Limang taon na ang nakakalipas simula ng iwan ni Rade si Angela. Ngayon ay nagtatrabaho na si Angela bilang manager ng isang bangko. Simula ng gabing iyon ay wala na siyang balita kay Rade kahit sa pamilya at kapatid nito.
Habang si Rade naman ay may sarili ng restaurant sa America. Kung dito ay kilala siya sa pagiging goodboy niya. Doon naman ay kilala siya bilang playboy.
[Gela]*kriiiiiing!*
Agad kong sinagit ang tawag.
"Angela! May chika ako sayo!" Tss. Si Jandy lang pala.
"Ano na naman yon?" Tanong ko.
"Si Darrius Rade V. Acosta! Babalik na!" Napatigil ako.
"Oh, tapos? Anong gagawin ko?" Inosenteng tanong ko.
"Angela naman! Galit ka pa din ba kay Rade dahil sa pang-iiwan niya sayo sa ere?"
"Marami pa akong ginagawa Jandelene." Sabi ko at bumalik na sa trabaho matapos ibaba ang tawag.
[Rade]
Ang saya bumalik sa pilipinas! Sa tagal kong nawala sa bansang ito, kulang na lang halikan ko na ang sahig. Kaso alam ko namang ang daming germs niyan kaya wag na.
Hay. Namiss ko ang simpleng bahay namin. Para hindi kayo maguluhan nasa tapat ako ng bahay namin sa pilipinas.
Bumaba ako ng kotse. Oo asensado na. Kotse na ang gamit ko. Nauna na akong umuwi dahil busy pa sila Mama.
Tinignan ko ang bahay nila Gela. Mukhang asensado na din sila. Napagawa na niya ang gusto niyang style ng bahay nila eh.
Nag-doorbell ako sakanila. Sosyal. May doorbell na sila. Dati kahol lang ng aso nila ang doorbell nila eh.
"Ano yon?" Bungad ng mama ni Gela.
"Hello Tita. Si Darrius na po ito. Si Gela po?" Pakilala ko.
"Ay naku Darrius! Ang laki mo na at lalo kang gumwapo! Nasa trabaho pa kasi si Gela eh! Namimiss ka na nga nung batang yun eh!" Sabi ni tita na ikinangiti ko.
Ganon ka pa rin Gela. Hindi marunong magalit.
BINABASA MO ANG
Aalis Ka Ba?
RandomAalis ka ba? Kung may tao kang masasaktan sa pag-alis mo? Kung may tao kang pagmumukhaing TANGA? Kung may tao ka lang na paasahin? At kung ayaw mo talaga ang gagawin mo? Pero anong magagawa mo kung kaylangan talaga? Aalis ka pa ba? O susuway sa ut...