Chapter 6

46 9 3
                                    

(Luke's P.O.V)

"Agatha mahal kita matagal na." Tss. Ang panget. Ibahin natin.

"Agatha matagal na kitang iniibig sana ako'y iniibig mo rin." Pssh. Dinaig ko pa ata si Florante sa linyang yan.

"Agatha I love you. You the reason why im breathing, your the reason why my heart is beating." Tsk. Baduy.

"Sir. Ayus lang ho ba kayo." Napatingin ako sa janitor sa aking gilid.

"Pasensya na. Nageensayo lang ako kung anong sasabihin ko sa kanya." Napakamot ako sa aking batok.

"At dito mo pa napiling magensayo sa banyo sir?" Napatawa ito. "Dibale. Madali lang solusyunan yang problema niyo. Basta sabihin mo lang sa kanya ang nilalaman ng iyong puso." Tinapik ako nito sa balikat saka ipinagpatuloy ang pagmamamop.

Tama nga naman itong si Manong janitor. Ang mahalaga parin ang pagtatapat na galing sa puso.

"Manong salamat ha." Ngumiti ito at tinapik muli ang aking balikat. "Walang problema sir."

Pagkalabas ko ng restroom natanaw ko kagad si Agatha Kinukuha siguro ng waiter ang order niya.

"Luke inorder na kita ah." bungad nito sakin.

"Oo sige." Umupo na ako.

"Ano nga pala yung sasabihin mo sakin?" Natigilan akong bigla. Shet. Kinakabahan ako.

Kaya mo yan Luke. Kailangan galing sa puso.

"Wag mong sabihing may gusto ka sakin?" Napatingin ako sa kanya. Hindi rin ako nakasagot sa tanong niya.

"Luke hindi pwede." Agad kong hinawakan ang mga kamay niya.

"Dahil ba magpapari ako? Ititigil ko ito. Hindi naman ito ang gusto ko eh. Kaya ko lang naman pinasok ang bokasyon na ito dahil gusto kong mapalapit sayo." Hinawakan rin nito ang mga kamay ko.

"Hindi tayo bagay." Napabitaw ako sa mga kamay niya. "Sira na ako. Madumi na ako. Hindi na ako yung Agathang kilala mo."

"I don't care Agatha. Mahal kita. Tanggap ko kung ano ka. Kung ano man ang nangyari sayo, tanggap ko lahat iyon. Agatha bigyan mo naman ako ng pagkakataon." Hinawakan kong muli ang kanyang mga kamay at hinalikan ang likod ng kanyang palad.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Luke. Nabubulag ka ng pagibig. Gumising ka. Hindi ako ang babaeng para sayo." Malakas kong hinampas ang mesa. Napaiktad siya sa gulat. Maging ang ibang taong naroroon.

"Ano bang alam kung sino ang babaeng para sakin? Ako lang ang makakapagdesisyon sa bagay na yan. At ikaw ang gusto ko. Ikaw ang babaeng para sakin." Inihilamos ko ang aking palad sa aking mukha.

"Huminahon ka Lucas. Huminahon ka." Sinunod ko naman siya.

"Agatha. Mahal kita. Sobra sobra. Sinubukan kong ibaling ito sa iba pero sayo parin ako nauuwi. Bigyan mo naman sana ako ng pagkakataon. Kahit tatlong araw lang. Sumama ka sakin sa ilocos. Papatunayan ko yung pagibig na meron ako sayo." Naluluha na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag tanggihan niya ako.

Matagal na katahimikan hangga't nagsalita si Agatha.

"Sige. Tatlong araw sasama ako." Napatayo ako at napatalon sa sobrang tuwa.

~~

(Agatha's P.O.V)

Hindi ako makapaniwalang may lalaking magmamahal sakin sa kabila ng lahat.

At napakaswerte ko dahil yung lalaking mahal ko ay mahal rin ako.

Oo. Mahal ko si Luke. Mahal na mahal ko siya. Bata pa lang kami nararamdaman ko na iyon.

I Drag you to HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon