Chapter 15: Nahuli na 😱
Mga 7pm na din nung nakaalis sila. Hinatid ko sila sa labas tas isa isa nila ako bineso. Ang babait talaga(:
Pagbalik ko sa kwarto ko, nadatnan ko yung fown ko na nagbi-vibrate-__-
Nakoo,si Dale nanaman siguro.
Di ko na tinignan kung sino basta sinagot ko nalang agad.
(ANO NANAMAN?!)
(Uy kalma,bat ka sumisigaw?)
Inalis ko yung fown sa tenga ko para tignan kung sino ba to.
(Joseph?)
(Laki ng problema mo ah nadamay pa ako)
(Sorry kala ko yung demonyo nanaman)
(Grabe ka naman ate sa boy friend mo)
(Masama lang kasi ugali nun e nakakabwisit)
(Yaan mo na,ganyan talaga mga lalaki lagi mainit ulo)
Tuloy tuloy na ang paguusap namin. Grabe nga e halos isang oras na din yon. Masyado syang mayaman sa load.
Pagkapatay ko ng tawag nya puro text naman kami.
Basta puro lang sweet messages mga natatanggap ko sakanya. Ang dami. Kala mo nga sya boyfriend ko e.
Wala akong ibang nireplayan kundi sya lang. Kahit sinong magtext,kahit sinong tumawag di ko sinasagot. Bahala na bukas.
Bahala na kung ano nanaman sasabihin sakin ni Dale. Ganon nalang ulit. Pababayaan ko nalang. Di ko pakikinggan,hahayaan ko lang ulit sya na magsalita ng kung ano-ano at pag sumobra na dun ko nalang ulit sya kokomprintahin.Yung ka-sweetan ni Dale nung unang nililigawan nya ako,iba sa pamamaraan ng lalaking to. Parang sanay na sanay na sya sa mga ganito
Pero,lilinawin ko, di ko sya gusto. Loyal ako sa boyfriend ko. Si Dale parin ang mahal ko kahit pa na ganon ugali nya. Kahit baliw na sya.
-
KINABUKASAN:
Nagising nalang ako sa ingay ng alarm clock. Hays,umaga nanaman. Umpisa nanamn ng kalbaryo ko sa buhay.
Di ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi. Di ko nga alam kung anong oras na yon e.
Naligo na ako agad at nagbihis. Kumain ng breakfast. Ewan ko pero maganda talaga gising ko(: sobrang ganda. Sana tuloy tuloy na to. Sana hanggang mamaya walang mangyaring masama. Sana lang
-
Nakapila na kami at nakikinig ng devotion. Kaming dalawa lang ni Dale ang nasa pila. Late nanaman mga kaklase namin. Pag ganitong dalawa lang kami naiirita ako masyado. Yung mga katabi kasi namin na ibang section palaging nakatingin samin. Palaging kami ang pinapakinggan.
Hindi dahil sa nagseselos ako kundi naiinis ako kay Dale. Imbis na makinig ng Devotion,kinakausap ako ng kinakausap. Ang ingay punyeta. Pag sinabi kong tumigil di titigil. Magagalit pa yan. Bat ko daw sya pinapatilig magsalita,ayaw ko daw ba syang kausap. May iba daw ba akong ibang kausap. Ang dami nyang sinasabi. Puro ganyan,puro ganito. Ang daming hinala, ang daming baka andaming marami talaga. Haynako ewan Bwiset!
Asan daw yung cellphone ko. Ayan nanaman. Kala mo kanya yon e.
"Nasan nga?"
"Wala dito sa bulsa ko,baka naiwan"
"Bat mo iniwan?!"
"Late na kasi ako nagising kanina,nagmamadali na ako. Nakalimutan ko ata"
Di parin sya naniwala. Kinapkap nya pa talaga bulsa ko.

BINABASA MO ANG
His Prisoner :)
RomanceHe's nice, brave and i think hes cute :) unang kita ko pa lang sakanya ay na-attract na ako :) ano pa nga bang hahanapin mo kung ganyan kaganda ang ipinapakita nyang attitude sayo ? You will definitely fall in love with him agad <3 But what if...