Chapter 1

156 11 3
                                    

(Luke's P.O.V)

"oh? san ang punta mo at bihis na bihis ka?" Ay naku! ang kulit naman nitong si father! lagi na lang ako ang napapansin.

"wag mong sabihing pupuntahan mo na naman yung babae dun sa shelter." pangungulit parin nito habang ginulo ang buhok kong matagal kong inayos.

"Father naman.. alam niyo namang assignment namin ang magpunta dun diba?" humarap ulit ako sa salamin para ayusin ang buhok ko.

"pinapaalalahanan lang naman kita.. ang akin lang magpapari ka, at tanging diyos lamang ang mamahalin at mapapangasawa natin habang buhay."

"akala ko ba mamaya pa ang misa father?" pagbibiro ko.

"ikaw talaga." muli nitong ginulo ang buhok. Hay! wag ko na nga lang ayusin mas cute naman ako pag messy hair."humayo ka na..."

"at magparami?" biro ko ulit dito na siyang kinatawa ng iba ko pang mga kasama.

"at baka gabihin pa kayo." paglilinaw nito ngunit nakangisi rin.

Sumakay na kami sa van para magtungo sa shelter. Sa shelter na iyon inaalagaan ang mga bata lalo na ang mga kababaihang may problema o biktima ng pisikal, emotional at mental na pangaapi.

"aminin mo na kasi bro.. gusto mo si Agatha ano?" bulong ng mapangasar na si Felix.

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti.

"naku! patawarin ka nawa ng panginoon." nagsign of the cross pa ito.

Aminado naman akong gusto ko talaga si Agatha, Ay mali.. mahal ko siya.

"pero ayus lang yan kapatid, ang gusto lang naman ng diyos ay magtungo tayo kung saan ang ikakasaya natin."

Nasapian yata itong si Felix ni Father, at tila minimisahan ako.

"kaya nga siguro mahaba ang panahon ng pagaaral natin sa pagpapari para mapagisipan nating mabuti kung ito na ba talaga ang gusto nating tahakin.. may kilala nga ako eh, nakapagasawa nung pari na siya, kaya siguro mabuti narin itong nararamdaman mo habang maaga pa." dagdag nito.

Oo, alam kong kasalanan itong nararamdaman ko. Pero kasalanan ba ang magmahal? Mapapatawad naman siguro ako ng diyos. Maiintindihan niya naman siguro ako.

At hindi na ako mapipigilan ninuman sa nararamdaman kong ito.

Antagal ko kasi siyang hinanap. Nagawa kong magaral ng pagpapari dahil ang nais niya noon ay maging madre. Sa isip ko noon, dibale ng hindi kami basta't makasama ko lang siya.

Ngunit bigla na siyang nawala ng mamatay ang kanyang mga magulang, ang sabi nakikitira daw ito sa tiyahin. Kaya naman hindi na ako nagatubiling hanapin siya doon. Ngunit nabigo ako, wala na raw siya roon at namumuhay na raw itong magisa.

Nagvovolunteer work daw ito sa isang charity at balak pumasok ng kumbento. Naalala ko ang pangarap niyang iyon kaya, ito ako.

Hinanap ko siya sa ibat ibang simbahan ngunit wala saan man siya 'dun.

Sadyang mahalaga si Agatha sa akin kaya wala sa isip ko ang sumuko. Hangga't natagpuan ko na rin siya sa wakas.

"nandito na tayo." si Felix na tinapik ako sa balikat bago bumaba ng sasakyan.

Bumaba narin ako kasabay pa ng iba. Sinalubong kami ng mga volunteers.

"Magandang araw 'ho." bati nung isa.

"Magandang araw din naman." si Felix.

Ngiti naman ang ipanangbati ko sa kanila. Ganun rin ang iba.

I Drag you to HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon