CHAPTER 25

3K 58 2
                                    

Chapter 25: Kalbaryo ko, tapos na nga ba?

The graduation month is on!!!

Exited? Oo naman:'3 atlast, tapos na ako sa high school. Di ko mamimiss tong school na to kasi napakalapit nya lang sa bahay. Madadaan daanan ko lang to eh,hayyys.

After ng nangyari na hindi ako nakasama sa prom,lalo lang nadagdagan ang galit ko sa taong yon.

Oo sya parin ang kasama ko araw araw pero wala na e. Sasamahan ko nalang sya for sake na hindi na nya ako masaktan, for sake na buhay pa ako.

Mahal ko pa ba sya? Hindi na. Nawala na yon 5months later. Its our 8th month now at binibilang ko nalang yon hi

Hindi na dapat nya i-expect na mahal ko pa sya until now dahil sa dami na nyang mamasamang bagay na ginawa sakin. Alam nya na siguro yon.

-

Pinatawag ako sa faculty ng adviser namin. I dont really know why. Walang idea. Blangko.

"Good Morning Ma'am, Good Morning Teachers." Pagbati ko pagkapasok ko sa faculty room.

"Oh Claudette kanina pa kita hinihintay. Halika upo ka dito"

"Ma'am kasi po pinatapos ko pa po yung subject namin bago ako nagpunta dito"

"That's okay☺ may tatanong lang ako sayo"

"Sige po ma'am"

"Alam ko naman yung nangyayari sayo sa loob ng room pero bakit di mo sinasabi sakin? I'm your adviser dapat ako unang nakakaalam pag may nangyayari sa mga students ko."

Nagulat ako sa mga sinasabi nya. Alam na yata nya pero pano?

"Ano pong sinasabi nyo ma'am?"

"Alam ko na kayo ni Dale. Alam ko din na binubugbog ka nya tama ba?"

"Pano nyo po nalaman?"

"So tama nga?"

Hinawakan nya yung kamay ko tas ni-check nya yung braso ko.

Nagulat sya nung makita nya yung mga pasa ko.

Bigla kong hinablot yung mga kamay ko at itinago yun sa likod ko.

"Bakit mo hinahayaan yan? Bat di mo sinusumbong?"

"Maam pag po sinumbong ko sya sigurado po akong mapupunta sya sa guidance tapos di sya makakakuha ng certificate of good moral. Hindi po sya makaka-graduate."

"Dapat lang sakanya yon. Alam kong boyfriend mo sya pero nasasaktan ka oh. Pano pag nalaman pa yan ng parents mo?"

"Maam hindi na po issue dito yung kung kami pa po or what. Ilang beses ko na po sya tinanggang hiwalayan pero binubugbog nya po ako."

Nagsisimula na akong umiyak sa harapan ng adviser ko.

"Hindi ko tino-tolerate ang mga ganyang students. Sasabihin ko to sa principal okay? Wag ka mag-alala hanggat maari hindi ko to hahayaang makakarating sa parents mo."

Bumalik na ako sa classroom. Di ko alam kung anong mangyayari pero naniniwala akong hindi yon masama,para sakin.

"Anong sinabi sayo?"

"Cleaners daw kami ngayon"

"Nung isang araw pa cleaners grupo nyo"

"Kaya nga nya ako pinatawag kasi gusto nya kami cleaners ngayon kasi ka group ko si Ghale diba?"

"Anong konek?"

"Dale wag kang tanga please lang"

-

Kinabukasan nagulat kami dahil nagkakagulo da principal's office. Andun yung tatay ni Dale nagwawala.

Ito na yata yung sinasabi ng adviser namin na gagawin nya.

Pinatawag yung Papa ni Dale sa Principal's office dahil hindi daw papayagang mag-march si Dale sa graduation day.

Sinabi ng adviser namin sa harap ng principal at sa papa ni Dale lahat ng mga ginagawa nya sakin.

"Hindi totoo yan. Lagi ngang nasa bahay yang batang yan at nakikita kong ayos silang dalawa."

"Dahil nga po kung hindi sasama si Claudette sakanya sasaktan nya ito" depensa ng adviser namin.

"Hindi ako papayag na hindi mag martsa ang anak ko sa graduation!" Galit na sabi ng tatay ni Dale.

"Mas hindi naman ho ako papayag na apihin lang ang mga students ko. Transferee lang ang anak nyo pero ganyan na ang ugali nya. Hindi makatao ang pinaggagagawa nya sa studyante ko."

Hindi na namin narinig ang lahat dahil kaylangan na naming umakyat para sa susunod na subject.

Nung uwian din ng araw na yon inaway nanaman ako ni Dale.

"Napaka-sumbungera mo talaga" sabay sampal

"Hindi ko naman alam na ganon pala gagawin ni maam"

"Pag ako hindi naka-graduate pinapangako ko sayo sisirain ko buhay mo"

-

FASTFORWARD

Graduation Day.

Bale sa isang malaking auditorium gagawin ang graduation namin.

Andito kami sa labas at nakapila by section.

Maingay. Lahat excited.

Lumipat muna si Ashley sa pila para pumunta sakin.

"Good Morning po tita,ganda nyo po"

"Naku ashley nambola ka pa" sabi Mama sabay tawa.

"Bibili lang kami ni Ashley ng inumin ma jan ka lang"

Bumili kami ni Ashley tas di muna kami bumalik sa mga pila namin. Umupo muna kami dun sa malapit na garden. Mamaya pa naman kasi magsisimula yan.

"Di ko pa nakikita si Dale ah"

"Ako din nga e"

"Tinawagan mo na?"

"Bat ko naman sya tatawagan? Bahala sya sa buhay nya"

Bumalik na kami sa kanya kanyang pila namin kasi magi-start na.

Wala parin si Dale. Tuwang tuwa ako dahil walng nanggugulo. Walang lapit ng lapit sakin.

-

Tuloy tuloy na yung program. Maayos naman na tumatakbo ang graduation day namin.

Maayos akong nakakanuod sa mga estudyante na umaakyat sa stage. Walang iniisip na may magagalit,walang inaalalang may magbabawal. Ang saya naman.

Pagtapos ng graduation nalaman ko na si Dale pala di dapat papayagang maka-graduate dahil nga sa hindi sya makakuha ng good moral pero binayaran nalang daw nioa yung school para makapag-march sya sa stage kanina. Ginawa pala nila lahat para makasama sya.

Nakakainis yung school kasi pinayagan nila yon. Mukha tuloy silang pera -_______-

His Prisoner :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon