Chapter 14

48 8 5
                                    

(Aling Ely's P.O.V)

Nagaalala ako kay Agatha, marahil ay hindi ko siya pamangkin sa dugo mahal ko na siya bilang anak ko.

Naging malapit kami ng nanay niyang si Natalia. Napakabait niyang tao. Maliban dun ay napakaganda pa, magkamukhang magkamukha sila ni Agatha.

Kaya kahit may magasawa na sila ni Alfredo ay di parin magkamaliw ang mga kalalakihan sa alindog niya.

Na sa tingin ko ay naging dahilan para matapos ang buhay nilang magasawa. Sa hindi sinasadyang pagkakataon kasali ako sa dahilan na iyon.

Pinagsisisihan ko na iyon. Handa akong pagbayaran anuman ang magiging kapalit.

"Elena. Elena ang pangalan mo hindi ba?" Tumango ako at muling yumuko.

"Salamat saiyo. Pinadali mo ang mga plano ko." Paroon at parito ang lakad ni Don Antonio. Nakikita ko sa kilos ng kanyang mga paa.

"Wag ka magalala. Walang ibang makakaalam nito. Bonus pa ang malaking bayad na matatanggap mo basta sundin mo lang ang mga sinabi ko." Iniabot na sa akin ni Don Antonio ang pera. 

Nagpaalam na ako at umalis.

Alam kong mali itong ginagawa ko ngunit nagipit na ako sa sitwasyon.

Aksidente kasing narinig ko ang usapan sa pagitan ni Don Antonio at ng tauhan niya. Plano nilang patayin ang buong maganak ni Natalia. Hindi ko alam kung ano ang dahilan at bakit nila gagawin ang krimen na iyon. 

Nahuli nila ako, at binigyan ng opsyon. Ang mamatay o tulungan ko sila sa kanilang masamang plano kapalit ng malaking halaga.

Wala na ako choice kundi ang piliin ang pangalawa.

Kailangan ko rin ng pera para maitakas ko ang aking mga anak sa kamay ng hayup kong asawa na si Pablo. Dadalhin ko sila patungong pangasinan, saking mga magulang. Kung saan ligtas sila.

Dali dali kong tinungo ang bahay nila Natalia. Nakabakasyon kasi kaming magiina rito sakanila, dito sa Ilocos.

Sinalubong ako ni Alfredo.

"O' bakit namumutla ka?" Ngumiti ako ng pilit.

"Hiningal lang siguro, galing kasi akong pera padala, nagpadala ang inang sakin para makauwi na kami ng maynila." Hinigop nito ang hawak na kape.

"Oo nga pala bago ko malimutan, Nakasalubong ko si Don Antonio, Pinapasabi niya na pinapatawag niya kayong magasawa sa hacienda doon daw sa malapit sa kulungan ng mga kabayo." Nangunot ang kanyang mga noo.

"Bakit daw? Gabi na ah." Yumuko ako bago sumagot.

"Hindi ko nga rin alam eh. Walang nabanggit." Mariin akong pumikit bago ulit tumingin sa kanya.

"Ah ganun ba. Sige pupuntahan na lamang namin. Ikaw na bahala kay Agatha ha." Tumango ako atsaka ngumiti.

Tinungo ko ang kwarto kung saan mahimbing na natutulog si Agatha. Tinabihan ko siya at hinalikan sa noo. 

Mapatawad nawa niya ako sa aking ginawa.

Pumasok si Natalia sa kwarto.

"Pinapatawag pala kaming magasawa ni Don Antonio. Ikaw na muna ang bahala kay Agatha." Tumango ako at nginitian siya.

"Kayong magasawa, masyado kayong nagaalala dito kay Agatha. Eh dalaga na ito." Pagbibiro ko. Tumawa naman siya at umiling.

"Alam mo namang unica iha namin yan. Mahal na mahal namin ang batang iyan. Hangga't maaari ayokong ipagat sa lamok at padapuan sa langaw iyan." Ako naman ang tumawa.

I Drag you to HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon