[Riu]
Siguro tinatawag na akong tanga ni Gela ngayon. Yun kasi yung tawag namin sa mga taong nang-iiwan ng walang paalam. Hindi ko alam na mapapasama ako sa mga tinatawag naming tanga.Kinuha ko ang phone ko ng tumunog ito. Kaya napatingin ako sa relo ko.
Oras na pala. Sinagot ko yung tawag ni Mama.
"Anak." Malungkot na bungad ni Mama.
"Nasa likod po ako ng venue. Pakipuntahan na lang po ako." Sabi ko at agad na ibinaba ang tawag.
Tinitigan ko ang wallpaper ko.
Natawa ako ng maalala ko ang mga asaran namin pero may luha pa din na lumalabas sa mga mata ko."Aaaaaargh!"
Bakit ba ang tanga ko?Saktong dumating sila Mama. Agad akong sumakay sa kotse. Dinaanan namin ang entrance ng venue.
Nakita ko si Angela kaya agad akong napayuko at paiwas ng tingin.
"Si Angel yun ah." Sabi ni Mama.
Kaya naman ihihinto na sana ni Papa ang kotse.
"Ituloy niyo. Bahala siya diyan." Utos ko.
"Pero-"
"Ituloy niyo!" Sigaw ko.
Kaya naman itinuloy na lang nila ang kotse. Huli akong sumulyap kay Gela. Nakita ko ang pagtayo niya para habulin ang kotse namin.
Masakit na makita ang kalagayan niya ngayon. Pero wala akong magawa.
BINABASA MO ANG
Aalis Ka Ba?
RandomAalis ka ba? Kung may tao kang masasaktan sa pag-alis mo? Kung may tao kang pagmumukhaing TANGA? Kung may tao ka lang na paasahin? At kung ayaw mo talaga ang gagawin mo? Pero anong magagawa mo kung kaylangan talaga? Aalis ka pa ba? O susuway sa ut...