Chapter 15- END

13 1 0
                                    

[GELA]

Nagising ako sa isang kama. Pero alam kong hindi ko ito kama. Ospital ito. Agad akong napaupo sa kama ng marealize kong nasa ospital ako. Nakita ko sila Mommy at Daddy na lumapit agad sakin. May benda ako sa ulo at braso.

"Mhe, Dad? Anong nangyari?" Tanong ko ng mahalata kong nasa pampublikong ospital kami.

"Naaksidente kayo ni Darrius." Sabi ni Mommy.

Si Riu. Si Riu!

"Si Riu! Asan siya?!" Tumayi agad ako.

Binuksan ko ang kurtina ng katabi ko.

Si Riu! Ang dami niyang sugat! Kung saakin benda lang ang braso mukhang sakanya sementado. May benda din siya sa ulo at may sugat malapit sa mata. Mas malala pa siya.

Natuwa ako ng unti unti niyang buksan ang mata niya.

"Riu!" Masayang sabi ko.

Nagtatakang tingin ang nakita ko kaya natigil ako.

"Riu? Riu ba ang pangalan ko?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

"Darrius Rade V. Acosta umayos ka!" Banta ko sakanya.

"Darrius Rade V. Acosta? Ang pangalan ko?" Tanong niya ulit habang unti unting tumatayo.

"Sino ka ba? Nasaan ang mga magulang ko? Anong nangyari at nandito ako?"

This time hindi na ako nakapagpigil at binatukan siya ng malakas. Kahit pa na may mga sugat siya.

"Ah." Angal niya.

"Riu naman eh! Ang daya daya mo eh! Maayos ka nga wala ka namang maalala! Anong kalokohan to?!" Maktol ko.

Nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Tahan na. Joje ko lang yun eh. Ang sakit nung batok mo ah!" Sabi niya.

Pinalo ko siya sa braso.

"Ah! Wag mo naman akong bugbugin! Saka na kapag gumaling na!" Saway niya.

"Walanghiya ka! Tinakot mo ako!"

"Sorry na!"

"Heh! Lechugas ka!"

Aalis Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon