[Riu]
"Kuya! Gising na! Pasko na uy!" Tumayo naman agad ako ng gisingin ako ng kapatid ko.
Nagulat ako ng paglabas ko ng kwarto......
"Merry Christmas anak!"
"Ma? Pa? Anong ginagawa niyo dito?" Nasabi ko na lang.
"Aba! Edi nagsecelebrate ng pasko kasama ang mga anak namin!" Sabi ni Mama at niyakap ako.
"Eh paano yung mga trabaho ninyo?" Ako na gulat na gulat pa din.
"Anak uso ang salitang leave." Sabi ni Papa.
"Oo nga naman anak! At ikaw bata ka! Tanghali ka na namang nagigising! Isa pa. Hindi ba malapit na ang Prom ninyo? Papalagpasin ko ba naman yun?!" Sabi ni Mama.
Napailing na lang ako. Ang mga magulang ko talaga.
"Ma! Pa! Eh pasalubong ko?" Sabi ni Charles. Nabatukan ko nga.
"Ikaw talaga puro ka pasalubong!" Saway ko na ikinatawa nila Mama at Papa.
****
'Tao po!'
"Ako na magbubukas." Pagprisinta ko.
Boses kasi yun ni Gela eh. Oh diba. Alam na alam ko yung boses niya.
May dala dala siyang mga pagkain.
"Oh. Dati rati ikaw nauunang kumatok samin ah. Baligtad na yata ngayon?" Pang-aasar niya.
"Napuyat ako kagabi eh." Sabi ko at kinuha ang mga dala niya.
"Angela! Naku ang laki mo ng bata ah! Salamat sa pagkain ah! Tara pasok ka muna!" Nagulat naman ako kay Mama ng magsalita sa likod ko.
"Ay Tita! Hello po! Okay na po ako dito. Aantayin ko na lang po yung pinaglagyan ng pagkain." Sabi naman ni Angela.
"Ay naku hindi. Tara dito. Ikaw naman Darrius, ilipat mo na yan sa malinis na lalagyan." Sabi ni Mama at hinatak si Gela papasok ng bahay.
"Hala Tita. Akin talaga lahat yan? Ang dami naman po." Angal ni Gela ng makita ang pasalubong ni Mama sakanya.
"Naku hindi! Okay lang! Nakahalo na din diyan ang sa mga magulang mo at sa kuya mo pero mas marami yung iyo." Sabi ni Mama. Napailing ako.
Ganyan sila Mama. Yung amin nga isang box din ang pasalubong. Nilagay ko na lang sa malinis na lalagyanan yung padala ni Gela.
"Ay naku Angel! Hayaan mo na iyang Tita mo. Alam mo namang gustong gusto niyan ng anak na babae kaya ayan." Sabi ni Papa.
"Naku oo nga Angel! Isa pa sure naman akong kasya sayo itong mga ito at magugustuhan mo. Updated kaya ako sa inyo. Saka ikaw kasi puro ang laman ng timeline ni Darrius. Sa mga pictures ikaw lagi ang kasama. Sa post lagi di'ng dawit ang pangalan mo. Paanong hindi ko din malalaman ang pangyayari sayo?" Sabi ni Mama.
Nahihiyang ngumiti na lang si Gela.
"Naku. Stalker talaga iyang asawa ko. Darrius, buhatin mo na nga itong box na ito. Charles, ikaw naman paglagyan mo din ng pagkain sila Ate Angel mo at ihatid mo sakanila." Utos ni Papa na madalu naming sinunod.
"Naku, salamat po." Pagpapasalamat ni Gela.
"Wala yan ija! Salamat sa pagkain!" Sabi ni MAma bago kami tuluyang umalis.
"Halata namang gustong gusto ka nila Mama at Papa noh?" Sabi ko habang matawa tawa.
"Oo nga." Natatawang sabi din niya.
"Angel! Laro tayo sa labas!" Aya ng isa niyang pinsan. Maraming bisita sakanila kapag pasko eh. Mala-reunion ng pamilya nila tuwing pasko.
"Maya na! Init init eh!" Angal niya.
BINABASA MO ANG
Aalis Ka Ba?
RandomAalis ka ba? Kung may tao kang masasaktan sa pag-alis mo? Kung may tao kang pagmumukhaing TANGA? Kung may tao ka lang na paasahin? At kung ayaw mo talaga ang gagawin mo? Pero anong magagawa mo kung kaylangan talaga? Aalis ka pa ba? O susuway sa ut...