CHAPTER 26

6.6K 109 22
                                    

Chapter 26: Finally , Final 💪☺😜😂

Lumipas pa ng dalawang buwan ang pagsasama namin ni Dale. Pang 9th month na namin ngayon.

Tuwing gabi kaylangan ko tumakas para makipagkita sakanya. Palagi syang nag-aabang sa labas ng bahay namin. Ayaw ko man syang labasin eh kumakatok sya sa bahay. Mga 11pm sya lagi nag-aabang dun. Nakakainis. Nakakabwisit.

Minsan isang gabi nagtext sya, nasa labas na daw sya ng bahay lumabas na daw ako. Di ko sya nireplayan. Ilang beses din sya nagtext nun. Tumatawag pa nga sya eh. Ginising ko si papa sabi ko parang may magnanakaw sa labas. Lumabas sya tas ewan ko kung naabutan nya si Dale dun.

Nagtext si Dale uuwi na daw sya😂😂 hahahahah di ko parin nireplayan. Kinabukasan ko na sya sinagot sabi ko nakatulog ako kaya di ako nakalabas pero yung totoo ayaw ko lang talaga.

Linggo nun eh. Sabi nya magsimba daw kami. Nagulat ako kasi niyayaya nya ako magsimba. Alam ko demonyo sya kaya masusunog sya sa simbahan pero gusto nya parin magsimba. Grabe talaga kapal ng mukha nya.

'Ang tagal mo' text nya

'Sige sandali nalang lalabas na ako'

Ayoko sana magsimba. I mean,gusto ko pero hindi sya yung kasama. Kilala ko tong putanginang to. Mapalingon lang ako magagalit sya agad. Pano pag napalingon ako dun sa simbahan? Baka mag-iskandalo nanaman sya dun.

"Dito nalang tayo sa may bandang likod"

"Dun na sa harap para malapit tayo"

"Gusto mo dun kasi maraming tao maghahanap ka nanaman ng pogi"

Jusko, nasa simbahan kami ganyan parin iniisip nya? Walang utak talaga.

"Kasi may luhuran dun kaya dun nalang tayo,pwede?"

Nakiusap ako sakanya ng maayos para hindi kami mag-away dito sa lugar na to. Religious person ako kaya nagtitiis ako ng ganito sakanya kahit puro kademonyohan na lang ginagawa nya sakin.

Dun na nga kami umupo sa may bandang unahan pinagbigyan nya naman ako.

Sa buong misa nakayuko lang ako.ganon naman dati pa eh. Yuyuko nalang ako para wala akong matignang iba. Para wala nalang gulo.

Pagtapos namin magsimba niyaya nya akong kumain sa jolibee daw. Ililibre nya daw ako.

Nanibago ako sakanya. Medyo mabait sya ngayon. Masyado syang concern tas kanina nya pa ako pinagbibigyan. Inaalala nya ako. Basta mabait sya.

Eto ka nanaman ba Dale? Magiging mabait ka nanaman ba? Pero, hindi ka na tatalab sakin. Ngayong tapos na tayo sa high school siguro tama nang makipaghiwalay sayo ng tuluyan.

Ilang beses ko din tinanggka na makipaghiwalay sayo pero di ko magawa-gawa dahil sinasaktan at binubugbog mo ko pero ngayong wala nang klase, ngayong wala nang dahilan para kaylangan nating magkita, makikipaghiwalay na ako sayo. Tatapusin ko lang tong pagiging mabait mo.

"Anong order mo?"

"Kahit fries at ice cream nalang okay na sakin yon."

"Yun lang? Baka may iba ka pang gusto"

"Ayos na yon baka wala ka nang pera"

"Sige ako nalang magdadagdag"

Maayos naman kaming kumain. Kwentuhan ganon. Masaya, magandang araw.

Pagtapos namin kumain nagyaya na akong umuwi. Sabi ko kasi maggagabi na. Mga 4pm na kasi yun.

Sabi ko punta muna kami dun sa bakanteng lote. May sasabihin lang ako sakanya.

"Anong sasabihin mo?"

"Dale break na tayo"

"Ano?" Sa mukha nya makikita mo yung biglang lungkot

"Ayoko na talaga Dale. Tinapos ko lang yung school year para di tayo mahirapan na nagsasama tayo sa isang classroom."

"Hindi pwede" hinawakan nanaman nya ako sa braso

"Anong hindi? Pwede tayong magbreak. Diba sabi mo uuwi ka na sa probinsya? Sabi mo dun ka na mag-aaral? Sige dun ka na makakahanap ka din dun"

"Hindi nga pwede!"pagsigaw nya.

Sakto nung sasabunutan nya ako biglang may dumaan. Kala ko titigil sya pero hindi. Ahit may dumaan sinabunutan nya parin ako.

Dumaan din yung kapatid ko. Kilala nya si Dale. Lalapitan nya sana pero sabi ko uwi nalang sya tinatawag sya ni mama kaya ayun umalis nalang sya.

"Dale tama na. Sobra na yung ginawa mo sakin. Palayain mo naman ako"

"Bakit may iba ka na ba?"

"Wala. Nakikipaghiwalay ako dahil pagod na ako. Pagod na yung katawan at isip ko sayo. Walang ibang taong involve dito Dale"

Suntok. Tadyak. Ayan nanaman ang binigay nya sakin. Pero wala akong akong paki. Tinanggap ko lahat ng ginagawa nya ngayon.

"Ano makikipaghiwalay ka pa?"

"Oo Dale. Ibalik mo sakin yung password ko sa FB. Hindi na sayo yun ngayon."

Sampal. Maraming sampal. May mga dumadaan at nakikita nila yung ginagawa sakin ni Dale pero wala syang balak tumigil.

Dumudugo na yung labi ko pero desidido talaga ako sa ginagawa ko.

"Dale ibigay mo na sakin yung password ko."

"Hindi ko ibibigay yon gagamitin mo lang yon sa kalandian mo"

"Pag hindi mo ibinigay yon isusumbong na kita sa mga pulis. Pwede ka nang hulihin at ikulong"

"Wala akong pakialam!!"

"Nagmamakaawa ako sayo isoli mo na yon tapos di na ako magpapakita sayo kahit kelan."

Hinawakan nya yung magkabilang manggas ng damit ko. Pinaghahalikan nya ako. Sinapian nanaman sya ng demonyo. Kàhit na nasa public place kami ginawa nya parin yon.

"Tama na. Ayoko na Dale."

Tumakbo ako papasok ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko.

Tinext nya ako ng tinext. Sabi nya bumalik daw ako dun di pa daw sya tapos. Kung anu-ano ang pinagsasabi nya.

Hindi ko sya nireplayan. Hindi ko sya binalikan dun. Ayoko na, pagod na ako.

Umabot ng gabi text parin sya ng text. Alam ko nandun parin sya sa bakanteng lote na yon.

'Ibabalik ko na sayo. Kung yan gusto mo titigilan na kita'

Ni-send nya sakin yung mga passwords ng maga accounts ko.

Binuksan ko agad isa isa at tama naman yung binigay nya. Pinalitan ko agad lahat ng passwords para di na nya mabuksan.

Di ko maexplain yung feeling ko ngayon. Parang bigla akong nakalabas sa napaka-sikip, napaka init, napakadilim na lugar. Nakaalis na ako sa impyerno. Sa wakas tapos na din.

Minessage nya ako ng minessage ng gabing yon. Puro sorry. Puro kadramahan. Lahat na ata sinabi nya pero kahit isa wala akong nireplayan.

Inenjoy ko yung FB ko. Grabe namiss ko to. Ang daming biglang nagbago. Yung 3000 mahigit na friwnds ko nun biglang nangonte. Siguro nasa 1000+ nalang ata yun e. Ang dami nyang pinalitan,pinakialaman.

Binalita ko hindi lang kay Ashley kundi sa lahat ng mga kaklase ko na wala na kami kahit wala silang pakiaalam. Tuwang tuwa ako. Masayabg masaya. Malaya. Sa wakas tapos na.

His Prisoner :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon