[Gela]
Magkasabay kaming pumasok ni Riu. Well, lagi naman. Maaga kaming pumapasok dahil malayo-layo pa ang school namin sa mga bahay namin.
Intrams namin ngayon kaya gagala gala lang ako ngayon diti sa school dahil wala naman akong sinalihan. Samantalang si Riu naman ang pambato ng srction namin sa Badminton. Varsity din pala siya sa Badminton.
Pumasok ako sa classroom namin tutal mamaya pa naman gagamitin ang room namin para sa competetion. Kaya nagbasa na lang ako ng librong regalo sakin ni Riu noong birthday ko.
"Akala mo kung sino eh noh. Kung makalingkis kay Rade wagas." Rinig kong bulungan ng kung sino man sa likod ko. Sikat talaga ang bestfriend ko na iyon. Tignan mo pinag-aagawan siya. Tsk tsk. Nabulag na sila.
"Oo nga. Feeling maganda pa."
"Mas maganda namn si Chloe sakanya eh!"
"Sporty pa!"
"Talented!"
"Matalino!"
"Lahat na!"Edi wow. Edi si Chloe na. Teka nga. Yung yung partner ni Riu sa doubles ah. Kunsabagay, maganda nga yung babaeng yun, aaminin ko.
"Anghel lang yung pangalan, pero demonyita naman talaga. Siya yung tipo ng babaeng kunyari mabait pero nasa loob ang kulo."
Aba! Grabe na itong mga ito ah! Humarapa ako sa mga babaeng kung magbulungan eh wagas. Aba! Makalait itong mga bruhildang ito! Akala ko naman maganda! Harap kaya muna sila sa salamin noh?!
"Excuse me mga Miss. Pero pwedeng pakihinaan ang boses. Nagbabasa kasi ako." Sabi ko at pinakita pa yung binabasa ko. Malumanay pa yung boses ko niyan ah!
"Eh bakit ka kasi dito nagbabasa? Bakit hindi sa library?" Malumanay na sarkastik na sabi nung isang babae. Kalbuhin ko itong babaeng ito eh! Pabebe!
"Eh bakit kasi dito kayi nagchichismisan? Sa pagkakaalam ko ang eskwelahan ay ginawa para matuto ng mga lesson ang mga estudyante, hindi kung paano magchismisan. Isa pa, kilala niyo ba talaga yung taong punagchichismisan niyo? Kung hindi, wala kayong karapatan para pagchismisan siya. Kayo ba ang nagpapalamon at nagpapaaral sakanya? Kayo ba ang bumubuhay sakanya? Sa susunod wag muna kayong manghusga kung ang pinapakita pa lang niya sainyo ay ag pinapakita niya lang sa lahat." Tumayo na ako agad bago pa ako mapaaway doon.
Ang habang speech din nun ah! Bongga ko dun ah! Flip hair!
Umupo ako sa isa sa malapit na bench doon. Kaso habang papunta na ako doon sa bench na nakita ko ay may bumunggo sakin. Ewan ko kung nananadya to o sadyang hindi niya lang ako nakita eh. Ang lakas pagkakabunggo niya sakin eh. Dahilan para mapaupi ako sa mainit na school ground ng school.
Ah! Ang sakit ng bagsak ko siyete kwatro naman oh!
"Oh sorry! I didn't mean it!" Sabi niya. Ewan ko kung guni guni ko lang ba yun o talagang totoo. Dahil yung pagkakasabi niya nun parang may halong kasarkastikahan eh.
Payuko pa lang sana siya para tulungan ako ng may tumawag sakanya.
"Oh sorry! But I really need to go na kasi eh. Hinihintay na ako ni Rade for the doubles. Bye!" Mabilis na sabi niya at nagtatatakbo.
Aba't asar yun ah! Untog ko siya sa pader eh! At oo nga pala! Yung laro ni Riu! Agad kong pinilit na makatayo kahit masakit pa rin yung pagkakabagsak ko at nagmamadaling nagtatatakbo papunta sa court para lang maabutan ang laro ng bestfriend ko.
Pagdating na pagdating ko sa court napanganga ako sa dami ng estudyante. Bakit kanina nung dumaan ako halos walang katao-rao pero may naglalaro naman. At bakit pa kasi dito yung laro ng doubles?! Ang liit kaya ng court na ito! Makakapag-serve kaya ng maayos si Riu? Sanay pa naman yun na matatataas ang tira niya.
BINABASA MO ANG
Aalis Ka Ba?
RandomAalis ka ba? Kung may tao kang masasaktan sa pag-alis mo? Kung may tao kang pagmumukhaing TANGA? Kung may tao ka lang na paasahin? At kung ayaw mo talaga ang gagawin mo? Pero anong magagawa mo kung kaylangan talaga? Aalis ka pa ba? O susuway sa ut...