(Luke's P.O.V)
Tahimik kong pinagmamasdan si Agatha habang kausap niya si Felix.
Parang kakaiba ang itsura ngayon ni Agatha. Hindi ko masabi kung ano, pero kakaiba talaga siya ngayon.
Napatago ako ng biglang sumulyap si Agatha sa banda ko. Huminga ako ng malalim at saka sumulip muli.
Ideya ito ni Felix na idaan ko na lang sa sulat ang mga nararamdaman at mga katanungan ko kay Agatha, nasa kanya na iyon kung gusto niyang sagutin.
Aaminin ko kahit papano ay gumaan at nagliwanag anv pakiramdam ko ng isulat ko ang liham na iyon.
Kung ano man ang ninanais at hiniling niya sakin ay rerespetuhin ko iyon. Dahil sa kabila ng lahat ng sakit at hinagpis ko, isang lang ang napatunayan ko.
Mahal ko parin siya.
Mahal na mahal ko parin siya.
~~
(Agatha's P.O.V)
Naupo ako sa kama.
Matagal ko munang tinitigan ang sobre bago napagdesisyunang buksan na iyon. Bumungad sakin ang nakatuping kulay dilaw na papel. Binuklat ko iyon.
Sulat kamay nga ito ni Luke.
Nagsimula ko ng basahin ang liham.
Mahal kong Agatha,
Kamusta ka na? Ang balita ko ay bumalik ka na sa iyong tiya. Sana pumirmi ka na riyan dahil sila ang kapamilya mo, aalagaan at mamahalin ka nila.
Pero Agatha, bakit na lang bigla mo akong iniwan? bakit at ano ang dahilan. May nasabi o nagawa ba akong masama? bakit hindi ka man lang nagpaalam? bakit pakiramdam ko ay pinaasa mo lang ako? Pinaasa mo nga lang ba talaga ako? O isa ba itong paraan ang pagbigyan ako sa nais ko para magtigil na ako sa kakakulit sa iyo?
Labis akong nasasaktan at nagdurusa sa pagalis mo ngunit kung sa iba ka sasaya tatanggapin ko iyon ng buo.
Nais kong malaman mo na ang tatlong araw na ibinigay mo ay ang pinakamasaya at mahalagang mga araw para sakin. Hindi ko malilimutan iyon buong buhay ko.
Alam mo ba sa pagalis mo parang winala mo narin ang pagasang kong magmahal ngunit hindi kita masisisi at hindi ko maipipilit ang sarili ko saiyo kung hindi mo naman talaga ako gusto.
Gusto kong malaman mo na irerespeto ko ang naging desisyon mo. Hindi na ako manggugulo at magpapakita pa sayo.
Maging masaya ka, dahil makita kang nakangiti ay para naring binibigyan ako nito ng panibagong pagasa.
Mahal kita.
Lucas.
Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, sunod sunod na tumulo ang aking mga luha.
Bakit ganto?
Bakit nasasaktan ako?
Bakit parang pakiramdam ko, ako ang mali?
Bakit nakakaramdam ako ng pagsisisi dahil sa pagiwan ko sa kanya?
Mali ba ako? Bintang lang ba lahat ng hinala ukol sa kanya?
Ewan ko. Hindi ko na alam. Nalilito na ako. Nagugulahan.
May kumatok sa pinto kaya naman dali dali kong pinunasan ang aking mga luha.
Bumukas iyon at pumasok si tiya. Umupo siya sa tabi ko.
"Ayos ka lang ba?" Pinilit kong ngumiti at tumango.
Marahan nitong tinapik tapik ang aking likod.
"Anak alam kong galit ka. Ngunit wag mong hayaang manaig at lamunin ng poot yang puso mo. Wag mong pagdudahan lahat ng taong malalapit sayo. Hindi lahat masama, meron ding nagmamahal talaga sayo ng totoo." Tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan.
Tagos puso ang sinabi ni tiya. Talagang natamaan ako.
"Kung hindi mo man kayang magpatawad ngayon hayaan mo na at ipaubaya mo na sa panahon. Anak napakaganda ng buhay. Napakabait ng diyos at hanggang ngayon kapiling ka parin namin." Hinawakan niya ang aking palad at mariing pinisil iyon.
"Gagabayan kita anak. Ibabalik loob kita sa panginoon. Gagabayan at mamahalin kita." Niyakap ko siya at doon na ako napahagulhol ng iyak.
~~
(Aling Ely's P.O.V)
'At sana anak pag dumating ang panahon na nakapagpatawad ka na ay mapatawad mo rin ako.' Sambit ko sa aking isip.
Mahigpit ko rin siyang niyakap at hinalikan ang kanyang noo.
***
To be continued......................
BINABASA MO ANG
I Drag you to Hell
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] Tunghayan ang paghihiganti ng isang dalagitang nilapastangan, binaboy, at sinira ang buong pagkatao ng grupo ng kalalakihang halang ang mga kaluluwa. Sisiguraduhin niyang sama-sama silang mamamatay sa apoy ng impyerno. *** Langu...