[Rade]
"Waaaaaah! I love you na talaga Tantan! Ang mahal kaya niting mp3 na ito saka headphone na ito! Ang yaman talaga eh noh?!" Sabi slash sigaw ni Gela.
Psh. Parang yun lang eh. Padalhan ko siya kina Mama at Papa ng ganyan eh. Ang dami dami ko ng tegalo sakanya. May palobo lobo surprise surprsise pa ako sakanya nung birthday niya tapos iyang Tristan na yan mp3 at headphone lang i love you na?! Ano to?! Lokohan?!
Nandidito lang naman kami sa Dance Party echos ng school namin ngayong magpapasko na.
Psh. Ang ganda ganda ng mood ko nung pumasok ako dito. Nasira lang dahil sa ugok na Tristan na yan?! Nakakabv ah! Bugbugin ko yang Tristan na yan eh! Psh!
"Uy Rade! Anyare sa pagmumukha mo diyan? Dance party na dance,party nakabusangot ka. Hula ko. Babae yan noh?! Si Angel ba?" Pang-uusyoso ni Dan isa sa katropa ko.
Hindi ko siya pinansin bahala siya sa buhay niya diyan.
"Tol naman! Ang dami daming babae diyan oh! Kung pinapagselos ka. Pagselosin mo din! Tsk! Mauna na nga ako sayo." Paalam niya.
Tama din yung mokong na yun ah. Magawa nga.
Napatingin ako kay Gela na kasama yung tropa ni Tristan at si Tristan. Simula din kasi ng maging varsity ng badminton si Gela ay naging kilala na din siya sa school. Idagdag mo pa yung legs niyang nakabalandra sa mata ng mga lalaki kapag may laro siya.
Mukha namang masaya siya. Nakalimutan na nga niya yung bestfriend niya dito eh.
Lumapit ako kay Chloe.
"Chloe, may I?" Sabi ko na nakalahad pa ang kamay ko.
"Of course! It's a pleasure!" Magiliw na sagot niya at kinuha ang kamay ko.
Nagsimula kaming sumayaw. Slow dance siyempre. Nakahawak yung isang kamay niya sa kamay kao habang yung isa sa balikat ko. Yung isa ko namang kamay sa bewang niya. Nakita ko namang may kasayaw pa si Gela kaya inilipat ko ang isang kamay ni Chloe sa balikat ko at ang isang kamay ko sa bewang niya. Ngiting ngiti naman si Chloe. Nakita ko namang napatinin si Gela kaya nginitian ko siya pero irap lang ang iginanti sakin at mas lumapit sa kasayaw. Anong- Yung totoo? Babae ba talaga yung bestfriend ko na yun o baka naman nakakain yun ng balot kanina?
Itinigil ko na lang yung sayaw namin ni Chloe. Walang patutunguhan yun. Hinatid ko lang si Chloe sa upuan niya.
"Pwede ko bang isayaw ang bestfriend ko?" Bungad ko kay Gela na na nasa upuan namin at nakabusangot.
"Hindi." Simpleng sagot niya sakin.
Tignan mo itong babaeng ito. Kapag sa iba okay lang. Kapag ako hindi pwede.
"Sorry, pero sa ayaw at sa gusto mo sasayaw tayo." Sabi ko at hinatak siya papuntang dance floor.
Inilagay ko ang kamay niya sa leeg ko at hinawakan ko siya sa bewang at isinayaw siya.
"Wow, tinanong mo pa ako?" Pamimilosopo niya.
"Eh ang daya mo eh. Sa iba okay lang pagdataing sakin hindi? Nasaan ang katarungan?" Pag-iinarte ko.
"Wag kang OA diyan." Saqay niya.
"Tss. Oo na. Halata ko lang ah. Close na kayo nung Tristan na yun." Sabi ko.
"Siya kasi yung kasama ko nung hindi pa ako sumasali sa badminton. Isa pa busy ka nun eh."
Oo nga naging busy na ako. Madalas akong wala sa tabi niya. I'm not worth for her.
BINABASA MO ANG
Aalis Ka Ba?
RandomAalis ka ba? Kung may tao kang masasaktan sa pag-alis mo? Kung may tao kang pagmumukhaing TANGA? Kung may tao ka lang na paasahin? At kung ayaw mo talaga ang gagawin mo? Pero anong magagawa mo kung kaylangan talaga? Aalis ka pa ba? O susuway sa ut...