Chapter 5

61 8 1
                                    

(Luke's P.O.V)

"Nakikiramay ho ako." Inalo ko ang tiyahin ni Agatha na walang tigil sa paghagulhol sa harap ng saradong kabao ng kanyang asawa.

Hinawakan nito ang kaliwa kong kamay. "Salamat iho." Tumango na lang ako bilang sagot.

Iniikot ko ang aking mga mata sa paligid.

Simula sa pagkarating ko kanina ay hindi ko siya napapansin.

Nagpaalam muna ako kay Aling Ely. Nakipasok ako sa kanilang kusina para makainom ng tubig.

Sa kusina nadatnan ko roon ang isang babae. Abala itong magtimpla ng mga kape.

"Hi ako si Luke." Pagpapakilala ko. Tanging ang tiyahin lang kasi ni Agatha ang kilala ko rito.

"Ako si Apple. Anak ako nung namatay." Napayuko ako. "Nakikiramay ako." Malumanay na pagsambit ko.

"May kailangan ka ba? Gusto mo ng kape?" Ngumiti ako at umiling. "Makikihingi sana ako ng tubig."

"Sige maupo ka muna riyan. Ikukuha kita." Umupo naman ako sa isa sa mga upuan sa may dining nila. "Ito oh." Inaabot niya sakin ang isang basong tubig. "Salamat."

"Luke ang pangalan mo hindi ba?" Tumango ako kahit iniinom ko ang tubig. "Ikaw yung magpaparing manliligaw ni Agatha." Napaubo ako sa sinabi niya.

Pero dahil nabuksan na ang topic. Itinanong ko na sa kanya.

"Nasaan nga pala si Agatha. Hindi ko kasi siya napansin rito." Itinigil niya ang pagtimpla ng kape at umupo sa may harapan ko.

"Hindi siya nagpunta rito simula nung gumaling siya at makaalis ng shelter." Nangunot ang aking noo.

Kung ganoon nasaan siya? Sa pagkakabilang ko tatlong buwan na ang nakakalipas ng makalabas siya.

"May ideya ka ba kung nasan siya naroon?"

"Ang alam ko nangungupahan siya sa quezon city. Nakapasok daw siya sa isang hardware doon." Napatango ako.

"Hindi ba siya nakakadalaw rito?" Umiling siya.

"Hindi pa. Hindi ko nga alam kung alam niyang patay na si papa." lumungot ang mukha nito.

"Nakikiramay ulit ako. Ngunit wag mo sanang masamain kung itatanong ko kung anong ikinamatay ng iyong papa." Yumuko siya at nagpunas ng luha.

"Nasa pangasinan kasi kami ni mama at yung isa ko pang kapatid na babae. Yung kuya ko naman nasa cavite dun na siya nagtatrabaho kaya si papa ang palaging naiiwan dito sa bahay. At yung gabing nangyari ang krimen halos hindi na namin makilala ang papa, naliligo ito sa sariling dugo at binaboy ang kanyang katawan. Walang cctv sa lugar na ito kaya hanggang ngayon hindi parin namin alam kung sino ang may gawa nito sa kanya." Hinawakan ko ang mga kamay ni Apple.

"Wag ka magalala, hindi papalagpasin ng diyos ito." Inubos ko na ang tubig sa aking baso. "Salamat muli." Tumayo na ako. "Magpapaalam na sana ako. Limtadong oras lang ang meron ako eh." Napakamot ako sa aking batok.

"Sige magiingat ka. Hayaan mo pagdumalaw o tumawag samin si Agatha ipapaalam ko sayo." Napangiti naman ako. "O' sige alis na ako." Lumabas ako ng bahay.

Pagkalabas ko ay may mga taong nagkukumpulan.

"Nabalitaan niyo na ba ang dalawang pulis na namatay mismo sa presinto?" Sabi nung babaeng may katabaan.

"Ay Oo. Hindi kaya sindikato ang may gawa nito. Kasama na ang pagkamatay ni pareng Pablo." Sagot naman nung babaeng may kargang bata.

"Dyusko. Nakakatakot naman."

Napailing ako sa narinig kong usapan. Napatingin ako sa aking relos. Maaga pa naman.

Ano kaya kung magpunta muna akong quezon. Gehehehe. Sige sige.

Nagpara na ako ng jeep at sumakay roon.

Teka nga. Paano ko naman hahanapin si Agatha, Eh napakaraming hardware sa quezon city.

Natampal ko ang aking noo.

Dibale na. Iisa isahin ko na lang siguro lahat ng hardware. Malate man ako ng uwi, kinuntsaba ko na si Felix. Naiinitidihan naman ako nung isang yun eh. At nagpaalam ako ng maayos kay Father.

Pagkarating ko ng quezon city, hindi na ako nagaksaya pa ng oras. Naghanap kagad ako.

Ilang oras pa ang nakalipas, ilang streets at barangay narin ang nalilibot ko ay wala parin akong nakikita ni anino ni Agatha.

Pero syempre wala akong balak sumuko. Nagpatuloy parin ako sa paghahanap.

Pasadong ala siyete na ng gabi. Ay hindi ko parin siya nahahanap. Grabe ang laki pala ng quezon city.

Napaupo muna ako sa isang bench doon. Sa may waiting shed kung saan sakayan ng bus. 

Hayy. Agatha nasan ka na ba? Bakit ba napakailap mo sakin?

Sa hindi sinasadyang pagkakataon. Natanaw ng aking mata ang isang pamilyar na babae na papasakay ng bus.

Agatha?

Tama si Agatha nga.

Dali dali akong tumakbo at hinabol yung bus.

Pagkasay ko. Agad na hinanap ng aking mga mata si Agatha.

Ayun.

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Agatha yun.

Hehehe. Ito na ba ang tinatawag na destiny?

Mabuti na lamang ay walang nakaupo sa tabi niya kaya naman umupo ako roon.

Ahem. Pinunasan ko muna aking pawis at inamoy ang hininga. Mahirap na, maturn off pa sakin 'to.

"Agatha." Pagtawag ko. Lumingon naman siya at ngumiti.

"Ikaw pala Luke." Ang bakla naman nitong nararamdaman. Bakit ba kailangan pa kasing kiligin pag nakikita mo yung taong mahal mo.

"Saan ang punta mo? Teka gabi na ah. Hindi ka ba hinahanap sa seminaryo?" Napangiti ako. As in sobrang laking ngiti.

"Hinahanap kasi kita. Pwede ba kitang makausap?" Kumunot ang noo niya.

"Naguusap na tayo ah." Oo nga naman.

"Ang ibig kong sabihin, tayong dalawa lang. May sasabihin kasi ako sayo." Ngumiti siya at tumango.

"Sige."

***

To be continued...............

I Drag you to HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon