CHAPTER 12

3K 50 1
                                        

Chapter 12: This is Love./?

Napakasayang mabuhay(: napakagandang araw at napakabait ng boyfriend ko((: wala na atang hihilingin pa,nasakin na ang lahat maliban sa sariling kotse😁😁

Today is our 3rd monthsary. Sa loob ng 3buwan hindi ko pa sya nakitang nagalit sakin,nagtampo siguro oo. Napakabait nya.sinusunod nya lahat ng nais at sabihin ko. Masasabi kong sya nag pinakabest sa mga naging boyfriend ko. Idedescribe ko si Dale gamit ang mga magagandang salita. Ganon eh,yun talaga ang tingin ko sakanya. Di man sya yung gwapo talaga na napapahead turn ka,sya naman yung taong mahal na mahal ko ngayon.

-

Okay naman. Masaya sobra. Ang bait nya. May yaya na ako,may taga gawa ng assignment may taga hatid-sundo. HAHAHAHAH!swerte ko talaga.

Palagi kaming magkasama. Di kami naghihiwalay. Sya nalang palagi kong kasama sa canteen. Sya paging katabi ko. Walang kasawaan. Walang nagsasawa. Ewan ko pero gustong gusto namin ang presence ng bawat isa.

-

"Di ka nanaman sasama? " tanong ni Ashley na nakabusangot.

"Diba sinabi ko na yon sayo ? "

"Pwede ka naman namin ipaalam kay Dale e"

"Alam mo iniisip mo palang yan ginawa ko na. Sinabi ko na yan kanina jusko naman. Gusto ko rin naman kayo kasama diba?" Paliwanag ko.

"Claudette naman hindi masamang lumayo ka din minsan kay Dale. Di naman yan mawawala e." Sabat naman ni Ghale.

Hayysss,kung alam nyo lang guys gusto ko na din makatakas kay Dale paminsan. Parang preso nya na ako di ako pinapakawalan. Ayaw na nya ako umaalis sa tabi nya. Ano kayang gagawin ko?

-

Nandito kami ngayon ni Dale sa may basketball court. Sunday ngayon at dapat nasa bahay ako at natutulog pero kanina pinuntahan ako ni Dale sa bahay at isinama dito.

Sa totoo lang di ko naman talaga balak sumama kaya lang kasi paawa masyado tong boyfriend ko na to e. Although di naman tumalab sakin yung paawa effect nya. Sumama ako dahil ayoko na ng makuit. Panigurado pag tinanggihan ko to tatambay nanamn sya sa labas ng bahay namin which is ayoko kasi nakakahiya. Di nya kasi alam yung nakakahiya e

So ayun nauwi ako dito. Nakakabadtrip.

"Jan ka lang ah. Wag ka aalis. " sabi nya sabay bigay sakin ng bag nya.

" natural na dito lang ako,san naman ako pupunta e ngayon lang ako nakarating dito."

"Basta panuorin mo lang ako. Gagalingan ko para sayo."

"Kahit wag na di naman kita panunuorin e." Sabi ko sa isip ko.

Ayun nga di ko sya pinanuod. Nagbasa lang ako ng wattpad. Bahala sya pinerwisyo nya ako ngayong araw. Magdusa sya.

-

After nung laro tumabi agad sya sakin.

"Ano ba naman putcha! Magpalit ka muna kaya bago ka dumikit dikit sakin."

"Ayaw mo ba neto? Ang hot ko nga e"

"Tarantado ka ba talaga?Anong hot jan e ang dugyot mo nga e. Sinong gustong yakapin yang ganyang kayagit na itsura ha? Payakap ka dun sa aso oh,di yon tatanggi."

"Sungit mo nanaman." Tas bigla nyang kinurot yung magkabilang pisngi ko

Uumbagan ko na sana e kaya lang may dumating na lalong nakapagpakulo ng dugo ko.

-

"Hi Dale!" Sabay yakap nya kay Dale.

"Elaine, napaaga kayo ah." Sabi pa nya na nakayakap parin dun sa babaeng yon.

His Prisoner :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon