CHAPTER 22

3.1K 55 0
                                    

Chapter 22: Ballpen✒

wala nanamang mga teachers na dumating. Masaya na sana e biglang pumasok yung Filipino teacher namin-____-

Okay na sana tuloy tuloy na walang teacher akala ko maaga uwian yon pala sisingit yung filipino namin. Okay naman sakin si Ma'am kasi palabiro sya tas mahilig sya maki vibes sa mga studyante. Kinakausap nya tas lagi syang nakikipagbiruan.

Sa lahat ng teachers,sya ka-close ko kasi ang bait nya. Mapagsasabihan talaga sya ng problema. Di ka nya iiwan.

"Di muna tayo magrereport ng El Fili ngayon kasi may faculty meeting kami sa baba pero may gagawin kayo para di ka lumabas labas at gumala sa campus."

Pinakuha nya mula sa faculty nila yung projector . manunuod nalang daw muna kami ng movie.

Hahahahahahah,wala syang ka-relate relate sa lesson dahil una ENGLISH yung palabas. Pangalawa napanuod ko na to e Jack and the giant slayer lang to.

"Iiwan ko na kayo. Miss president ikaw na bahala sa mga kaklase mo ha lalo na to si Frank wag mo papalabasin to pag ito nahuli ng mga guard sa baba lagot nanaman to sa adviser nyo"

"Yes po ma'am."

So ayun nga nanuod lang kami.

Di naman sa favorite ko tong palabas na to or di ko pa napanuod,gusto ko lang panuorin to ulit kaya manunuod ako.

Habang nanunuod, biglang tumabi sakin si Dale. Hinawakan nya ako boobs. Gago to ah! Buti nalang lahat nakafocus dun sa palabas.

Nagulat ako tas hinampas ko yung kamay nya.

"Ano ba?! Manyak!" Bigla kong sabi sakanya.

Tinitigan nya ako.

"Masama ba? Girlfriend naman kita"

Imbis na sumagot ako,tumayo nalang ako para lumipat sa ibang upuan para wala nang gulo dahil pag pinatulan ko pa to, baka kami na yung panuorin hindi na yung movie.

Bago pa ako makahakbang papayo, bigla na nya lang ako hinila dahilan para biglaan akong mapaupo. Letse talaga ang sakit!

"San ka pupunta?"

"Lilipat ako dun di ko masyadong makita dito"

"Dito ka lang"

"Di ko nga makita dito!"

"Di mo pa ba napanuod yan?"

"Hindi pa"

"Sinungaling ka"

"Paki mo ba kung gusto ko ulitin na panuorin?"

"Dito ka lang!"

Di nanaman ako makatanggi hinawakan na nya ako ng mahigpit sa braso e.

Nanuod parin ako kahit walang tigil nya ako kinakausap.

Hawak dito, hawak dun. Ako naman panay tanggal sa kamay nya na nakahawak sa kung saan saang parte ng katawan ko.

Pasimple kong nilalayo yung upuan ko pero pag nakakahalata naman sya na nauusog yung upuan ko hihilain nya ulit pabalik.

Nagulat ako bat bigla nya akong hinarap sakanya.

"Ano?"

"Sige tumingin ka pa puta ka talaga malandi"

"Inaano nanaman ba kita?"

"Kunwsari nanunuod ka tinitignan mo lang si Russell"

"Anong tinitignan e nandun yung monitor andun si Russell ang layo layo"

"O diba alam mo kung nasan sya. Tinitignan mo nga talaga sya"

"Tigilan mo ko please"

Sa room sanay na sila samin. Kapag nagaaway kami ni Dale di na nila pinapansin. Nagsawa na siguro sila. Araw araw ba naman na ganito nangyayri,pati nga ako nagsasawa narin.

"Malandi ka talaga putangina mo"

Kinuha nya yung ballpen na nakalapag sa armchair ko tas tinusok nya sa hita ko.

Napaiyak nalang ako ako sa sakit. Makikita mo sa palda ko yung dugo. Kahit maroon ang kulay ng uniform namin bakas parin yung dugo.

Di ko sya tinignan. Pinunasan ko yung dugo at patuloy akong nanuod. Di ko hahayaang magpatalo sakanya. Ayokong umiyak nalang nanaman.

Tinusok nya ulit yung hita ko. Napasigaw na ako sa sakit. Di ko napigilang humagulgol pero mahina lang.

May mga classmates akong napatingin samin pero bumalik lang ulit sa pinanunuod nila. Sabi ko sainyo wala na silang paki kung pinapatay na ako ni Dale.

Kahit sino naman kasi magsasawa nalang. Ilang beses na nila ako sinabihan na hiwalayan ko na si Dale pero hanggang ngayon kami parin. Di kasi nila alam na binubugbog ako. Ayokong sabihin. Pili lang ang nakakaalam.

Di ako makatayo dahil sa mga hita ko. Magkabila natusok ng ballpen. Umiyak nalang ako sa tabi nya. Nakayuko lang ako. Wala syang paki. Alam kong mas mabuti yung ganitk na nakayuko ako dahil panatag syang wala akong makikitang ibang tao.

Siya yung nanuod tas ikukuwento nya mga nangyayari sa pinapanuod nya. Wala akong paki sakanya. Di ko sya pinapakinggan.

Nung may lakas na ako para makatayo,tumayo na talaga ako at dali daling tumakbo papalabas ng room. Buti di nya ako nahawakan.

Bumaba ako sa 3rd floor. May CR dun. Katabi nun yung faculty ng adviser namin. Dun muna ako nagtago. Ang balak ko isumbong na sya.

Mga 20 mins ako nagstay dun. Kaylangan ko na lumabas para tignan yung faculty kung andun na si Ma'am pero pagkalabas ko andun sya sa labas.

Tatakbo pa ulit sana ako papasko ng cr pero nahawakan na nya yung blouse ko kaya di na ako nakatakas.

-

May fieldtrip kami bago magchristmas vacation. Nagpaalam na ako kay mama kaya sure na sasama ako. Gusto ko sumama kasi maganda ngayon yung pupuntahan Hindi katulad ng mga last years na fieldtrip na puro mga amusement parks mga pinupuntahan.

"Hindi ka sasama sa fieldtrip"

Di ko sya pinansin. Nakikinig lang sako sa daily devotion. Nakapila kami dito sa ground. Kaming dalawa nalang nanaman sa pila.

"Hindi ka sasama"

"Nakakuha na ako ng form saka magbabayad na ako mamaya."

"Hindi ka sasama"

"Bakit ba? Tatabi naman ako sayo e wag ka magaalala"

"Hindi ako sasama e"

"O hindi ko na kasalanan yan basta ako sasama ako"

"Bat kaylangan mo pa sumama lalandi ka lang dun. Sino itatabi mo sa bus? Si Russell? Siguro pag dumaan yung bus sa madilim maglalaplapan kayo"

"Dale mahiya ka naman ng konti. Nagde-devotion konting galang naman ang sama na ng mga iniisip mo"

"Hindi ka sabi sasama"

"Tama na sasama ako"

-

Ilang araw din namin pinagtalunan yan at nauwi din ako sa hindi pagsama.

Sobrang galit ko talaga sakanya nun.

Nung last na ng pasahan ng form at payment,pinunit nya yung form ko na pirmado na ni mama. As in punit na punit na. Gusto ko man sanang itape pero di kaya dahil sobrang liit ng pagkakapunit.

Lahat ginawa nya para di nanaman ako makasama.

His Prisoner :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon