Chapter 18

27 8 7
                                    

(Agatha's P.O.V)

Desperado na ako.

Hindi ko man kilala ang tumawag sakin kagabi pero nararamdaman kong nagsasabi siya ng totoo.

Boses ng babae ang bumungad sakin sa tawag. Ni hindi man lamang siya nagpakilala, pero agad niyang sinabi sakin ang address ng pagtutuusan namin ni Antonio.

Excited na ako.

Gigil na akong kitilin ang buhay niya. Gaya ng ginawa niya sa nanay at tatay ko.

Pero meron parin sa loob ko ang pagdududa na baka siniset-up lang ako. Pero bakit nga ba matatakot pa ako. Patayin nila ako kung gusto nila. Hindi ako papalag. Basta ba kasama kong mamamatay si Antonio.

Bumugtong hininga muna ako bago magdoorbell sa harap ng kulay berdeng gate.

Muli akong tumingin sa papel na pinagsulatan ko ng nasabing address.

Tama ako. Ito na nga ang bahay na tinutukoy ng tinawagan ko kagabi.

Pinagbuksan ako ng lalaking nakaitim. Malaki ang pangangatawan at napakatangkad.

"Ikaw ba si Agatha?" Tanong nito sakin.

Tango na lamang ang isinagot ko rito.

"Tuloy ka. Sumunod ka sakin." Sinunod ko naman siya.

Pumasok kami sa loob ng bahay.

Bahay na walang kagamit gamit.

Ang weird.

Mula doon bumungad sakin ang isang lalaking nakaupo sa silya habang nakatali ang mga kamay at paa.

Madumi siya. Puno ng sari saring dugo, pasa, sugat at pawis ang mababakas sa kanyang katawan.

Ngunit kahit na ganoon.

Kilalang kilala ko parin ang lalaking ito.

Hindi ko siya pwedeng malimutan.

"Antonio. Leonardo Antonio." Umangat ang ulo ng lalaki at tumingin sa akin.

Bahagya siyang ngumisi.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Nabuhay ka pala." Sabi nito.

Naiyukom ko ang aking palad. Pilit na pinipigil ang naguumpaw kong galit. "Oo. Kasi papatayin pa kita."

"Just take it slow, Agatha." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Nang makita ko ang babaeng nagsalita.

"Lovely?" Ngumiti ito sakin.

"Im very glad you take my invitation, and also the opportunity." Nilapitan ako nito at bineso. "Napakaganda mo parin kaya pala baliw na baliw parin ang kapatid kong si Lucas sayo."

Nakakunot parin ang noo ko.

Tila ba nagsisink in parin ang mga pangyayari.

Si Lovely binihag ang sarili niyang ama?

Pero bakit? Anong dahilan?

Gimik lang ba ito?

"Bakit mo binihag ang sariling mo tatay?" Sa wakas ay lumabas narin sa aking bibig ang isa sa napakaraming katanungan na tumatakbo ngayon sa isip ko.

Lumayo si Lovely sakin. Kinuha ang baso mula sa maliit na mesa ro'n na sa tingin ko ay alak ang laman. Inabutan rin siya ng lalaki kanina, ng isa pang baso at bote ng alak.

"Sinong tatay? Yan." Sabay tingin niya kay Antonio. "Ano ka ba. Wala akong tatay na demonyo."

Wala na talaga akong maintindihan.

"Pasensya na. Magulo ba masyado?" Tumango ako sa kanya.

"Don't worry ieexplain ko." Inabutan ako nito ng baso. Sinalinan niya iyon ng alak.

"That demon was never be my father." Pagsisimula niya. "Namatay ang biological father namin ni Luke nung seven ako. At nung mga panahon yun malungot si mama kaya pinatos niya pati ang pulubi naming hardinero na nagngangalang... Leornado Vecuso Antonio." Tinampuan ni Lovely ng masamang si Antonio.

"My mom was obsessed with him. Hindi ko alam kung bakit, siguro ay ginamitan ng matinding gayuma ng hayup na 'to. Kahit kasi apelyido namin pinapalitan. Kahit anong sabihin nitong unggoy kay mommy ay siyang masusunod." Napainom ako sa aking mga nalalaman.

"At alam mo ba may natuklasan ako. Alam mo kung ano yun?" Umiling ako. Grabe. Hindi ako makapagsalita sa mga nangayayari.

"Umupo na muna tayo. Mangangamote na yung paa ko eh." Sinenyasan nito ang isang tauhan at agad na naglabas ng dalawang silya.

Umupo na kami at ipinagpatuloy na niya ang pagkukwento.

"Patay na patay pala itong si damuho sa nanay mo." Parang nagsisimula ko ng maintindinhan ang lahat.

"Ang kaso natalo sa ligawan ng papa mo itong loko kaya ayun, nagtanim ng galit ang putang yan. At ngayong may pera na siya dahil sa amin ay gumamit na siya ng dahas. Pinilit niyang inagaw ang nanay mo sa iyong papa. Pero ganun lang ba yun, syempre hindi. Nagmamahalan ang mga magulang mo eh, ang sakanya naman ay kabaliwan lang. Kaya hindi niya ito nagpahiwalay." Napatango tango ako.

"Nalamam ng mommy ang kalokohan niya, kaya nagalit ito at nagselos. Alam mo kung anong nangyari?" Umiling muli ako.

"Pinatay niya ang mommy." Napansin ko ang naluluha niyang mga mata. "Kasabay nun ay ang pagpatay niya rin sa mga magulang mo."  Marahil ay naluluha narin ako.

"At ngayon ikaw naman ang binabalak niyang patayin. Akalain mong dahil lang sa kabaliwan niya mandadamay siya ng madaming tao. Papayag ka bang palagpasin iyon?" Mariin muli akong umiling.

"Alam ko kung anong ginawa niya sayo. Ganun rin kasi ang ginawa siya akin." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Nirape, binaboy, sinira at winasak niya ako, gaya sayo." Napainom siya ng alak bago tuluyang magsipatakan ang luha niya.

"Nalaman niya kasi na nakita ko kung paano niya pinatay ang mommy. Ngunit gaya mo rin, hindi siya nagtagumpay patayin ako. Kaya heto, naghihiganti ako. At hindi ako makasariling tao. I want to share it with you." Muling sinenyasan niya ang tauhan at inilahad ang kamay rito. Ibinigay naman sa kanya ang baril na iniabot niya sakin.

"The last bullet is save just for you." Kinindatan ako nito. Bago ulit tinungga ang alak sa baso.

"Go on. Im just watching." Inubos ko muna ang alak sa aking baso. Bago ako tumayo at nilapitan si Antonio.

Nagtitigan muna kami ng matagal.

"Any last words?" Sabi ko.

"Panalo parin ako." Ngumisi ito.

Napailing na lamang ako.

"Gusto mo linisan na muna natin yang mga sugat mo?" Nagunot ang kanyang noo. "Wait lang."

Tumakbo ako patungong kusina. Binuksan lahat ng cabinet do'n.

Tsk. Wala man lang kahit ano.

Sinunod ko naman ang Cr.

Ayun. Sakto.

Bumalik muli ako kay Antonio.

"Wala akong makitang kahit ano. Ok na naman siguro ito." Sabay buhos ko sa kanya ng muriatic acid.

"Ahhh." Sigaw nito. Nangisay ito sa sobrang sakit.

Kinasa ko na ang baril at ipinutok iyon sa dibdib niya.

Narinig ko ang palapak ni Lovely. 

"Mission accomplish."

Biglang may malakas na tunog mula labas.

Sirena ng pulis.

"What the hell is that." Sigaw ni Lovely sa kanyang mga tauhan.

Nilusob kami ng mga pulis.

Natulala ako. Hindi ako nakagalaw.

Hangga't sa naramdaman ko na ang pagposas sakin. At dinala kami sa loob ng police car.

***

To be continued.................

I Drag you to HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon