[Gela]
Kalalabas ko lang ng bahay ng makita ko si Riu-este Rade na naglilinis ng kotse. Edi siya na may kotse at marunong! At maglilinis na lang taaga ng kotse kaylangan nakaporma pa?! Yan na ba ang nangyari sakanya matapos niyang manirahan sa America?
Papalakad pa lang sana ako ng humarang siya sa daan ko. Tinaas ko ang ulo ko at nakita ko si Rade.
"Ihahatid na kita." Prisinta niya.
So kaya pala siya nakapang-alis?
"Hindi na kaylangan. Sanay akong mamasahe." Sabi ko.
Lalagpasan ko na sana siya ng hatakin niya ako at yakapin kaya napayakap din tuloy ako. Nanlaki ang mata ko. Ano namang trip ng lalaking ito ngayon? Aish! For God's sake! May mas kaylangan pa akong gawin sa office kesa makipaglandian dito!
"Namiss kita. Limang taon. Limang taon kitang hindi nayakap, nakaharutan, nakita, nakasama. God only know kung gaano ako umiyak sa kwarto ko dahil sa pag-alis namin. God only knows kung gaano ko kagustong hindi umalis pero wala akong magawa. Lahat ngbsinabi ko bago ako umalis? Totoo yun. I love you. And sorry dahil hindi ko manlang sinabi yung pag-alis ko. Sorry dahil ang tanga ko." Tinulak ko siya.
"Please, go away. I need to go. Marami akong kaylangan gawin kesa anvg makipaglandian sayo dito. Iba na tayo. Malaki na tayo. Iba na yung noon sa ngayon. Sobrang daming nangyari simula nung umalis ka, sa loob ng limang taon. Madaming nagbago, at isa ako doon. So please. Layo." Sabi ko.
Maglalakad na talaga sana ako ng hawakan niya ako sa braso para pigilan. Parang nung nasa library lang kami noon.
"Sandali! Kahit maihatid lang kita. Pambawi lang." Sabi niya.
"Alam mo'ng hindi pa sapat yan Rade. Pero sige. Nang matahimik ka." Sabi ko at nauna pang sumakay sa kotse niya. Infernes. Maganda itong kotse niya. Ang sarap tuloy mangalikot.
Habang bumabyahe kami. Wala ka'ng ibang maririnig samin. Sa totoo lang hindi naman talaga ako galit. Galit ako, oo. Pero hindi ko naman kayang magalit sakanya ng matagal, o hindi ko talaga kayang magalit sakanya. Tampo lang, ganon. Pero totoong sa pag-alis niya, maraming nagbago. Mas natuto akong tumayo ng mag-isa. Mas naging seryoso ako pero kahit kelan hindi ko kayang magtanim ng galit.
"Gela, ikaw muna si Gela ngayon. Gela galit ka ba sakin? Malamang oo diba? Pero pwede ba?! Ilabas mo si Gela! Yung Gela na kahit papaano may emosyon!" Nagulat ako ng ihinto niya ang kotse, lumabas ng sasakyan, buksan ang pinto, hatakin ako palabas at sabihin sakin ang mga iyan.
Nagatataka ko lang siyang tinignan. Lumuhod siya at yumuko. Tapos maya maya narinig kong umiiyak siya.
Siyete kwatro naman! Anong trip nito?!
"Please. Hindi ko gusto ang pag-alis ko noon, masakit din sakin yun. Pero wala akong magawa. Mga magulang ko ang kakalabanin ko kapag tumutol ako. Gusto ko din naman silang makasama. Gustong gusto kong bumaba ng kotse nung gabing yun. Batukan ka at patigilin ka sa pag-iyak at paghabol mo sa kotse namin at iuwi ka sainyo. God knows kung gaano ko kagustong bumaba ng eroplano nung time na nakasakay na kami paalis sa pilipinas. Galit ako sa sarili ko kasi hindi ko natupad yung pangako ko sayo. Gela please. Ilabas mo naman yung Gela na kilala kong full of emotions. Please." Pagmamakaawa niya.
"Riu." Saway ko.
"Please." Pagpigil niya sa iba ko pang gagawin.
"Tayo." Utos ko. Sa pagtayo niya niyakap ko agad siya.
Unti unting tumulo yung luha ko.
"Namiss kita Riu. Also God knows na pinanalangin kong huwag kang umalis. Also God knows kung gaano kita namiss. Yung makulit kong kababata na lagi akong niyayakap, pinoprotektahan ako. Oo, nung una nagalit ako. Pero ikaw ba namang lalaki ka matitiis ko? Alam mo ba kung ilang beses kitang tinawag na tanga. Pati ang sarili ko. Kasi naman hinahabol ko yung kotse niyo na alam kong hindi ko naman maaabutan. I love you too Riu. Very much." Paghiwalay ko sakanya sa yakap tumalikod agad ako at naglakad.Pinunasan ko na din ang luha ko.
"I love you." Dinig kong sabi niya.
BINABASA MO ANG
Aalis Ka Ba?
RandomAalis ka ba? Kung may tao kang masasaktan sa pag-alis mo? Kung may tao kang pagmumukhaing TANGA? Kung may tao ka lang na paasahin? At kung ayaw mo talaga ang gagawin mo? Pero anong magagawa mo kung kaylangan talaga? Aalis ka pa ba? O susuway sa ut...