Pagkatapos ng klase ko ay dali-dali akong tumakbo at pumunta sa wall na pinagvavandalisan namin ni Mr. Hugot. Yeah you read it right. Mr. Hugot na talaga ang tawag ko sa guy na nagsusulat sa wall. At Ms. Bitter naman ang tawag niya sa akin. Ewan pero dumating kami sa punto ng pag aasaran at gumawa ng mga pangalan.
"Bakit? Ano ba ang naranasan mo?"
Yan ang nabasa ko pagtingin sa wall.
Sasabihin ko ba?
Sabihin mo na! Tutal hindi naman kayo magkakilala at mas madaling makipag lahad ng damdamin sa isang estranghero!
Wag na! Baka husgahan ka lang niyan! Mabuti nang itikom mo ang bibig mo!
Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako at sa pakiramdam ko ay nag dedebate ang puso at utak ko kung magkwekwento ba ako o hindi.
Ipiniling ko na lang ang ulo ko at hinayaan ang kamay ko na kusang mag sulat.
"Iniwan ako ng boyfriend ko na matagal ko nang bf nang walang dahilan. I tried to fight for our relationship but it seems like pinaglalaruan ako ng tadhana at nakitang may kasama siyang iba."
Huli na nang malaman ko ang sinulat ko. Bumuntong hininga nalang ako dahil kahit anong gawin ko ay hindi na mabubura an sinulat ko...
Cris's POV
Isang linggo na ang nagdaan at patuloy pa rin ako sa pagvavandalize.
"Baka naman may rason talaga siya at hindi niya lang masabi sayo dahil sa natatakot siya."
Hindi ko alam pero kusang pumasok yan sa isip ko. Ewan pero natatamaan ako.
"Sus! Wag mo ngang ipagtanggol yung gagong yun! At tsaka natatakot? Para saan?"
"Hindi ko siya pinagtatanggol... at tsaka malay mo! Napilitan lang siya pero hindi pa rin maitatago na gago nga siya."
Ang gulo ko noh? Pero hayaan na gwapo naman ako. :)
"Talaga lang ah?! Pero kung may dahilan siya. E di sana sinabi niya man lang para maintindihan ko."
"Talagang-talaga... baka ayaw lang nya na masaktan ka."
Ewan ko pero parang ako yung lalaki. Nadadala kasi ako sa buhay niya eh... kahit na never pa akong naging parte ng buhay niya...
"Eh sa palagay niya hindi ako nasasaktan ngayon?"
I caught off guard. Grabe naman hindi na kaya ng kagwapuhan ko ang bitterness ni Ms. Bitter.
"Change topic na nga! Hindi naman ako yung ex mo eh bakit ako yung inaaway mo? Pero teka... does it mean na friends na tayo?"
Hindi kasi ako mapakali at gustong gusto ko siyang maging kaibigan. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko pero hindi nakukumpleto ang araw ko kung hindi ako makakakita ng reply niya sa wall. Sa konting panahon ay hindj ko maitatanggi na napalagay na ang loob ko sa kanya. Yung parang may kung anong nagsasabi sa akin na gusto ko pa siyang makilala, na gusto ko siyang maging kaibigan at gusto kong maging parte ng buhay niya...
Is it possible kung magkagusto ako sa babaeng nakilala ko lang by vandalizing?
Pero ang tanong? Gusto lang ba talaga o mahal na?
Base on what I feel ay sa palagay ko mahal ko na nga siya...
Pero natatakot ako sa magiging resulta nito. Hindi ko ito dapat maramdaman dahil mali ito at hindi ito dapat...
Natatakot ako na baka mas lumalim ang nararamdaman ko at umabot sa puntong hindi ko na kayang mabuhay nang wala siya, natatakot ako na baka pag nalaman niya ay tumigil na siya sa pagvavandalize, na yung friendship na hinihingi ko ay baka mawala pa, at natatakot ako na hindi kami parehas ng nararamdaman...
BINABASA MO ANG
The Vandals (On-Hold)
Ficção AdolescenteMeet Ladhe Mareilissa Roberts, a 17 year old student of Unknown Academy. she used to believe that forever is just an illusion and forever is only use to make people hope.... but everything change when he met him.... ang ka isa-isang lalaki na bumuo...
