CHAPTER 24

3.1K 53 3
                                    

Chapter 24: Natahi na, Sayang😒😒

New year😂 ang saya! Nakauwi na si mama galing hospital. Dun sya nag pasko akala namin dun na din sya magnu-new year pero buti nalang pinauwi na sya ng mga doktor nya.

Masaya ako ngayong new year at umaasa ako na sana maging maayos tong pasok ng taon na to.

-

Pagka resume ng klase, wala na masyadong ginagawa. Praktis na kasi ng graduation. Palaging walang klase o kaya naman meron nga kaya lang madali lang lagi. Kala-kalahating oras lang ganon.

-

Pinababa kami sa may court. Magpapraktis nanaman kami. Mga odd sections muna kasi unang magpapraktis kasi medyo masikip yung court.

Magkahiwalay yung boys sa girls pero magkatapat lang naman. Ewan ko kung nakikita ako ni Dale kasi sya di ko nakikita. Hayyyys,buti naman wala nang nagbabantay sakin.

Nagsimula nang magtawag ng mga sections. Shrmpre mga lower sections muna unang aakyat para kumuha kunwari ng diploma.

Wala kang ibang gagawin kundi manuod. Titignan mo kung sino mga aakyat,kung sino mga mga aabot ng diploma , kung sino mga ga-graduate.

Yung iba kilala ko kasi classmates ko dati , yung iba mga friends ko sa fb, yung iba nakakasalubong ko sa canteen ganon. Halos naman lahat ng nandito kilala ko sa mukha o sa pangalan. Ang tagal tagal ko na dito e.

Pagtapos ng praktis namin, nag-announce yung principal tungkol sa senior's night.

Lahat natuwa. Lahat exited. Shempre pati ako na-excite. Ang tagal ko nang inaabangan to. Senior's night ang bubuo ng pagkahigh school ko. Ito yung pinakiintay ko.

Nung natapos na naglabasan na kami sa court. Nakita ko na malayo pa si Dale sa may bungad ng court kaya yumuko ako at nag-iba ako ng lalabasan. Ayoko na makasabay sya ngayon.

Akala ko okay na. Akala ko nakatakas na ako pero mali ako.

Bigla nalang may humaltak sa uniform ko.

Bwiset! Akala ko nakatakas na ako e 😒😒😒

"Ang dami nanaman nakita nyang mga mata mo" sabay hampas sa mga mata ko

"Anong maraming nakita?"

"Kunwari ka pa! Diba kanina panay tingin mo sa mga umaakyat ng stage?"

"Tanga ka ba? Malamang nanunuod ako nung mga umaakyat!"

"Nanunuod? Eh kung makatingin ka parang huhubaran mo na yung mga lalaki dun"

Ibig sabihin pala nakikita nya ako? Bat sya di o nakikita kaya kampante ako kanina e.

"Wag mo akong tinutulad sa mga kahalayan mo sa buhay Dale"

"Magsisinungaling ka pa e!" Kasabay nun ang pagsuntok nanaman nya sakin.

Oo maraming nakakakita. Ibat ibang sections. Pero wala naman silamg ginagawa e.

May lumapit samin na isang janitor.

Hinawakan nya ako at nilayo kay Dale.

"Bakit ka nananakit ng babae? Gusto mo bang ipa-guidance kita?!" Galit na sabi ni kuyang janitor.

Tinignan lang sya ni Dale ng masama tas umalis sya.

"Anong ginawa mo dun iha bat ka sinasaktan?"

"Ganon po talaga sya kuya. Konting tingin ko lang po sa iba binubugbog na nya po ako"

"Bat ka pumapayag?"

"Ayoko rin po ng ginagawa nya kaya lang po wala akong choice"

"Bat di mo pa hiwalayan?"

His Prisoner :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon