Chapter 2

79 8 2
                                    

(Agatha's P.O.V)

"Tiyo tama na ho. Maawa ho kayo sakin." Marahas niyang pinunit ang aking panty.

"Tiyo itigil niyo na ho ito." Para siyang demonyong nagbibingibingihan.

Hindi niya ininda ang iyak at pagmamakaawa ko.

Bigla niya akong itinulak sa kama. Tinakpan ko ang aking hubad na katawan ng kumot na nasa tabi ko.

Matalim ako nitong tinitigan habang hinuhubad niya ang kanyang salawal sa aking harapan. 

"Parang awa niyo na itigil niyo na ito." Sinugod ako nito sa kama. Sinabunutan niya ang aking buhok kaya napatingala ako sa sakit.

Dinilaan niya ang aking leeg pababa sa aking dibdib. Kinapa niya ang aking kaselanan. At nilaro ito.

Kailangan ko siyang pigilan. Ayoko ng ginagawa niya. Binababoy niya ako.

Buong pwersa ko siyang itinulak kaya nalaglag siya sa kama.

Mabilis akong tumayo at tumakbo patungong pinto. Ngunit nahuli na ako at naabutan niya ang aking kaliwang paa. Hinila niya iyon na dahilan upang mapasubsob ako sa sahig.

Itinayo niya ako sa pamamagitan ng pagsabunot sa aking buhok.

"Yan ang gusto ko. Palaban." Marahas ako nitong hinalikan. Nagpupumiglas ako ng bigla na lamang niya akong sikmuran. Sa sobrang lakas ay napaubo ako ng dugo.

Ibimalibag niya ako sa kama. Nauntog ang aking ulo sa headboard. Nahilo ako. Nanlabo ang aking paningin.

Pinatungan niya ako at doon na marahas na pinaghimasukan.

Ang sakit. Sobrang sakit.

Parang may kung anong pinunit sa aking ibaba.

Virgin pa ako.  Labing walong taon pa lang ako. Inosente sa mga gantong bagay. Ni hindi pa ako nagkanobyo.

Lalo akong napaiyak.

Ngunit lakasan ko man ang aking pagiyak, wala namang makakarinig. Magmakaawa man ako, hindi na niya ako papakinggan.

Ba't ginawa sakin ito ni tiyo. Pamangkin niya ako. Kapatid siya ng yumao kong nanay.

Bakit? Bakit?

Buong gabi nagpakasasa si tiyo sa aking katawan. Halos hindi na ako makatayo sa pagod, sa sobrang sakit.

"Tiyo tama na ho. Tama na ho." Buong lakas na pagsambit ko sa kabila ng pagkapaos ng aking boses.

"Subukan mong magsumbong." Sinakal niya ang aking leeg. "Papatayin kita." Bago niya ako panghimasukan muli.

~~

Nagising ako sa gitna ng gabi. Hingal akong umupo sa aking kama habang pinupunasan ang butil butil na pawis na namuo sa aking noo.

Simula nung araw na makalabas ako sa shelter. Gabi gabi na akong binabagabag ng bagungot na ito.

Ang demonyo kong tiyuhin.

Hayup siya. Putang ina niya.

Siya ang unang sumira sa pagkatao ko.

Siya ang unang lalaking bumaboy sa pagkababae ko.

Simula ng tumira ako sa pamilya niya, wala akong maisip na kahit anong masamang dahilan o bagay na nagawa ko para babuyin niya ako ng ganun.

Bulok na utak ang meron siya. Walang pusong damdamin ang tinataglay niya.

Ang dapat sa kanya ay mamatay. At pagbayaran sa impyerno ang kahayupang ginawa niya sakin.

Sabi ng iba, hayaan na ang diyos ang magparusa sa mga makasalanan.

Ngunit nasan siya ngayon? Nasaan ang diyos na pinaglingkuran at minahal ko buong buhay sa kabila ng mga mabibigat na pagsubok na inatas niya sakin.

Nasaan na siya? Nasaan na ang mga makakasalanang tao na lumantari sa akin? Naparusahan na ba sila? Nagbabayad na ba sila sa kanilang kasalanan? Sa tingin ko'y hindi. Siguro nga'y mahimbing pa sa aso ang tulog ng mga iyon.

Kaya nasan ang diyos na sinasabi nila? Nasan siya? Nasan ang diyos na sinasabing tagapagligtas ng lahat?

Hindi ko na ata kayang magtiwala pa sa kanya. Hindi siya totoo. Hindi totoo ang diyos. Kathang isip lamang siya ng mga tao. Sana kung totoo man siya, pinatay niya lang din sana ako kasama ng aking mga magulang.

Ba't hindi nga ba ako mamatay matay sa kabila ng napakaraming banta sa aking buhay. Magpakamatay man din ako ay hindi rin natutuloy.

Siguro may kailangan pa akong gawin.

Ako na ang gagawa ng paraan para maipaghiganti ko ang aking sarili. Upang magbayad lahat ng Putang inang demonyo sumira sa akin. Sumira sa lahat ng magagandang plano at pangarap ko sa buhay.

Patay na si Agatha. Si Agathang mahal ang diyos. Mabait at maunawain sa kanino man. Mahina at palaging takot.  Mapagmahal at hindi kayang manakit ng kapwa.

Ako na ngayon si Agatha. Si Agathang pagbabayarin lahat ng siraulong sumira sakin. Maghihiganti sa kahit na anong paraan. At hindi ako titigil hangga't hindi ko nasisira ang mga buhay nila ng higit pa sa ginawa nila sakin.

Wala na akong sasambin. Wala akong sasantuhin.

Sisiguraduhin kong sama sama kaming mamatay sa apoy ng impyerno.

Tumayo na ako ng kama. Nagbihis at sandaling napahinto sa harap ng salamin.

"Kundi ako kikilos, kailan pa?" Iniayos ko ang aking jacket. "Kailangan ngayon na." Iniabot ko ang sombrero sa ibabaw ng aparador.

Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader, sa itaas ng aking kama.

11:30 pm

Napangiti ako.

Binuksan ko ang aking aparador. Lalong lumawak ang aking ngiti ng matanaw ng aking mga mata ang mga litratong nakadikit sa likod ng pinto ng aparador. Hinipo ko ang mga iyon.

"Magdiwang na kayo habang wala pa ako. Dahil sisiguraduhin kong wala akong ititirang humihinga ni isa sa inyo." Huminto ang aking mata sa litrato ng aking tiyuhin. "Uunahin na kita."

***

to be continued..............

I Drag you to HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon