Chapt 2- KILIG PA MORE!!!

43 1 0
                                    

[Rade]

Yes! Linggo na! Uuwi na si Gela sa wakas! Maitext nga yung isang yun.

*psst. Uy. Pauwi na kayo?*- ako

*Hindi pa. Bukas pa uwi namin >3<.*-Gela

Ano? Uy, pero ang bilis magreply ha. Siguro nanonood lang to ng cable sa room nila. Palibahasa parehas kaming walang cable.

*Akala ko ngayon na?*-ako

*Eh naextend eh. Sabi ko nga sayo diba, hindi konsigurado kung extended kami dito o hindi.*-Gela

Anu ba yan? Wala pa din akong maasar?

*Ganun? Geh. Ingat.* -Ako

Tss. Sasama na nga lang ako kina Tita. Hindi pa naman pala uuwi yung babaeng yun.

[Gela]

Bakit ba ang tagal nung isang yun? Surprise nga sana na ngayon talaga ako uuwi eh! Wala naman yung mokong na yun! May pasalubong pa naman ako. Pero dahil wala siya, kakainin ko na lang to mag-isa.

Oo nga pala. Nandito ako sa labas ng bahay namin, magakatabi lang din naman ang bahay namjn nila Riu. Kumakain ako ng pastillas na paborito namin ni Riu. Pasalubong ko sana sakanya itong kinakain ko, kaso banas na ako eh.

"Angela! Mag-isa ka lang?" Nagulat ako ng may tumawag sakin.

Si Jandy! Hulog siya ng langit! ↖(^▽^)↗

"Jandy! Samahan mo ako dali! At oo. Mag-isa lang ako. Halata naman." Pamimilosopo ko at hinatak siya paupo sa tabi ko.

Siya si Jandeline Cambel, Jandy for short. Kababata din namin siya ni Riu. Siya yung girl bff ko. Kapag wala si Riu ayan siya.

"Penge nga niyan!" Sabi niya at kumuha ng isang pastillas sa isang balot na hawak ko.

Tumayo ako.

"Tara bili tayo shake. Ang boring sa- ay kabayo ka!" Napahinto ako at nagulat ng may biglang yumakap sakin galing sa likod.

"Akala ko ba bukas pa uwi mo?" Kinilabutan ako ng konti sa pagbulong niya sa tenga ko.

Amoy pa lang kilala ko na. Nakalimutan na yata niyang may kiliti ako sa leeg.

"Ayiiiih!" Sigaw nila Jandy at Charles, na bunsong kapatid ni Riu.

Inakbayan na lang ako ni Riu sabay kuha ng pasalubong kong pastillas sakanya.

"At balak mo pa akong ubusan nito! Nagbakasyon ka na nga ng isang linggo! Uubusan mo pa ako nito!" Sabi niya at kumalas na.

Humarap siya sakin.

"Oo nga pala. Yakap ko?" Sabi niya at naka-open arms pa.

"Hindi pa ba yakap yung kanina?" Tanong ko.

"Hindi. Ako yung yumakap sayo eh." Sabi niya. Ang arte talaga nito kahit kelan.

Ngayon alam ko na talaga kung bakit Romantic Prince echos ang tawag sakanha sa school. Ako? Wag niyo nang asahang sikat ako dun. Simpleng estudyante lang ako dun.

"Yoko nga. Pumapasimple ka na eh. Abusado." Sabi ko at pumasok sa bahay na hatak si Jandy.

"Yiiiih. Kinikilig yan. Kamusta nga pala ang isang linggong pagliban sa klase at pagbabakasyon mo kasama ang Mamy mo?" Tanong niya habang prenteng prente na nakaupo sa sofa namin.

"So far masaya naman dahil sa cable, swimming pool, at dagat. Pati na din sa pagkain. Nga pala nasa mesa yung pasalubong mo." Sabi ko matapos kong sumalampak sa sofa.

Tumayo naman siya at kumuha ng pasalubong sa table.

"Sasama ka ba mamaya sa prusisyon?" Tanong niya.

"Oo. Ako pa ba? Hindi na nga ako nakasama sa misa kanina, hindi pa ako sasama sa prusisyon? Ikaw?" Tanong ko. Kristong hari na kasi Meralco Village. Eh kasama kaming choir doon.

"Hindi susunduin ako ni Papa. May bonding kami. Alam na. Pambawi sa hindi niya pagbati nung birthday ko." Broken family sila Jandy at mag-isa na lang na nakatira sakanila kaya ganyan yan. Nagtataka pa nga din ako kung paano siya naiwan ng mga magulang niya mag-isa.

Nanonood kami ng TV ng maramdaman ko ang antok.

"Jandy, pakisara na lang ng ayos yung gate saka pakipatay yung TV kapag umuwi ka na. Inaantok na ako eh."

"Geh alis na din ako." Paalam niya. Tumango na lang ako at natulog sa kwarto ko.

***
"Angel! Huy! Gising na! Andyan na si Rade sa labas. Inaantay ka."

Tumayo ako at kinuha ang tuwalya ko. Nakita ko nga si Riu paglabas ko ng kwarto. Napatingin naman siya sakin.

"Maliligo ka pa lang? Dalian mo ah!" Sabi niya at bumalik sa pakikipag-dota kay kuya.
***

Kasama din naman ang mga magulang ko sa prusisyon pero mas pinili kong sumabay at sumama sa mga ka-choir ko.

Nagnobena muna kami bago kami magsimulang magprusisyon.

Noong una'y hindi pa kami masyadong nagpapansinan ni Riu dahil sila Kuya Mark at Kuya Elbert pa ang kasama niya. Samantalang ako ay sila Tintin at Harvey pa ang kasama ko. Sa unang estasyon kinonsentra ko ang sarili ko sa pagdadasal, pero nasira din agad iyon dahil kay Harvey.

"Ang tangkad mo talaga." Pang-aasar ni Harvey.

"Oo nga eh! Tangkad ko noh?! Grabe!" Pamimilosopo ko at inirapan siya.

"Oy. Pag iyang si Gela tumangkad 'who you?' ka diyan! Diba Gela?" Singit naman nitong si Riu, sabay pumalit o siningitan si Harvey sa pag-akbay sakin o paghawak sa balikat ko.

"Ang ingay ninyo. Wag nga kayong maingay." Saway ko na lang sakanila.

Pagkatapos nun. Buong prusisyon nakaganoon na si Riu sakin. Kapag bibitaw si Riu, papalitan siya ni Harvey. Kapag uupo ako nakabantay sakin o tinatabihan ako.

"Ang gulo ng buhok mo." Sabi niya naman at inatos yung buhok ko pati yung kwelyo at pagkakaayos ng pantalon ko. Hinayaan ko na lang siya. Gusto niya yan eh.

Kaya naman si Harvey

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kaya naman si Harvey......

"Kayo ha. May napapansin ako sainyo, King." Pang-aasar ni Harvey. Sa totoo lang kanina pa yan ganyan. At King talaga ang tawag niya kay Riu.

"Si Kuya yung King, si Ate Gela yung Princess." Kantsyaw naman ng kapatid ni Riu na si Charles.

Teka, Prinsesa lang ako. Hindi Reyna? Okay!

"Oo. Ako yung Prinsesa. Tapos si Joyce yung Reyna." Sali ko naman na bigla akong binatukan ni Riu.

Nakalimutan kong nakaakbay pala itong isang ito -_-#.

"Nakisali ka pa talaga eh noh?" Malaking ngiti at tango lang ang isinagot ko sakanya.

Maya-maya binigyan kami ng choirmaster namin ng tubig. Kaso kulang ng isa kaya nagshare na lang kami ni Riu. Sa totoo lang para kaming magnobyo na dito. Tapos nung napagod ako, umupo ako. Yung parang iskwat ganern. Lunapit agad sakin si Riu.

"Huy, ayos ka lang? Naaano ka ba? Aanuhin kita." Sabi ni Riu dahilan para mapatawa kaming lahat na magkakachoir na pinangunahan ni Harvey.

Ng marealize ni Riu ang sinabi niya hinabol niya agad si Harvey.

Aalis Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon