nya or should I say na ngumisi na talaga siya.

"Oh really? A while a go I just saw you drooling at me tapos ngayon magtataray ka?" Mapanghamon na saad nito sa akin.

"I-im not drooling kaya wag kang assuming!" Sigaw ko.

Hindi naman kasi talaga!

Hindi nga ba?

Aish! Basta hindi. Oo inaamin ko na gwapo siya pero masyado siyang mayabang para hangaan.

"At tsaka hindi ka ba mag so-sorry?" Tanong ko na ikinakunot ng noo niya.

"Ako ba talaga ang dapat mag sorry?"

"Ay hindi siya oh!" Sarkastik kong sabi ay tinuro ang matandang lalaki na inaalalayan ng isang batang babae.

The Vandals (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon