(Agatha's P.O.V)
"Agatha. Malinis ang paligid. Aso lang ata ang nakita mo kanina." Napalingon ako sa may pintuan kung saan naroon ang hingal na hingal na si Jake.
Umalis ako sa pagkakaupo kay Ping. Kinalagan ko ang tali niya.
"Makakaalis ka na." Walang gana kong sabi rito.
Natulala lang ito at hindi parin umaalis sa kinakaupuan niya.
"Tumakbo ka na. Bilisan mo." Sigaw ko. Mukha naman nagising ko siya at nagkadapa dapa na siya sa pagtakbo.
Nang makalabas na siya sa klinika tumingin ako kay Jake. "Habulin mo. At patayin mo."
Binalikan ko ang bag at dinapot iyon. Itinaktak ko ang mga gamit sa harapan ng natitirang buhay.
"Kayo rin ba ang mga tauhang kasama ni Bernadong pasukin ang bahay namin at patayin ang mga magulang ko?" Tanong ko sa kanya.
"Si Ping ang kasama ni Don Antonio nung mga panahon na iyon." Sagot niya. Dinampot ko ang dalawang maliit na balisong.
"May ideya ka ba kung nasaan si Bernado ngayon?" Tanong kong muli.
"Ang alam ko ay nasa Macau siya ngayon ngunit uuwi rin sa susunod na linggo." Lumapit ako sa kanya.
Itinarak ko ang dalawang balisong sa magkabila niyang mata.
"Salamat sa impormasyon." Sinuntok ko siya leeg ng tatlong beses. Sinakto sa palapulsuhan para mabilis ang pagkawala ng kanyang hininga.
Napaupo ako. Nanlumo.
Bakit sa kabila ng lahat ng ginawa ko, hindi ko parin magawang maging masaya.
"Agatha. Nagawa ko na ang pinagagawa mo." Tumayo ako at lumapit kay Jake. Yumakap ako sa kanya. Niyakap naman ako nito pabalik.
"Ok ka lang?" Hinawakan niya ang mukha ko. Tumango lang ako bilang sagot.
Pagtititigan namin ay nauwi sa paghahalikan.
Dahan dahan kong kinapa at binunot ang baril sa kanyang bulsa. Itinutok ko iyon sa kanyang tiyan ng hindi niya nararamdaman.
Huminga ako ng malalim bago ko iputok iyon ng tatlong beses. Lumagapak naman ang katawan nito sa lupa.
Nagsimula na akong kumilos. Binuhat ko ang galong galong gasolina at ibinuhos iyon palibot sa lugar.
Nagbukas ako ng yosi. Sandaling hinithit iyon at itinapon. Nagsimulang magliyab ang paligid. Unti unting nilalamon ng apoy ang mga katawan nila.
Siguradong matutuwa si satanas sa mga bisita niyang baba sa impyerno. May kasama na siyang kapwa niya demonyo.
Umalis na ako sa lugar bago pa lumaki ang apoy.
Pasadong alasingko ng madaling araw ay nakauwi na ako sa bahay ni Tiya.
Tulog pa silang lahat.
Naligo muna ako at nagbihis. Inilagay ko sa isang itim na plastic bag ang marumi at duguan kong damit.
Lumabas muli ako para itapon iyon sa mas malaking basurahan.
Pumasok muli ako ng bahay. Tinungo ko ang kwarto kung nasan naroon si Cherry.
Mahimbing parin ang pagtulog nito. Tumabi ako sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo. Bago ako nilamon ng antok.
"Ate Agatha. Ate Agatha." Naalimpungatan ako sa makulit na tinig ni Cherry.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Ano yun Cherry?"
"May pogi pong lalaki nagaantay sa inyo sa baba." Napabangon ako.
"Huh? Sino?" Hindi kaya si...
"Felix po." Nangunot ang aking noo.
Felix? Wala akong kilalang Felix.
"O' sige paki sabi baba na ako." Agad namang sumunod si Cherry. Patalon talon pa itong lumabas ng kwarto.
Bumangon na ako ng tuluyan. Pumunta ng banyo upang makapaghilamos at magtoothbrush. Iniayos ko rin ang suot kong damit.
Matapos nun ay bumaba na ako ng hagdan. Sinilip ko muna ng bahagya kung sino talaga ang Felix na yun.
"Ito na pala siya." Tss. Si Ate apple talaga ang bilis ng mata ni hindi ko pa nga nasusulyapan yung lalaki eh.
Tuluyan na lang akong bumaba at hinarap yung Felix.
"Felix. Felix Arcega." Iniabot nito ang kamay sakin. "Kaibigan ako ni Luke. Si Lucas Antonio. Kasamahan niya ako sa seminaryo." Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya.
"Ah yung magpaparing manliligaw ni Agatha." Tiningnan ko ng masama si Ate apple.
"Pwede ba kitang makausap?" Napatingin muli ako kay Felix.
"Ay bakit siya lang. Maganda rin naman ako ah." Hinampas na ni tiya sa pwit si Ate apple.
"Tungkol saan?" Tanong ko rito.
"Tungkol kay Luke." Ayaw ko man ay pagbibigyan ko na. Sayang rin naman ang pagod nitong tao sa pagpunta niya rito.
"Sige. Dun tayo." Nagpunta kami sa likod bahay. Kung saan merong maliit na sala.
"Ano nga pala ang tungkol kay Luke?" Tanong ko ng makaupo na kami.
"Alam mo naman kung gaano ka kamahal ng kaibigan ko kaya nung iniwan mo siya labis siyang nasaktan." Susumbatan ba ako ng isang ito.
"Pero kung ano man ang naging dahilan, labas na ako roon. Agad akong nagtungo rito ng malaman kong narito ka. Ipinaparating ni Luke na rerespituhin niya ang naging desisyon mo." Ngumiti siya. "May sulat siya para sayo. Gustuhin man niyang iabot sayo ng personal ay baka iwasan mo lang siya. Kaya ako na lang."
Iniabot niya sakin ang puting sobre.
"Yun lang ang sinadya ko rito. Magpapaalam narin sana ako." Tumayo na siya kaya tumayo narin ako.
"Sige." Umalis na ito. Narinig ko pa siyang nagpaalam siya kela tiya.
Pinuntahan naman ako ni Ate apple. "Ikaw ha. Bakit ba lapitin ka ng mga magpapari." Sinundot pa nito ang tagiliran ko.
Matamlay ko siyang nginitian. "Kaibigan siya ni Luke."
"Eh ba't hindi mo man lang pinakilala?" Hinawakan ko siya sa kamay.
"Maghulos dili ka magpapari din yung tao." Ngumuso siya na parang bata.
"Wag ka magalala. Darating din ang lalaking magaalalaga at magmamahal sayo ng totoo." Niyakap niya ako. "Sana nga."
"Pumasok na tayo sa loob." Pagyaya ko sa kanya na ikanatango niya bilang sagot.
Pagpasok namin sa loob ng bahay nadatnan namin si tiya at Cherry na nanonood ng paborito niyang cartoon show.
"Ate apple, Ate agatha nuod po tayo." Agad namang umupo si Ate apple sa tabi nito at dumakot ng chichitrya.
"Saglit lang ha. May gagawin lang ako." Kailangan ko ng mabasa ang nilalaman ng sulat. Baka aaminin na ni Lucas ang katarantaduhan nilang magama.
Baka may kinalaman rin siya sa pagpatay ng mga magulang ko.
Pagnagkataon ay hindi ko sila mapapatawad.
***
To be continued..................
BINABASA MO ANG
I Drag you to Hell
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] Tunghayan ang paghihiganti ng isang dalagitang nilapastangan, binaboy, at sinira ang buong pagkatao ng grupo ng kalalakihang halang ang mga kaluluwa. Sisiguraduhin niyang sama-sama silang mamamatay sa apoy ng impyerno. *** Langu...