[Gela]
Haaay salamat naman at natapos na din ang trabaho ko! Nagpaalam na ako sa ilang empleyado. Mabuti na rin at ilang araw nang hindi nagpaparamdam yung si Rade. O baka naman umuwi ng America? Hmm. Bahala nga siya. Pero araw araw pa din namang nagpapadala ng chocolates. Trip yata nung pasakitin ang ngipin ko at magkaroon na ako ng diabetese.
Naghalf day lang ako ngayon sa trabaho dahil ilang linggo ding tambak ang trabaho ko. Kaya pupunta na lang sana ako SM North kaso naudlot dahil may pinapadaanan sakin si Mommy sa Peoples Park ng Valenzuela. Ano naman kayang meron dun?
Teka Valentines day na ba? Bakit puro yata couples ang nandidito? Napatingin naman ako sa isang gawi ng Park. May dalawang bata na siguro'y nasa highschool pa lang ang naghaharutan. Naalala ko tuloy si Riu. Teka. Bakit ba siya ang nasa utak ko?
Maya maya may tumunog na slow song na parang pang-slow dance. Tapos yung mga couples tumayo para magslow dance.
Hala. Eh paano ako aalis sa pwesto ko? Naiisip ko kasi eh! Moment moment pa sa gitna ng park na ito eh!
Nagulat ako ng may biglang magsayaw sakin.
"Tristan?" Nangulat ako sa pagdating niya.
"Nakakaawa ka na eh." Sabi niya na naka-smirk pa.
"Savior talaga kita noh?" Tanong ko.
"Oo naman. Kaso hindi talaga ako yun eh. Pansamantala lang talaga ako. Ibabalik na kita sa totoo mong savior. Ibabalik ko na din ang trono niya." Pagjasabi niya nun nagsihawian yung mga tao. Kasabay nun ay ang pagtugtog ng Bestfriend.
(A.N: pakiplay na lang po yung nasa taas na vid. Song lang naman po yan.)
Theme song namin yun simula mga bata pa lang kami. Kasabay ng kantang yun ay ang paglalakad ni Riu palapit samin.
"Ayan na yung original savior at prince mo." Sabi ni Tristan na binitawan ako at umalis.
"Pwede ko ba'ng isayaw ang Prinsesa ko?" Napatingin ako kay Riu at inilagay ang kamay ko sa leeg niya.
"Basta ba hindi ka na ulit mang-iiwan sa ere." Sabi ko.
"Hindi na noh. Double tanga na ako nun." Pinitik ko ang bibig niya.
"Kota na tayo sa pagmumura. Ang sama na nga tabas ng dila natin." Saway ko.
"Sorry. Sorry na din sa-"
"Oo na. Matitiis ko ba ang sweet and caring bestfriend ko?" Sabi ko at pinisil siya sa ilong.
"Hindi na kaya bestfriend. Boyfriend na." Sabi niya. Pinalo ko nga.
"Pwede ba?" Paalam niya at inilabas ang blue bracelet with design na paro paro pa.
"Sayang naman lahat ng efforts mo kung hindi." Sabi ko.
"So tayo na?" Ngiting tanong niya.
Tango lang ang sinagot ko.
Nagtilian naman lahat ng nakapaligid samin. Inakbayan niya ako. Alam niyang ayoko ng PDA eh."Gala tayo?" Tanong niya.
"Geh ba!" Masayang sagot ko.
"Saan mo gusto?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang kotse niya."EK!" Parang batang sabi ko.
"Ek talaga?" Tanong niya. Parang bata ulit akong tumango.
"Sige na nga. Yun ang gusto ng prinsesa ko eh."
BINABASA MO ANG
Aalis Ka Ba?
RandomAalis ka ba? Kung may tao kang masasaktan sa pag-alis mo? Kung may tao kang pagmumukhaing TANGA? Kung may tao ka lang na paasahin? At kung ayaw mo talaga ang gagawin mo? Pero anong magagawa mo kung kaylangan talaga? Aalis ka pa ba? O susuway sa ut...