(Agatha's P.O.V)
Pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Ngunit kapag lumilingon ako ay wala naman.
Baka antok lang 'to.
Pagkatapos ng mahabang lakaran ay nakarating na ako sa lumang tambakan na tinutukoy ni Jake. Madalim ang paligid tanging liwanag lang na galing sa buwan ang nagbibigay ilaw.
Ang lugar ay parang isang lumang klinika. Puro mga sirang hospital bed ang bumungad sa akin.
Nagulat ako sa biglang pagbukas ng mga ilaw. Bumungad sakin ang apat na kalalakihang nakahiga sa semento habang nakatakip ang mga ulo nito ng sako.
Lumabas si Jake sa kung saan.
"Bakit apat lang 'to?" tanong ko ng tuluyan na siyang makalapit sakin.
"Pasensya na hindi ko napigilan ang sarili ko. Makulit kasi eh." Mukhang naintindihan ko na ang nais niyang iparating ng makita ko hawak niyang baril.
Napailing ako. Si Jake ay hindi lang simpleng tao. Isa siyang mahusay na gunman. Pumapatay siya para sa ibang tao. Nalaman ko iyon sa hindi sinasadyang marinig ko ang kwento niya sa isa pa naming katrabaho sa hardware.
Kaya hindi ako nagdalawang isip na kausapin siya at humingi ng tulong. Ikiniwento ko sa kanya ang nangyari sakin. Hindi naman niya ako tinanggihan. Madali lang naman din ang hiningi niya kapalit eh.
Sa pagdating niya napadali ang lahat.
"Iayos mo ang mga yan. Ilalabas ko ang mga gamit." Tumango naman siya. "Nandun ang mga gamit." Itinuro niya sakin ang cabinet sa parang kusina ng klinikang ito.
Nagtungo naman ako roon. May biglaang nahagip ang aking mata. Tumakbo ako papunta kay Jake. Bitbit ko ang isang bag ng may lamang gamit.
"Jake may tao ata sa labas." Tiningnan ako nito ng nakakunot ang noo. "Sige titingnan ko." Ikinasa nito ang dalang baril at saka dali daling lumabas.
Tinitigan ko ang apat na lalaki sa aking harapan. Ang mga lalaking hayuk sa laman. Nakaupo sila sa upuang bilog habang nakatali ang mga kamay sa likod. Pati narin ang mga paa. Isa isa kong tinanggal ang mga sako sa ulo nila.
Wala parin silang mga malay. Habang tinititigan ko sila unti unting nagbalik ang mga masasamang alala ko kasama nila.
Matapos kong mapagdesisyunang tuluyang umalis sa bahay nila tiyo. Naglakad ako ng napakahaba. Hindi ko alam kung sa ako pupunta. Hindi ko alam kung saan o kanino ako pwedeng manghingi ng tulong. Hindi ko na alam kung sino pa ang pwedeng pagkatiwalaan matapos ng mga nangyari sakin.
Sa gitna ng gabi. Sa gitna ng daan. Habang ako'y patuloy na naglalakad may biglang huminto na itim na van sa aking harapan.
At sa isang iglap tinangay ako ng mga lalaking nasa loob niyon.
Sumama ako ng walang kalaban laban. Nakakatakot ang mga hitsura ng mga lalaking ito. Masama ang tingin nila sakin. Yung isa'y nililibot na ang mga kamay saking katawan.
Dinala nila ako sa isang bulok at lumang bodega.
Doon itinali nila ng kadena ang aking mga kamay at paa. Walang tigil ang pagdaloy ng aking luha. Daig ko pa ang isang hayup sa itsura ko ngayon.
Ano ba ang nagawang kong kasalanan sa kanila. Bakit ginawa nila sakin 'to.
Isa isa akong pinarausan ng sa tingin ko'y limang kalalakihan. Hindi lang basta pang bababoy ang ginawa nila. Sinaktan rin nila ako.
Sobrang nanghihina na ako. Sobrang napapagod na ako.
'O diyos ko patayin niyo ho ako.' Dasal ko. 'Hindi ko na po kaya.'
Akala ko ang isang araw na iyon ang pinakamahirap sa lahat. May darating pa palang mas mabigat.
***
To be continued..................
BINABASA MO ANG
I Drag you to Hell
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] Tunghayan ang paghihiganti ng isang dalagitang nilapastangan, binaboy, at sinira ang buong pagkatao ng grupo ng kalalakihang halang ang mga kaluluwa. Sisiguraduhin niyang sama-sama silang mamamatay sa apoy ng impyerno. *** Langu...