Epilogue

83 8 5
                                    


Maghiganti ay isang kasalanan.

Kasalanang walang katiyakan kung ano ang magiging kaparusahan.

Kasalanang buhay ka pa ay pinapatay ka ng mapanghusgang mundo.

Ngunit ano nga bang alam nila?

Naranasan na ba nilang mawalan ng pamilya? Lokohin ng mahal sa buhay? Mabuhay magisa?

Mawalan ng puri? Saktan? Bugbugin? Molestyahin? Wasakin? Babuyin? Duraan? Sipain? Ikadena? Ikulong na parang aso? At halos patayin?

Naranasan ba nila lahat ng yan?

Lahat ng yan na pinagdaanan ko?

Hindi.

Sa tingin ko'y hindi, kaya ganoon na lamang silang manghusga.

Oo. Inaamin ko. Minsan akong naging kriminal, demonyo, walang hiya, mamamatay tao.

Pero pinagtanggol ko lamang ang aking sarili.

Ang sarili kong lugmok, bulok at wala ng nararamdamang pagmamahal.

At alam kong sa kahit na sinong tao ay maranasan kung anong dinanas ko ay tiyak na dadapo sa inyong isipan ang paghihiganti.

Ngunit, Bakit hindi ko na nga lang ba ipanagpasadiyos ang lahat? Gaya ng ginagawa ng karamihan.

Na wala namang napapala sa bandang huli.

Sa huli ay talo parin sila, at mangingibabaw parin ang kasamaan.

Ngunit hindi habang buhay ay mabubuhay na lamang ako sa himutok at galit.

May panahon ng pagsisisi.

Panahon ng pagbabago.

Panahon pagpapatawad.

Sa loob ng 45 years kong inilagi sa kulungan.

Marami akong natutunan.

Marami akong nalaman at nadiskubre.

At nang makalaya ako, sa iisang lugar lamang ako dinala ng aking mga paa.

"Sister Aga." Nilingon ko si Sister Ysa. Ngumiti ako sa kanya.

"Naistorbo ko ba ang pagmumuni muni mo." Umiling ako.

"Hindi naman. Bakit?" Lumapit ito ng tuluyan sa akin.

"Pinapatawag na tayong lahat. Nandyan na raw ang bagong pari at lider ng ating parokya."

"Talaga ba?" Tumango ito sakin.

"O' sige tara na. Baka tayo na naman ang huli roon." Magkahawak kamay kaming tinungo ang isang silid.

Marahan naming binuksan ang pinto.

"Nandito na pala si Sister Aga at Sister Ysa." Bungad samin ni Mother Jess.

"Ipinapakilala ko sa inyong dalawa si Father Lucas Antonio." Nanlaki ang aking mga mata ng makita siya.

Wala parin siyang pinagkaiba. Gwapo at matipuno parin kahit may katandaan na.

"Magandang araw sa inyo Sister Ysa, Sister Aga." Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya.

"Natupad na pala ang matagal mong pangarap Sister Agatha." Sa tingin ko ay nakakunot ang mga noo nilang lahat sa sinabi nitong si Luke este Father Lucas.

Habang ako ay nakanganga parin sa gulat.

"Bagay sayo ang iyong kasuotan at belo." Dagdag ulit nito.

"Ah... ehh.. Ikaw rin?" Napatawa siya ng bahagya sa naging sagot ko na mukhang naging patanong pa.

"By the way. Godbless you. May Godbless us everyday." Sabi nito habang gumuhit ng krus sa hangin.

Lahat naman kami'y yumuko at nagsign of the cross.

_THE END

***

Mula sa aking puso, lubos po akong nagpapasalamat sa inyong pagsubaybay sa kahindik-hindik na kwento ng I Drag you to Hell.

Iniimbitahan ko po kayong dalawin ang aking wattpad profile para sa iba ko pang mga kwento:

TROUBLEMAKERS (Teen Fiction)

GANG SUPERIOR (Book 2 of Troublemakers under Teen Fiction)

BRGY. KALIBUGAN SERIES:
CHASING ADONIS

NO ONE CAN ESCAPE (Horror/Cannibalism)

Muli maraming salamat.

Spread love and Godbless.

_MissParanotic

2016
All rights reserved.

I Drag you to HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon