[Rade]
JS prom na namin ngayon. At siyempre. Sino pa ba ang kadate ko? Edi si Gela. Ang tagal nga nung lumabas eh. Babae nga naman. May naisip na naman tuloy ako.
"Anak, hindi din namin gusto na lumayo kayo sa lugar na kinalakhan ninyo. Pero kapakanan lang naman ninyo ang gusto namin. Gusto na namin kayong makasama."
Mamaya yung flight namin. Napatingin ako sa relo ko.
5 pm. 12 ang flight namin. Napabuntong hininga ako."Riu." Napatingin ako sa tumawag sakin.
Shit. Ang ganda niya ngayon. Ngayon lang. Aish oo na nga. Lagi naman siyang maganda.
"Huy. Hello, Riu."
Napatitig ako sakanya.
"Huy. Alam kong pang-"
"Ang ganda mo."
Napataas siya ng kilay sa sinabi ko.
"Aish. Tara na nga. Ang bagal mo eh." Sabi ko at hinatak siya papasok sa kotse.
Si Papa ang maghahatid samin sa venue. At pagpasok pa lang namin ng venue pagkain agad ang hinahanap ng isang ito. Yun lang naman daw kasi ang ipinunta niya dito. Matapos ng maraming introduction number at kumain, nagsayawan na din kami.
"May isasayaw lang ako." Paalam ko sakanya.
"Sige sulitin mo." Sabi naman niya.
Matapos nun nakita ko'ng may nagsasayaw na din sakanya kaya napanatag din ako na dahil baka wala siyang kasama. Sa totoo nga lang mas marami pa yung sumayaw sakanya kesa sa mga sinayaw ko.
"Haaaay. Ang sakit nang paa ko!" Angal niya sa tabi ko ng makaupo na siya sa tabi ko.
Lumuhod naman ako sa tapat niya at medyo hinililot ang paa niya.
"Sa dami ba naman ng sumayaw sayo." Sabi ko at bumalik sa upuan ko.
"Salamat. Tara kain tayo ng dessert sa bouffet table." Sabi niya at hinatak ako.
Matapos naming lumamon doon ay inaya ko na siyang sumayaw.
[Gela]
Kasayaw ko si Rou ngayon. Actually eto yung talagang iniintay ko.
Nung iikot niya ako, nagulat ako ng sobrang lapit namin sa isa't isa. Tapos nilipat niya yung kamay ko papunta sa leeg niya. Shemay lang! Kinikilig ako!
"Paano kung isang araw mawala na lang ako bigla?" Nagulat ako sa tanong niya.
Bakit ba tanong siya ng tanong ng ganyang tanong? Nangako naman siya diba? Walang iwanan. Pinangako niya yun. Gagawin niya yun diba?
"Ewan ko. Hindi ko din alam ang gagawin ko. Masasaktan? Malulungkot? Maiinis? Ewan." Sagot ko.
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Pero mas nagulat ako ng maramdaman ko siyang umiyak.
"Ri-riu."
"I love you. I love you at alam mong kahit anong mangyari hinding hindi kita makakalimutan. I love you." Bumitaw siya ng yakap.
Hinawakan niya ang pisngi ko. Umiiyak nga siya.
"Sorry. Ayoko di'ng gawin to pero wala akong magawa." Sabi niya at hinalikan ako.
Nagulat ako. Pero mas nagluta ako ng may tumulong luha sa mata ko. Kaya pumikit na lang din ako kahit ramdam kong hindi na magkadikit ang mga labi namin.
Bakit? Anong ibig niyang sabihin sa lahat ng ito? Aalis siya? Bakit? Bakit ayaw niya pa akong deretsuhin? Alam naman niyang maiintindohan ko kung sasabihin lang niya! Mga tangang tao lang ang gumagawa ng nang-iiwan ng walang sabi. Hindi siya yun. Hindi siya ganun.
"Sorry." Napadilat ako ng marinig ang sinabi niyang iyon matapos niyang punasanan ang luha ko.
Nakita ko siyang mabilis na papalabas na ng venue. Kaya tumakbo ako.
"Riu!" Tawag ko sakanya. Pero ayaw niya huminto.
Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Kung bakit ko siya hinahabol. Kung bakit ako umiiyak. Pero kinakabahan ako. Na baka kapag lumabas siya sa pinto ng venue namin. Hindi ko na ulit siya makita. Natatakot ako. Yun. Yun ang nararamdaman ko. Natatakot akong mawala sakin si Riu.
Paglabas ko ng pinto.
Wala siya. Wala na siya. Napaupo na lang ako.
Tinignan ko ang bracelet na binigay niya sakin.
"Ang tanga mo Riu."
Nasabi ko na lang.
BINABASA MO ANG
Aalis Ka Ba?
RandomAalis ka ba? Kung may tao kang masasaktan sa pag-alis mo? Kung may tao kang pagmumukhaing TANGA? Kung may tao ka lang na paasahin? At kung ayaw mo talaga ang gagawin mo? Pero anong magagawa mo kung kaylangan talaga? Aalis ka pa ba? O susuway sa ut...