(Apple's P.O.V)
Nang mabalitaan ko na nasa presinto si Agatha, agad akong nagtungo ro'n.
Pero minabuti kong hindi na lang muna isama si mama.
Pagkarating ko doon, agad akong nagtanong sa mga pulis na naroon.
"Ma'm, Agatha po. Agatha Lopez." Sandaling tumingin ang babaeng pulis sa malaking notebook atsaka tumingin sakin.
"Kaano ano ka niya?" Tanong nito.
"Pinsan niya ho ako." Sagot ko.
"Dun sa may kwarto sa dulo. Iniimbestigahan siya." Tumango ako at dali daling tinungo ko ang sinabi niyang dulong kwarto.
Bumungad sakin ro'n ang napakaraming kababaihan.
Puro mga galit at nagiiyakan.
Napatingin ako sa loob ng kwarto marahil ay nakasara ito ngunit may malaking salamin na pwedeng makita ang mga taong nasa loob. Naririnig ang usapan nila.
Natanaw ko mula roon si Agatha. Ibang iba ang kanyang hitsura. Parang isang linggo siyang hindi nakatulog.
Naroon din sa loob ang sa tingin ko ay imbestigador. Magkaharap sila ni Agatha. Sa magkabilang gilid ng imbestigador ay dalawang pulis.
"Bakit ho kayo narito?" Tanong sa isang babaeng mukhang edad singkwenta na.
"Gusto kong pagbayaran ng babaeng yan ang ginawa niya sa anak ko." Umaangos ito sa pagiyak.
"Ano ho bang ginawa niya sa anak niyo?" Tanong kong muli.
"Walang habas niyang pinatay ang anak ko." Napahawak ako sa aking bibig sa gulat.
"Lahat kami dito ineng ay mga magulang, asawa at anak ng pinatay ng babaeng iyan." Dagdag pa nito na labis kong kinagulat.
"Ang dapat sa kanya mamatay rin. At sunugin ang kaluluwa niya sa impyerno." Nagsimulang magpatakan ang aking mga luha.
Labis akong nabigla sa aking mga nalaman.
Lumapit ako sa may salamin.
"Nasan ang mga katawan nila Ping Acalan, Ricardo Nueva, Ricky Usano, Chito Muran, Raul Manalo at Jake Bustamante." Kalmadong pagtatanong nung imbestigador.
Mahabang katahimikan bago sumagot si Agatha. "Sa lumang klinika, malapit dito." Mahina ngunit malinaw na sagot niya.
Nakayuko siya habang kinakalikot ang mga kuko.
"Anong ginawa mo sa kanila?" Pagtatanong muli ng imbestigador.
"Pinahirapan ko atsaka pinatay. Tapos sinunog ko ang mga katawan nila." Nagsimulang maghiyawan ang mga kababaihan na kasama ko rito sa labas. Kasabay ng mga paghagulhol nila.
"Hayup kang babae ka! Mamatay ka na rin sana."
"Halimaw ka! Demonyo!"
"Anak ka ng diyablo! Putang ina mo!"
Hindi ko na naiwasang mapaiyak ng sobra.
"Bakit mo ginawa yun sa kanila?" Napatingin muli ako sa may salamin.
"Nirape nila ako, binaboy, binugbog, sinira, winasak... at winalan ng pamilya." Napahikbi ako sa mga sinagot ni Agatha.
"Ikaw rin ba ang pumatay sa dalawang pulis nakaduty tatlong linggo na ang nakakalipas?" Tumango si Agatha.
"Bakit mo ginawa yun?"
"Hindi nila ako tinulungan, lalo nilang dinagdagan ang paghihirap ko. Hayuk din sila sa laman. Nirape rin nila ako." Bumugtong hinga ako.
"Ang tiyuhin mong si Pablo pinatay mo rin ba?" Muling tumango si Agatha.
"Bakit?"
"Siya ang pinakaunang lalaking nambaboy sa akin. Dapat sa kanya ang mamatay." Hindi ko inaasahan iyon. Hindi ko inakala na pinagsamantalahan rin pala siya ng papa.
"Nahuli namin kayong tinoturture at pinapatay niyo si Leonardo Antonio, bakit niyo nagawa yun ni Lovely Antonio?" Nangunot ang aking noo.
Lovely Antonio?
Sa pagkakaalam ko tatay niya si Don Antonio. Bakit niya naman ito papatayin?
"Pinatay niya ang mga magulang ko." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Alam ko naman yun. Sinabi na ng mama sakin ang lahat. At alam kong mali ang ginawa niya at dapat niya itong pagbayaran.
Hindi ko na kinaya ang sakit at tensyon sa lugar na iyon kaya dali dali akong lumabas ng presinto at pumara ng trycicle.
"Sa simbahan tayo manong." Pinaharurot kagad ng driver ang trycicle niya.
Pagkarating ko ng simbahan, lumuhod ako at agad na nagdasal. Hindi ko rin naiwasang mapaiyak.
Sa gitna ng aking pagdadasal may nagabot ng puting panyo.
Nilingon ko ang taong iyon.
"Felix." Sinunggaban ko siya yakap.
***
To be continued...................
BINABASA MO ANG
I Drag you to Hell
Misterio / Suspenso[C O M P L E T E D] Tunghayan ang paghihiganti ng isang dalagitang nilapastangan, binaboy, at sinira ang buong pagkatao ng grupo ng kalalakihang halang ang mga kaluluwa. Sisiguraduhin niyang sama-sama silang mamamatay sa apoy ng impyerno. *** Langu...