Chapt. 1- Matalik na magkaybigan MAGPAKAYLANMAN

75 1 0
                                    

[Rade]

"Uy! Sinulat ko yung pangalan natin sa buhanginan!" Masiglang sabi ni Angela sa phone.

"Talaga? Pangalan lang natin?" Tanong ko.

Mabuti pa si Gela nasa isang resort sa Cavite. Ako, heto't nakahiga lang sa kama.

"Hmmm. Oo. Ang nakasulat doon, 'Riu (pronouced as Riyu) & Angel best of friends forever!' Nandito nga sa phone ko yung pic eh!" Sabi niya.

"Sige ipasa mo sakin pagbalik mo. Kelan ba balik mo?" Tanong ko. Halos mag-iisang linggo na din siya doon halos.

"Hmm baka sa linggo. Ewan ko kung extended pa." Sagot niya.

Ayos! Huwebes na ngayon! Ibig sabihin malapit na siyang umuwi! Mabuti naman at nang hindi na ako nababagot dito. May maasar na ulit ako!

"Ikaw na. Ikaw na hayahay ang buhay diyan. Sino ba kasama mo diyan?" Tanong ko.

"Ako pa! Alam mo namang sabit lang ako sa mga seminar ni Mamy. Si Jasmine lang yung kasama ko. Kinakapatid ko." Sabi naman niya.

Supervisor kasi ang mama niya at paminsan minsan-este kadalasan ay nasa seminar ito. Kaya minsan lang din niya ito makasama.

"Babae?" Tanong ko.

Aba! Mahirap na! Mamaya kung ano pang gawin nun kay Angela! Kung sakasakali maaga niyang makikita si kamatayan!

"Riu, saan ka nakarinig o nakakita ng Jasmine ang panagalan pero lalaki? Aba! Malamang!" Sabi niya. Oo nga naman. Kungsabagay.

"Malay mo! Saka naninigurado lang naman ako."

"Oo na! Uy. Mamaya na lang. Kakain lang kami." Paalam niya.

"Sige pakabusog ka." Sabi ko naman.

"Ayoko nga! Ang taba ko na eh!" Angal naman niya.

"Hahaha! O cge na! Babye!" Paalam ko.

"Babye! Lab yu! Mwah!" Sabi niya.

"1......2.......3! Matalik na kaybigan kita magpakaylanman! Walang iwanan!" Sabay naming sabi at ibinaba ang telepono.

Don't gete wrong, siya nagpauso nun. Natural na din samin yung mga ganon. Sabay na kaming lumaki kaya ganon.

Ako nga pala si Darrius Rade V. Acosta, 14 years old. Yung kausap ko kanina ay yung kababata ko, simula bata kami ganon na talaga kami ka-sweet at ka-close. Siya si Maria Angelica D. Sylvestre, oh diba! Kaya inaasar ko yun lagi eh! Parehas kaming Grade 10 na at parehas din kami ng eskwelahang pinapasukan, pero nung Grade 9 lang siya lumipat. Mabuti na nga lang at sa tinagal tagal naming magkaybigan at madalas naming pagkikita hindi pa kami nagsasawa sa isa't isa.

Riu ang tawag niya sakin para daw maiba sa tawag ng karamihan sa akin, at siya lang daw ang tatawag sakin nun. Gela naman ang tawag ko sakanya, at katulad ng sabi niya, ganon dina ng akin. Na ako lang ang pwedeng tumawag ng ganon sakanya.

Aalis Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon