Chapter 14-Aksidente

10 1 0
                                    

[GELA]

Papauwi na kami galing EK. Tuwang tuwa kong nilalaro yung stuff toy na napanalunan ni Riu sa EK

 Tuwang tuwa kong nilalaro yung stuff toy na napanalunan ni Riu sa EK

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagkakantahan pa nga kami eh.

Maya maya...

"Gela, trust me sa lahat ng sasabihin ko okay?" Bigla niya sabi.

"Huh?" Sabi ko kasi hindi ko talaga gets pero hindi niya ako pinapakinggan.

"Pagkabilang ko ng tatlo. Tumalon ka na palabas ng kotse." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Pero-"

"Trust me, okay? May tiwala ka naman diba?" Tutok na tutok siya sa pagdadrive na sinasabi yan. Hindi na din normal ang bilis ng takbo namin.

"Oo. Pero pwede ba'ng ipaliwanag mo muna sakin yung nangyayari?"

"Wala na akong control sa kotse'ng ito. Kaya please lang Gela. Magtiwala ka na lang."

"Pero paano ka?"

"Magiging maayos ako. Yun lang maipapangako ko sa ngayon."

"Hindi kita iiwan dito!"

"Gela! Kaylangan! So please lang!" Bulyaw niya.

"Riu!"

"Gela!!!" Maawtoridad na sigaw niya.

Pumikit ako at tumango.

"Isa..... Dalawa..... Tatlo! Talon!" At tumalon ako.

Ang sakit ng katawan ko. May mga sugat na din ako sa katawan. Agad kong pinilit na tumayo. Napahinto ako ng marinig ko ang isang pagsabog malapit lang.

Agad akong nagtatatakbo palapit doon.

"Hindi. Riu!" Bago pa ako makalapit isang pagsabog na naman ang nangyari dahilan para mapatalsik ako.

Aalis Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon