CHAPTER 14

3.1K 62 4
                                    

Chapter 14:Sumabog na ako-_____-

Ilang araw na din kami nagkakatext ni Joseph.

Nasa section 15 pala sya kaya medyo di ko sya napapansin. Napakasikay nya pala dun sa lower section.

Magtetext kami tuwing gabi lang. Sabi ko sakanya wag nya ako itetext pag may pasok kasi iniiwan ko fown ko kaya di ako makakareply sakanya pero ang totoo ayoko talagang magttext sya ng nasa school ako kasi nakay Dale lagi ang fown ko. Sabi ko hintayin nya lang na ako mauna magtext sakanya.

Di ko sineyb number nya. Kinabisado ko lang. Binubura ko lahat ng convo namin pag kinaumagahan na.

Pag gabi, katext ko sya tas katext ko din si Dale. Minsan nagagalit si Dale bakit daw ang tagal ko magreply. Nagpapalusot nalang ako na nag-a-advance reading ako ng mga lessons namin.

-

SA CANTEEN:

"Ano gusto mo?"

"Malapit na tayo mag-4months di mo parin alam gusto ko?"

"Oo na,amina pambili"

"Kumukuripot ka na ha"

"Wala akong pera e. Amina bilisan mo"

Kita mo nga naman kakapalan ng apog ng lalaking to. Nakakapanginit ng dugo.

Sabi ko na sainyo nagbabago na si Dale. Sobrang pagbabago. Nagiging masyadong mainitin ulo,seloso masyado na yung pagiging over protective tas ngayon ayan di na nanlilibre. Ako na palagi nagbabayad ng lunch namin nyan.

Okay lang naman sakin yon. Kaya pa naman ng budget na ibinibigay sakin yung magpakain ng dalawang tao. Kung dati marami pa akong pera na natitira sa baon ko, ngayon bente bente nalang ganon.

Ewan ko kung bat ganito na nangyayari sakanya. Sobrang layo na nung Dale na una kong nakilala kesa sa Dale na bumibili ng pagkain ko ngayon.

Di ko naman sya matanong kasi palagi mainit ulo nya. Palaging galit. Palaging parang may kaaway. Hays basta.

"Ate."

Biglang nakabalik ako sa katawan ko nung may nakiupo sa table namin tas tinawag akong ate.

"Kapatid kita?" Sabi ko sakanya na di sya tinitignan. Nag-aajust pa ako sa mga pangyayari kanina sa isip ko.

"Sungit talaga neto"

Ow shit! May gwapo!

"Joseph?

"Sino kasama mo? May pagkain ka na ba? Libre na kita"

"Ha?"

Putcha nakakatulala tong taong to!

"Sabi ko kung--------"

Biglang naputol yung sasabihin nya ng may nagsalita-____-

"Kasama nya ako." Sabi ni Dale na may madiin na boses.

"Ah,ate sya yung boyfriend mo?"

"Ha? Ah,oo:)"

"Talagang ngumingiti ka pa ha. Nagpapakyut ka?" Sabi nanaman ni Dale.

Tinitigan ko sya ng masama. Yung dinadasal ko na sana matunaw na sya ganon.

"Tara na." Pagyaya ko sakanya

"Teka lang may kinakausap ka pa oh" sabi nanaman nya with sarcastic tone.

"TARA NA!"

kaylangan ko pa sumigaw para makaramdam sya.

Bumalik kami sa classroom at nagstay dun hanggang matapos ang klase.

-

Cleaners sila Dale ngayon kaya kinausap ko muna sila Ashley sa labas ng classroom namin.

"Okay lang ba kayo?"

"Ewan ko Ghale. Masyado na si Dale sa pagiging mahigpit"

"Kausapin ko gusto mo?" Sabi naman ni Ashley

"Gusto mo bang sigawan ka nanaman nyan?"

"Di na tama yan e. Buti di ka pa pinagbubuhatan ng kamay nyan"

"Buti na nga lang e. Sana naman wag mangyari yon"

Habang nagkukwentuhan kami sa labas,si Dale naman panay silip samin. Panay tawag sakin tas wala lang naman sasabihin.Tangina naglilinis sila. Nagfo-floorwax pa tas tatawag tawagin nya pa ko? May hika kaya ako sinabi ko na sakanya yan tas puro tawg parin. Naamoy ko yung florrwax bwiset! Gustong gusto ko na umuwi kaya lang di ako makababa dahil sakanya. Ayokong may masabi nanaman sya sakin.

"Dale pwede tapusin mo na yan para makauwi na tayo? Di ka kasi matatapos kung minu-minuto mo akong sisilipin dito sa labas"

"Baka may kausapin ka jan e"

"Kingina naman! Tayo nalang tao dito sa sixth floor oh. Kami nalang nila ashley andito sa labas ng classroom tas may kakausapin ako? Anoba ?"

Pagkasabi ko nun hinila ko na sila ashley pababa. Naiinis na ako e. Nakakagalit na masyado.puro duda! Puro hinala!

Hinabol nya ako. As expected. Para syang tanga. Kung nakikita nyo lang sya. Obsessed na ata sya.

"San ka pupunta?!"

"Uuwi na ako Dale please lang"

"Hindi pwede!"

"Bakit? Gusto ko na umuwi e"

"Kaylangan magkasabay tayo. Pano pag .ay nakasalubong ka pagbaba tas kausapin mo? Landiin mo?"

And again nagpantig nanaman yung tenga ko. Pinagsasapak ko sya.yung feeling sobrang pikon na pikon na pikon na rindi na rindi na rindi ka na sa mga sinasabi nya. Sa lahat ng pandududa nya. Sa palagi kong naririnig sakanya na malandi ako.

Kahit nakikita nila wala na akong pake. Basta masapak ko lang sya. Basta malabas ko lang tong galit na nararamdaman ko.

"Dale iba ka na."

Pagkasabi ko nun bumaba na ako. Sinundan nalang ako ng mga kaibigan ko.

Nagpunta kami dun sa may park sa likod ng gitna ng school. Maraming tao dito palagi e ngayon konti nalang kasi uwian na e.

"Okay ka lang?"

Binigyan nila ako ng tubig.

"Okay lang naman bakit?"

"Sus ang plastik mo"

"Di okay nga lang. Okay na. Nalabas ko na yung galit ko"

"Mabuti yan"

"Nagiba na si Dale"

"Maayos din yan wag ka mag-alala"

-

Hinatid na nila akong lahat sa bahay. Dun kami nagusap-usap ulit. Naglaro tas kumain ng icecream. Ang saya lang nakalimutan ko yung nagyaring pagasabog ko kanina. Thanks kasi may mga kaibigan akong ganito. Yung di nangiiwan



AUTHOR'S NOTE:
ang ikli diba? Hahahahaha inaantok na ako e
UD ulit ako pag naka 100 views na to 😍

His Prisoner :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon