(Agatha's P.O.V)
"Ate Agatha maglaro naman po tayo." Pilit na kumapit sa paanan ko si Cherry at kanina pa ako kinukulit makipaglaro sa kanya.
"Cherry, wag mong pilitin ang ate. Pagod siya galing sa trabaho." Sigaw ni tiya mula sa kusina.
Malungkot namang bumitaw sa paanan ko si Cherry at bumalik na lang siya sa nilalarong paper doll.
Naawa ako kaya naman.
"Sige na nga. Ano bang gusto mong laro ha Cherry?" Nilingon ako nito ng may pagkalaki laking ngiti.
"Gusto ko po sanang magtagu-taguan." Lumapit muli ito sakin at niyakap ang bewang ko.
"Sige ba basta ikaw ang taya." Paulit ulit na tumango si Cherry sa akin.
"Ok ganto ha. Walang labasan ng bahay. Bawal din sa kwarto ni tiya dahil nagpapahinga roon si Ate Apple. So malinaw na ba?" Tumango muli siya.
"Sige po. Sige po. Laro na po tayo." Nagsimula na siyang humarap sa dingding at itakip ang mga mata sa braso. "1..2....." Pagsisimula niyang bilang.
Para naman akong bumalik sa aking pagkabata. Naalala ko noong bata pa ako. Madalas akong makipagtaguan kapag sasapit na ang gabi.
"10.." Nagulat ako sa biglang pagharap ni Cherry. "Ate Agatha hindi po kayo nagtago?" Ngumuso ito at kumamot sa kanyang ulo.
"Baka kasi hindi niya alam ang larong tagu-taguan." Dalawa kaming napalingon ni Cherry sa may hagdan. Bigla kasing nagsalita si Ate Apple mula roon.
"Ba't hindi mo muna kasi itinuro Cherry kay Ate Agatha mo ang mechanics ng game." Sabi pa nito habang pababa siya.
"Tss. Alam ko. Nangaasar ka naman. Akala ko ba tulog ka?" Sabi ko sabay bato sa kanya ng maliit na unan.
"Ang ingay niyo eh. Kaya nagising na ako at hindi na makatulog." Binato nito pabalik ang unan sakin.
"Game na ulit Cherry. Magtatago na ako bilis." Pagbaling ko kay Cherry at hindi na pinansin pa si Ate Apple.
Agad namang pumwestong muli si Cherry at nagsimula ulit magbilang.
Tumakbo ako pasecond floor. Pumasok ako sa kwarto namin ni Cherry.
Hmmn. San kaya ako magtatago? Iniikot ko ang aking mata sa lugar kung saan pwede akong magtago.
Napatingin ako sa lumang cabinet sa gilid, malapit sa bintana. Cabinet iyon ni tiya ngunit dito nakalagay.
Kung dun na lang kaya.
Dali dali akong pumunta sa banda ro'n. Binuksan ko ang cabinet at pumasok sa loob.
Maya maya pa narinig ko na ang maliit na yabag ni Cherry kasabay ng munti niyang tinig na tinatawag ang pangalan ko.
"Ate Agatha? Nasan ka na?" Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang aking pagtawa.
Nasisilip ko kasi siya sa konting siwang ng aparador. Nakakatawa ang kilos ng bata. Sinisilip niya kahit sa ilalim ng kama, maging sa bawat baitang ng drawer.
Konting sandali pa ay nakita narin niya ako.
Nagtawanan muna kami bago ako tuluyang lumabas ng aparador.
"Magaling ka naman palang magtago Ate Agatha." Pinisil ko ang matambok niyang pisngi.
Sa paglabas ko, nasanggi ko ang ang isang folder. Nalaglag ang mga papel na nakainsert roon.
"Agatha, Cherry kakain na." Pagtawag ni Ate Apple samin.
"Mauna ka na Cherry, aayusin ko lang 'to." Ngumiti naman siya at agad akong sinunod.
Sinimulan ko ng damputin ang mga papel na nagkalat sa sahig.
Kapansin pansin na puro mga cheke ang mga iyon. Tinignan ko ng mabuti ang isa sa mga papel.
At nabasa ko mula ro'n ang pangalang Leonardo Antonio.
Antonio?
Umiling ako ng maraming beses.
Hindi pwedeng maging tama ang bagay na tumatakbo sa isip ko.
Ngunit iisa lamang ang taong kilala kong may ganoong pangalan.
Paano?
Magkakilala sila ni Tiya?
Tiningnan kong muli ang papel. Naglalaman iyon ng 50, 000.
Ang iba pang cheke ay nagkakalaman din ng limang libo, sampu, bente.
Bakit may ganun?
Bakit may pera si tiya na galing sa hinayupak na Antoniong iyon.
Anong meron?
Anong koneksyon nilang dalawa sa isa't isa?
"Agatha kakain na." Muling sigaw ni Ate Apple.
"Oo susunod na." Sagot ko rito.
Muling ibinalik ko ang aking atensyon sa mga papel o sabihin na nating cheke. Inipon ko iyon isa isa.
Sa di kalayuan, isang kakaibang papel ang pinulot ko. Mukhang hindi iyon cheke, isa siyang sulat.
Elisa,
Maraming salamat sa pakikipagtulungan sa akin. Sa pagpatay sa magasawang Lopez at pati sa paghuli sa anak nila.
Asahan mong ibibigay ko sa iyo ang napagkasunduan nating kapalit.
Don Antonio.
Nailukot ko ang papel.
Hindi ko narin namalayan ang sunod sunod na pagpatak ng aking mga luha.
Walang hiya.
Hayup.
Mga hayup sila.
Putang buhay 'to.
Ang akala ko sila na lang pamilya ko. Si Tiya na ang magiging nanay ko. Pero ganto? Niloko niya ako. Pinatay niya pa ang mga magulang ko at pati ako nagawa niyang ipahamak.
Para ano? Para saan?
Bakit?
Hindi ko maintindihan.
Ang alam ko lang sa ngayon.
Gusto kong pumatay.
***
To be continued.................
BINABASA MO ANG
I Drag you to Hell
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] Tunghayan ang paghihiganti ng isang dalagitang nilapastangan, binaboy, at sinira ang buong pagkatao ng grupo ng kalalakihang halang ang mga kaluluwa. Sisiguraduhin niyang sama-sama silang mamamatay sa apoy ng impyerno. *** Langu...