[GELA]
Isang buwan at higit na ang ang nakalipas matapos ang mga pangyayaring iyon. Pero hindibpa doon nagtapos ang kamalasan ko.
Flashback........
"Hello Angel! Pwede mo ba akong samahan libutin itong school? Sige na please!" Sabi ng isang babaeng hindi ko naman kilala at bigla na lang sumupot sa kung saan.
"Si-sige." Ano pa nga bang magagawa ko eh hatak hatak na niya ako.
"Bago yun CR muna tayo ah? Tara!" Sabi niya at hinatak ulit ako.
Pagpasok namin. Nagulat ako ng ilock niya ang pintuan at itulak ako dahilan para mapaluhod ako.
"Kawawang Angel. Ngayon wala ng pwedeng magtanggol sayo." Tumayo ako.
Kilala ko ang maarteng boses na iyon. Si Chloe. Inayos ko ang pagkakakawit ng bag ko sakin.
"Ano na naman ba'ng trip mo?" Tanong ko. Pero sampal lang ang sagot niya.
Aray ha! Nagtatanong ako ng maayos dito ah! Ingungod ko kaya siya sa inidoro? Pasalamat talaga itong bruhildang ito at nagtitimpi lang ako.
Panginoon ko naman. Akala ko ba sa mga libro at wattpad lang ito nangyayari? Bakit nagkakatotoo? At sakin pa talaga? Ganon ba talaga ako kamalas?
"How dare you to steal my boyfriend?!" Sigae niya sakin.
Hala! Anong ginawa ko dito? Wala nga akong boyfriend since birth tapos aagawin ko boyfriend niya? Hindi ako desperada at low class girl! Gawa gawa to ng kwento! Writer ba siya?!
Tinignan ko lang siya ng nakakabagot na tingin na nag-aantay ng susunod niyang gagawin.
Mabuti na lang hindi ganito kababa ang mga bullies sa dati ko'ng school. Dapat pala hindi na ako lumipat. Mas matino pa dun eh.
"Alam mo bang dahil sayo naghiwalay kami ni Rade?! Mang-aagaw ng atensyon! Well, nakakapagtaka nga eh. Sayo pa na PANGET! Hindi sporty! Hindi maganda ang hubog ng katawan! Sa tulad mo pa'ng walang kalatoy latoy." Sabi niya habang dinuduro duro pa ako.
At sino siya para husgahan ako?! Hindi ko akalaing naging girlfriend ng bestfriend ko ang ganitong klase ng babae.
"Mahal niya ang badminton. Pero pinagpalit niya ako sa walang kaalam-alam doon. Sa lahat ng pwede sa tulad mo pa! Eeeeeeeeeewwwwww!!!" Sabi niya ta inirapan ako.
"Alam mo bagay sayo? Eto....." hinawakan ako ng mga kasama niya at pinaupo sa sahig.
"Ano ba! Bitawan niyo ako!" Angal ko.
"Shut up!" Malakas na sigaw ni Chloe at punagbabato ako ng itlog.
"Eto pa loser!" Sabi nung isang babae at binuhusan siya ng harina.
"Yan ang nababagay sayong loser ka. Tara na girls." Sabi ni Chloe habang unaalis kasama ang mga kaybigan niya at tumatawa.
Bago pa sila makaalis...
"Chloe." Tawag ko.
Napatigil naman sila.
"Makikita mo kung sino ang tunay na loser." Sabi ko at masamang tumingin sakanya.
End of flashback........
"Angel! Maya maya start na ng competetion ng badminton. Kaya magbihis ka na." Sabi ni Tristan. Oo naging kaybigan ko na siya.
"Oo sige. Salamat. Cheer mo ako ha?" Paalala ko at kinuha ang bag ko sakanya.
"Oo ba! Ikaw pa! Dali na!" Tumango lang ako sa sinabi niya at patakbong pumunta sa CR.
BINABASA MO ANG
Aalis Ka Ba?
RandomAalis ka ba? Kung may tao kang masasaktan sa pag-alis mo? Kung may tao kang pagmumukhaing TANGA? Kung may tao ka lang na paasahin? At kung ayaw mo talaga ang gagawin mo? Pero anong magagawa mo kung kaylangan talaga? Aalis ka pa ba? O susuway sa ut...