CHAPTER 20

3.4K 62 3
                                    

Chapter 20: Hindi yan pwede!

May meeting kami ngayon sa BGLAD.
Pupunta daw kami sa Iba,Zambalez. Nakapunta na ako dun dahil last year dun din kami nag-camping. 3 years na akong member ng organization na to sa school dahil eto lang yung org na lumalabas ng school for camping. Yung iba kasing org sa loob lang ng school nagka-camp.

Wala naman akong problema sa ganito pag sinabi ko sa parents ko pinapayagan naman ako.

Pagtapos ng meeting dumiretso nanaman kami sa canteen. Every time na may meeting o kaya may gagawin ang BGLAD, lagi kaming nililibre ng teacher na may hawak samin. Laging ganon kaya ang saya talaga maging member nito😂😂

-

Pagbalik namin sa classroom tinabihan nanaman ako ni Dale. Kunwari wala akong naramdaman na may tumabi sakin.

"Ano ginawa nyo?"

Ako naman kumakain lang. Kunwari talaga magisa lang ako.

"Ano pinagusapan nyo dun?"

Wala parin akong sinasagot.

Kinuha nya yung kinakain ko. Puta napakabastos talaga

"Kinakausap kita tas ikaw kumakain lang? Ganyan ka ba talaga kabastos?"

"Ako pa talaga ang bastos? Ikaw nga nanguha ng kinakain ko! Amina nga yan!!"

"Sagutin mo na kasi yung tanong ko"

"Ano bang paki mo sa pinagusapan namin? Member ka ba dun?"

Hinawakan nya na yung kamay ko. Mabigpit na hawak.

"Pupunta kaming Zambales putangina mo!" Biglang sabi ko sakanya

"Bat ayaw mo sabihin?"

"Hindi ka nga kasi member nun!"

"Hindi ka sasama"

What?! Gago to. Every year nag-pupunta kami dun tas sya lang makakapigil? Pakyu ba you?!

"Tanga require lahat sumama"

"Sasama din ako"

"Sa pangilang beses ko bang sasabihin sayo na HINDI KA MEMBER dun?"

Talagang inis-specify ko yung mga words na yon ng medyo matauhan naman sya.

"Edi sasabihin ko kay Ashley na isama ako"

"Baka pumayag sya e inis sayo yon"

Si Ashley yung President ng BGLAD. Kaya nga nakasama ako dun dahil sakanya.

"Papayag yon ako pa."

Nakoo,eto nanaman. Baka may gawin sya kay Ashley para lang payagan sya sumama.

-

One month from now babyahe kami papuntang Zambales. Kahit ilang beses na ako nakapunta dun di parin mawawala sakin na ma-excite ako. Ang ganda ganda kasi dun tas malamig tas basta andaming tao. Ibat-ibang school. Ang daming pwedeng i-friend.

"Claudette oh." Si ashley sabay abot ng org tshirt namin.

"Ampangit kulay Red-___-"

"Arte mo. Binigyan ka nga e. Libre yan."

"Ngayon lang tayo nagka-tshirt kulay red pa-___-"

"Lahat daw ng may tshirt na yan hiwalay sa mga members lang."

Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sainyo na PIO ako ng org na to. Ewan ko kung anong ibig sabihin ng PIO saka wala akong balak alamin kasi wala naman akong ginagawa kaya okay na yon 😂😂😂

"Kinausap ka na ba ni Dale?" Tanong ko sakanya

"Tungkol san?"

"Ah. Wala naman"

"Yung tungkol sa pagsama nya satin sa Zambales? Oo kinausap na nya ako."

"Siguro naman hindi ka pumayag diba?"

"Pumayag ako"

"WHAT?! ASHLEY BAKIT?!!! bobo mo talaga! Eh pano na ako nyan? Di ako makakapag-enjoy ano ka ba naman!?"

"Katulad nga ng sinabi ko, hiwalay tayo sa members. O.A. mo kasi mag-react e."

"Kahit na. Gaga ka ba? Pano pag andun na tayo? Shempre makikita parin natin yon. Babantayan ako nun."

"Hindi yan. Ang laki laki ng lugar na yon di natin sya makikita."

"Siguraduhin mo yan Ashley please."

-

Uwian nanaman at nandito kami ni Dale sa bakanteng lote nanaman.

"Ano nanaman? Uwi na ako."

"Hindi ka sasama sa Zambales."

"Ano ka? Sasama ako nuh."

"Hindi nga."

"Pinayagan ka nga sumama ni Ashley pagbabawalan mo parin ako?"

"Magkahiwalay tayo ng sasakyang bus."

"Ano naman? Magkikita naman tayo dun wag ka nga."

Sinabi ko na lahat ng panguuto sakanya para lang di nya ako pigilan sumama pero wala parin. Di parin sya pumayag.

"Ano bang mawawala sayo pag di ka sumama?"

"Marami. Malaki! Di lang din naman kasi pag-eenjoy ipinupunta namin dun. May mga worship din dun."

"Iba religion mo"

"Ano naman? Masama bang sumama dun?"

"Hindi ka sasama.lalandi ka lang dun "

"Dale wag naman pati ito ipagbawal mo." Sasama ka rin naman dun so please."

Hinawakan nya nanaman yung mga balikat ko at diniinan nanaman nya yon.

Tinitigan nya nanaman ako ng masama. Lagi nalang ganito. Tinanggal ko yung pagkakahawak nya sakin.

"Sumusobra ka na Dale. Hindi sa lahat ng pagkakataon pipigilan mo ko sa lahat ng gagawin ko."

"Boyfriend mo ko kaylangan mo ko sundin."

"Edi break na tayo. Ayoko na. Ginagaw mo kong preso. Tama na break na tayo."

Bigla nya akong sinampal. Pumutok nanaman yung labi ko.

"Break na tayo? Sigurado ka?"

"Oo!"

Malakas na sampal nanaman. Tapos sabunot.

"Hindi pwede."

"Bakit hindi? Ako sumagot sayo, pwedeng pwede din kita ibreak."

Sampal ulit. Nice, may instant blush on ako. Namumula na yung pisngi ko,pumutok nanaman ulit labi ko.

Minsan pag tinatanong ako ni mama kung bakit palaging pumuputok labi ako ang sinasabi ko nalang nauuntog ako sa arm chair kasi madalas akong nakaktulog sa mga lessons.

"Tama na Dale sige hindi na tayo break. Wag mo lang ako saktan."

"Hindi ka sasama dun ha"

"Oo hindi na." Sabi ko sakanya ng umiiyak.

-

Dumating yung araw na pupunta na kami sa Zambales. Mali,pupunta na sila. Di ako nakasama. Wala akong nagawa. Pati sila Ashley walang nagawa. Gustong gusto kong magalit. Gustong gusto ko magwala. Gusto kong sampalin, suntukin si Dale. Gusto ko sya patayin. Putangina nya. Dahil sakanya di ako nakasama.

Ang sama nya binubugbog nya ako para di ko sya hiwalayan.

Naghahanap lang ako ng pagkakataon para maisumbong ko na sya sa mga teachers namin.





AUTHOR'S NOTE: Good Day Dear Readers☺☺ sorry po sa napaka ikling UD😰😰 next time po hahabaan ko na. Please paki plug nadin tong story ko sa mga friends nyo para naman mas ganahan akong mag UD ng mas mabilis. Thanks!

His Prisoner :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon