Chapter 16: Kasalanan ko to 💔
Pagkabalik namin sa classroom di na nya ulit ako itinigilan. Tinabihan nya ako at kung anu-ano nanaman pinagsasabi nya. Masasakit. Pasimple nya pa akong kinukurot,sinasabunutan,sinusuntok.
Iyak lang ako ng iyak. Walang nakakapansin na inaaway nya ako kasi magulo pa sa loob ng classroom saka mahina nya akong inaaway.
Grabe sya,galit na galit na galit sya.
"Dale tama na wag mo na akong saktan. Makinig ka muna" pakiusap ko sakanya na halos di na ako makahinga dahil sa kakaiyak.
"Pakinggan? Malandi ka. Ano nanaman sasabihin mong kasinungalingan sakin ha?"
"Pagsalitain mo muna ako"
"Sino ba to? Kanina ko pa tinatanong kung sino tong putangina mong kalandian !"
"Si Joseph yan yung kumausap sakin sa canteen nung isang araw"
"Kaya naman pala pakyut ka ng pakyut sakanya kasi nilalandi mo narin pala sya.pa-same same ka pa sa iloveyou nya ha! San mo nakilala yan?!"
"Dun sa may drug test. Di nanan ako nagbigay ng number ko e.nalaman nya lang baka sa fb"
Di ko na sinabing binigay ni ashley kasi baka pati sya awayin din ni Dale. Ayoko nang madamay sya.
"Malandi ka kasi talaga e. Diba dati pa. Pati nga ako nilandi mo rin"
"Hindi kita nilandi! Ikaw ang nanligaw sakin!" Biglang lumakas ang boses ko. Mapupuno nanaman siguro ako.
Natapos lang ang pag-aaway namin nung dumating na yung teacher namin sa next subject. Mabuti nalang dahil ayoko na rin talaga.
-
Pagtapos ng klase kinaladkad na nya ulit ako pababa. Di na ako nakapagpaalam kina Ashley dahil eto nanaman si Dale. Di pa ata sya tapos. May iba nanaman siguro syang gagawin sakin. Natatakot na ako.
Dinala nya ako dun sa may bakanteng lote nananan. Lagi nya akong dinadala dito.
Pagdating namin dun bigla nanaman nya akong sinampal.
"Bakit mo to ginawa ?" Tanong nya ulit sakin
"Di ko alam."
"Hindi mo alam? Ginawa mo ng hindi mo alam? Ganyan ka na ba katanga?"
"Di ko naman sya sinabihan ng iloveyoutoo ha,bat ka nagagalit?"
"Kahit na! Magsabi ka ng Same! "
"Bat ba binibigdeal mo yan ha?! Kasalanan mo rin yan kaya napalapit ako sakanya e. Masyado na kasing masama ugali mo. Palagi mo nalang ako inaaway at sinasabihan ng masasakita na salita."
"Sinungaling ka!" Sampal nanaman ulit.
"Sya lang nakakaintindi sakin dahil lalaki sya katulad mo. Sabi nya ganyan lang daw talaga mga lalaki pero di ako naniniwala. Di ganyan lahat. Naiiba ka. Masama ugali mo!"
"Bakit hindi ka sa mga kaibigan mo ikaw magkwento bakit sa iba pa!? Bakit sa lalaki pa?!"
"Sawang sawa na sila sakin. Sawang sawa na sila sa mga reklamo ko sayo. Lagi nilang sinasabi na hiwalayan na kita dahil palaging ganyan ginagawa mo pero ayoko Dale. Ayoko. Mahal kita"
Di parin sya tumigil. Kahit ano na atang sabihin ko wala lang syang pakialam.
Kasalanan ko naman to e. Alam kong ayaw nya na nakikipagusap ako sa iba tapos ginawa ko parin. Pero di nya ako masisisi. Naghahanap lang ako ng karamay ata lama ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama. Bakit ba?
Pinagsusuntok nya ako. Sinabunutan. Umiiyak na ako. Nakikiusap na tama na. Na tumigil na sya. Nagmamakaawa na ako. Binubugbig na nya ako e.
Pagtapos nya akong bugbugin inayos nya yung buhok ko. Yung gulo gulo kong buhok inayos nya at tinalian nya. Pinunasan nya yung pumutok na labi ko. Diniretso nya ako ng tayo at inayos yung kwelyo ko. Inayos nya din yung ID ko na nabuhol.
"Wag mo na uulitin yon. Bukas bibili tayo ng bagong simcard magpapakit ka ha."
Kinuha nya yung bag nya at naglabas ng kapirasong papel at ballpen.
"Isulat mo dito yung fb account mo at password mo."
"Bat ko gagawin yan?"
"Bakit hindi?"
"Ayoko. Akin yon wala kang karapatan dun."
"Meron. Boyfriend mo ko"
"Kahit na!"
"Ibigay mo na nang matapos na usapan!" Biglang sigaw nanaman nya.
Ibinigay ko nalang. Mas mauuna naman ako makakauwi kaya mapapalitan ko agad ng password yon.
Kinuha nya yung fown ko sa bulsa at kinuha nya yung sim.
Tinupi nya. Sinira nya.
"Anong ginawa mo?!"
"Para hindi ka na makapagtext sa kahit kanino mamayang gabi."
Tumakbo na agad ako para umuwi. Hinayaan ko na sya. Putangina nya talaga. Walang puso. Bakit ganyan sya? Bukas hihiwalayan ko na sya. Bahala na.
-
Pagkauwi ko,binuksan ko agad yung account ko.
Putcha ayaw magbukas! Naunahan na nya ako. Pinalitan na nya ng password.
Grabe na to. Sobra sobra na. Puno na ako sakanya. 4months na ganyan ang ugali nya. Animal sya!
Makikita nya bukas.
BINABASA MO ANG
His Prisoner :)
RomanceHe's nice, brave and i think hes cute :) unang kita ko pa lang sakanya ay na-attract na ako :) ano pa nga bang hahanapin mo kung ganyan kaganda ang ipinapakita nyang attitude sayo ? You will definitely fall in love with him agad <3 But what if...