CHAPTER 23

3.1K 61 1
                                        

Chapter 23: Noche Buena in Hell ❌

After ng fieldtrip namin, nagsimuala na ang christmas vacation. Sobrang natuwa ako dahil mga ilang linggo ko din hindi makakasama si Dale.

-

Due date na ni Mama ngayong buwan. Manganganak na sya. Bale magiging apat na kami.

Alam ni Dale na buntis si mama. Alam nya na anytime mangangak to at kaylangan ako sa hospital para magbantay.

Kada umaga dun ako sa hospital nagbabantay tas pag gabi dadating si papa magpapalit kami sya naman magbabantay tas uuwi na ako.

Kada gabi hinihintay ako ni Dale sa babaan ng jeep. Sabi ko sakanya wag nya na gawin yon kasi late na ako lagi umuuwi tapos traffic pa dahil malapit na nga magpasko. Mga 10 or 11 pm na din ako nakakauwi kaya di na ako nagpapaintay saka kaya ko naman na sanay na ako sa lugar dito. Ang tagal tagal ko nang nakatira dito.

"Diba nagtext naman ako sayo na wag mo na ako hintayin?"

"Bat ba hindi ka nagpapahintay? May maghahatid ba sayo?"

"Ang dami mo laging naiisip. Puro pa masama. Tigilan mo na yan magpapasko na magbago ka naman"

"Ang malandi, malandi na talaga di na magbabago"

Iniwan ko nalang sya. Nagpunta ako dun sa sakayan ng tricycle.

"Wala nang tricycle na papunta sainyo ng ganitong oras"

Di ko sya pinansin. Bahala sya sa buhay nya.

Hinila nya ako.

"Ano nanaman?"

"Maglakad nalang tayo"

"Tantanan mo na ako pwede? Pagod ako maghapon sa hospital masyadong maraming pinapa-lab dun yung mga doktor ni mama"

"Sinungaling. Di ka uutusan ng mga nurse dun mga palusot mo lumalandi ka lang sa mga nurse na lalaki dun"

"Nakakasawa ka Dale. Break na tayo please tantanan mo na ako"

Hinawakan nya yung bag ko

"Puro ka break. Bakit may iba ka na ba?"

"Yan! Yan yung nakakasawa sayo! Puro ka hinala! Puro ka duda!! Lahat nalang ng gagawin ko may issue kang iisipin. Ang dumi ng utak mo nangre-rape ka pa!"

Hinila ko yung bag ko at sinimulan ng lumakad ng mabilis.

Alam kong sinusundan nya parin ako kaya mas lalo ko pang binilisan.

Nung nasa harap na ako ng gate namin tumalikod ako at tama nga andun sya.

"Talagang sinundan mo pa ako noh? Break na nga tayo e! BREAK NA! tama na Dale umalis ka na dito!!"

Pagtapos nun pumasok na ako sa gate namin.

-

Pasko na sa isang araw pero eto ako nasa hospital parin nagbabantay kay mama. Masyadong naging malala yung caesarian na ginawa sakanya kaya hanggang ngayon andito parin kami.

Kada uuwi ako andun parin si Dale sa may babaan ng jeep.

Pag nakita na nya ako na bumaba sa jeep lalapitan na nyan ako tas kung anu-ano nang sasabihin. Puro sorry ganon. Puro paawa. Ako naman hindi ko napang pinapansin. Bahala syang magmukhang tanga jan kakasalita. Hindi ko nya sya babalikan.

Isang gabi na umuwi ako, mga ilang oras bago mag noche buena, siguro mga 10:30pm nagtaka man ako dahil wala si Dale dun para magabang sakin,natuwa din ako dahil walang mangungulit sakin pauwi.

His Prisoner :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon